Ipinapakita ang mga post na may etiketa na armando giron. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na armando giron. Ipakita ang lahat ng mga post

"MGA MAGAGANDANG ALA-ALA SA BOTANICAL GARDEN NI SIR ARMANDO GIRON"






Kapag nasa loob ako ng isang pampasaherong bus papuntang Probinsya, lagi akong namamangha sa mga tanawing nakikita ko sa labas ng bintana ng bus. Para bagang gusto ko siyang maakap sa malapitan, maamoy ng husto, at maramdaman ng higit pa.

Nagkaroon ng katuparan ang lahat ng iyon ng bisitahin ko nu'ng nagdaang taon ang Botanical Garden ni Sir Armando Giron, na isang advocate ng Culture and Arts sa buong lalawigan ng Bongabon, Nueva Ecija.

Kapag naroon ka sa Botanical Garden niya, ang lapit-lapit mo sa nature. Mahahawakan mo ang mga rare species of plants and flowers, makapamimitas ka ng mga masasarap na prutas at makakain ka ng mga sariwang gulay. Lahat ng iyon, galing mismo sa malawak na farm at Botanical Garden ni Mr. Giron.
Pero higit sa lahat, ang makapiling mo lamang si Mr. Giron, na hinahangaan ng mga kapwa advocates niya for the Arts na tulad nina Frank G. Rivera, Francis Musni, Sonny O Valencia, Armando Pilapil Sta Ana, Carlito Pocholo Malillin at Renato Soriano Bisquera- wow, ibang klase na ang pakiramdam mo sa sarili mo. Kasi, hindi basta-bastang tao si Mr. Giron. Napakadami na niyang accomplishements sa mundo ng Arts at iba pa. Truly, he is a valuable person and son of Bongabon, na isang first-class municipality sa probinsya ng Nueva Ecija.

At ang makapiling din for lunch or meryenda ang iba pang mga distinguished V.I.P.-guests ni Mr. Giron doon sa Giron Botanical Gardens niya, you will feel so elated also. Pawang mga taga-Alta de Sociedad lamang po kasi ang mga regular visitors doon ni Mr. Giron. Nu'ng magpunta kami doon last year, ang mga nakasalamuha namin ay mga Beauty Queens, Politicians, Historians, Balikbayans, Doctors, Industrialists, to name some. Ibang klase talaga.

Kaibigang matalik din ni Mr. Giron ang Mayor doon na si Mayor Ricardo Padilla. Kaibigan din ni Sir Armando ang dakilang Pintor na si Rafael "Popoy" Cusi. Oh, my.

Iyan ang magagandang mga ala-ala ko sa ilang mga araw na pagbisita ko sa Botanical garden ni Mr. Giron. Ang Sining, History at Kultura ay maaakap mo ng husto kapag naroon ka na.
Kaya naman, salamat, Mr. Giron, salamat.

Dahil sa muli, nakatanggap kami ng imbitasyon sa iyo na magpunta sa iyong Botanical Garden.... Ang "SECRET GARDEN ng buhay ko. Magpakailanman.


(sinulat ni robert manuguid silverio)

POPOY CUSI CAPTURES THE BEAUTY OF MINDANAO IN HIS LATEST PAINTING EXHIBIT AT GANDA ART GALLERY, IN PARTNERSHIP WITH GIRON BOTANICS CULTURE AND ARTS CENTER...






GANDA ART GALLERY, IN PARTNERSHIP WITH GIRON BOTANICS CULTURE AND ARTS CENTER BECAME THE MAJOR SPONSORS FOR RAFAEL 'POPOY' CUSI'S LATES PAINTING ART WORKS THAT WAS EXHIBITED IN DAVAO  PROVINCE.

MASTER POPOY CAPTURED THE BEAUTY OF THE MINDANAO CONTINENT  THROUGH HIS LATEST SERIES OF PAINTINGS EXHIBITED THERE. IN ACCORDANCE WITH THE CELEBRATION OF NCCA's NATIONAL ARTS MONTH.

MABUHAY ANG SINING PILIPINO! MABUHAY ANG GIRON BOTANICS! MABUHAY, MASTER POPOY!!!!


(sinulat ni robert manuguid silverio)

PHOTOS BY: MR. IVAN IRINCO
(note: photo captions and names of people with mr. popoy cusi during the exhiobit were too many to mention and needs clarification. credits belongs to them. photos were not captioned for a more delightful presentation. thank you).***






























ms. anji puso writes about the GIRON BOTANICAL GARDEN...

mr. armando giron (left), owner of giron botanics entertains a respected burn surgeon- ms. jeane judan azarcon and their two classmates in College days-Cynthia de Guzman Sinaguinan & Violeta Roque Mendez
 ...
ms. anji puso with her staff during their visit at the giron botanics

mayor of bongabon- mayor ricardo padilla (left) chats with mr. armando giron (owner of giron botanics) and mr. francis musni (food historian)



kris aquino's visit to giron botanics

a haggard blogger robert recharges at giron botanics....





ANJI PUSO, SEGMENT PRODUCER

"ONCE in your lifetime you will stumble upon a special place that may change your life forever. To me that wonderful place is Giron Botanic Garden. Albeit how fleeting, the moment was, it left a deep sense of awakening into my soul. The placidness of the garden, the grandeur of the works of art, the overflow of spiritualism and the indepth appreciation of culture and heritage intricately woven in the wisdom of Sir Armando Giron's stories and anecdotes whilst sharing a meal at a table where many prestigious and successful men and women sat and dined before our team has etched in my being a remarkable memory I will always treasure and learn from. Come...share the moment, visit the tranquil and yet uplifting abode that is Giron Botanic and find your soul smiling from within.

Thank you for sharing a glimpse of the good and blessed life to us, sir Armando. You are a beautiful soul and your home is heaven blessed."--- (WORDS BY MS. ANJI PUSO, SEGMENT PRODUCER AT LEADER NEWS PHILIPPINES).




(p.s. note from blogger robert: "two separate souls not related to ms. anji puso agrees to what she said- because these souls chooses the place where they will stay forever- and the place they chose was GIRON BOTANICAL GARDEN).*


"OBRA":ISANG PAGLALAKBAY AT PAGBIBIGAY-PUGAY NG SINING SA PAGKAKAKILANLAN NG NUEVA ECIJA


marcella gabrielle giron speaks for novo ecijanos
marcella with his father- mr. armando c. giron (chairman, nueva ecija's council for history, culture & the arts).*



MULA SA MGA SALITA NI MARCELLA GABRIELLE GIRON, ANAK NI GINOONG ARMANDO C. GIRON NG NUEVA ECIJA'S COUNCIL FOR HISTORY, CULTURE AND THE ARTS:

"Ang tunay at taos-pusong pagbibigay ay hindi kailanman masusukat o masusuklian. Hindi batayan ang ating pinagmulan o estado sa buhay upang matukoy ang ting kakayahang magbahagi ng kabutihan at malasakit sa ating kapwa. Nagbibigay tayo hindi upang makatanggap lamang ng pauri o kabayaran. Ang walang pag-iimbot na pag-aalay ay nagmumula sa puso, walang bahid ng lihim o makasariling adhikain at hindi humihingi ng anumang kapalit.

Ang pagsasama-sama ng mga bantog na pintor mula sa Nueva Ecija at Maynila ay sumisimbolo sa kakayanan ng sining na pagbuklurin ang bawat indibiduwal o komunidad. Magkakaiba man ang pananw o istilo sa paglilikha,  lahat ay kumakatawan sa iisang larangan, sa iisang lalawigan at iisang bansa. Nais ng OBRA na isantabi muna ang mga pansariling hangarin at ibigay ang dangal at papuri sa mahal nating lalawigan.

Naniniwala ako na ang Sining ay isa sa pinakamaganda at wagas na paraan ng pagbabahagi ng damdamin at paghahayag ng mga katotohanang may kaugnayan sa iba't-ibang aspeto ng buhay. Ang sining ay hindi pasikatan o paligsahan, bagkos, isa itong dalisay na pag-aalay ng sarili, talento at pagmamahal sa mundo. Isa itong larangang walang hangganan at lugar para sa mapang-husga at saradong isipan. Isa itong daan tungo sa malayang pagsasalarawan at pagpapahayag ng mhahalagang istorya't mensaheng sumasalamin sa ating pakikiulayaw at pakikipagsapalaran sa mga reyalidad ng buhay.

Kung ating iisipin, ang buhay Novo Ecijano ay isang napakagandang OBRA ng Lumiha. Tayo rito ay pinagkalooban ng nakabibighaning mga tanawin tulad ng marilag na bulubundukin ng Sierra Madre at ang malalawak na bukiring pinagmumulan ng bigas, mais, sibuyas, at iba pang mga ani at produktong nagbibigay buhay at hanapbuhay, hindi lamang sa ating mga kababayan, kundi sa napakaraming Pilipino.

Ang OBRA ay nilikha bilang pasasalamat sa kabutihan at biyayang natatamasa natin bilang mga Novo Ecijano. Isa itong pagbibigay-pugay sa bawat taong bumubuo sa ating pamayanan. Sa pamamagitan ng mga larawang inialay ng mga tampok naming mga alagad ng sining, nais naming maiangat at mabigyang-puri ang ating pagkakakilanlan bilang isang lalawigan, mapukaw at mapsigla ang interes ng publiko sa kahalgahan ng turismo, kasaysayan, kultura at Sining ng Nueva Ecija; mahikayat ang lahat na isapuso ang kultura ng pag-aalay at malasakit, na nagbibigay-daan sa mas pinaigting na pagkakaisa at tuluyang pag-unlad ng ating lalawigang Nueva Ecija."


(SINULAT NI MARCELLA GABRIELLE GIRON)


(Ang OBRA ay isang Visual Art Exhibit for the benefit of Museo Novo Ecijano at kasalukuyang naka-display na sa nasabing Museo. Ang mga likha ng mga piling-piling pintor ay matatagpuan na ngayon at doon mismo sa Museo Novo Ecijano. Pasyalan na ninyo at saksihan ang OBRA!)

Ang Mga Pintor: Fredi Agunoy, Hermes Alegre, Felix Beltran, Dante Castillo, Elito Circa, Rafael Cusi, Jeff Dizon, Domilito Iquio, Ramon Lopez, Jun Martinez, Nik Masangkay, Lydia Nabong, Mario Parial, Roland Santos, Danilo Taiplacido at Edwin Wilwayco.*



mr. giron being interviewed by a cabanatuan tv fiield reporter during the launching of OBRA.

A MUSICAL BREAK AT OBRA'S LAUNCH

mr. armando c. giron with very special guests at the launching of OBRA  early this year

the paintings on display at the Museo Novo Ecijano








RUDY JACKSON, MASKI NASA AMERIKA AY NAKAKATANGGAP PA RIN NG MGA BIYAYA NA IBINIBIGAY DIN NAMAN NIYA SA MGA KAIBIGAN NIYA SA PILIPINAS!

SIR RUDY (IN DRAG) WITH A FRIEND NAMED MANNY SIR RUDY WITH HIS MOST INTIMATE FRIENDS SIR RUDY IN HIS NEPHEW'S HOUSE IN THE U.S. EARLY CH...