Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Orlando Sol. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Orlando Sol. Ipakita ang lahat ng mga post

orlando sol, nagluksa sa pagyao ni jake tordesillas, na isa sa mga taong tumulong sa kanyang career...

orlando with the late jake tordesilla (R.I.P.) in black shirt, a friend and direk maryo j. in one of their last happy moments together in indonesia.
"Akala ko po ba tito Joaquin Jake Tordesillas usapan natin n sasamahan ko po kyo magpa-checkup po tyo ngaun Monday kay Doc Canlas and dun sa PT doc.Ron. Bakit naman po ganon?😢😢😢 mami-miss po namin kayo tito Jake Tordesillas.. We love you, tito Jake. REST IN PEACE"-from ORLANDO SOL



Ang mga salita sa itaas ay nanggaling mismo sa FB Status ni Orlando Sol, more than one week ago. And obviously, isa iyon sa pinakahuling nai-post niya sa kanyang Facebook- dahil tunay na nagluluksa ngayon ang Star Music redording artist/singer-actor.

May nakapagsabi pa sa blogger na ito, panay daw ang iyak ni Orlando sa siyam na araw na burol ni tito Jake Tordesillas (R.I.P.), isa sa mga nirerespetong Creative geniuses ng movie industry. Si tito Jake (R.I.P.), napakalaki ng nai-share na artistry sa mundo ng telebisyon at pelikula. Kaibigan ni tito Jake (R.I.P.) ang premyadong direktor na si Maryo J. delos Reyes na siya namang manager ni Orlando Sol.

"He couldn't fully move-on", wika pa ng isa sa production staff ng Production 56 company ni direk Maryo. "Minsan, natutulala na lamang siya. Pero nare-regain niya ang momentum niya kapag nakikita niya ang manager niyang si direk Maryo J. na malungkot. Tatayo siya at aakapin si direk maryo. Ayaw niyang maging totally weak sa mga panahong ito na mas kailangan ni direk Maryo J. ng suporta at kalinga buhat sa mga kaibigan niya. Sina direk Maryo J. kasi at ang yumaong si tito Jake ay naging partners in life. At ngayon, nag-iisa na lang si direk Maryo J."

Pansamantala tuloy na na-move ng kaunti ang mga dates ng promo tours ni Orlando sa ilang key cities sa Visayas at Mindanao in line sa CD album niyang EMOSYON para sa Star Music records. Very emotional kasi pareho sina Orlando at direk Maryo J. lately, na tila bagang akmang-akma sa titulo ng CD album ni Orlando na may pamagat na EMOSYON.


PHOTO BY MR. WILSON FERNANDEZ (orlando stands beside james dean, his idol).

orlando's new hair style.


"Uunahin dapat ni Orlando ang Butuan City sa Agusan del Norte, na medyo na-move nga ang petsa ng pagpunta niya doon ngayon", sabi pa ng isang reliable source sa kampo nina Orlando. "Pagkatapos ng Butuan ay pupunta siya ng Iloilo City, Cebu City, pagkatapos ay Dumaguete City. Then, babalik ule siya ng Mindanao papuntang Davao City naman. Pinakahuli sa provincial tour ni Orlando ay ang Bohol province kung saan ay sa Tagbilaran City na lugar nina direk Maryo J. naman ang pupuntahan niya."

Pero in-assure ng source ng blogger na ito, tuloy na tuloy ang provincial tours ni Orlando.

Meanwhile, selling like hotcakes ngayon ang CD album na EMOSYON ni Orlando.  At tuwang-tuwa ang mga taga-Star Music sa naging outcome ng first album sa kanila ng morenong singer-actor. Malamang daw na masundan pa ito.

Ire-release din yata muli theatrically ang isa pang pelikula ni Orlando- 'yung Bamboo Flowers na naipalabas na a few years back. May isa pang pelikulang ginawa si Orlando- 'yung The Sister, isang indie film na malapit nang ipalabas. Maganda pareho ang roles ni Orlando sa dalawang pelikulang nabanggit.

Sabi nga ni direk Maryo J.: "Orlando is both outstanding as a singer and as an actor. I won't gamble for him kung hindi ko nakita ang potensyal at mga kakayahan niya."

Keep it up, Orlando. Matatapos din ang pagluluksa nating lahat para kay tito Jake Tordesillas (R.I.P.). He is now in a better and safer place in heaven.


(sinulat ni robert silverio)



ORLANDO SOL: MINSAN SA ISANG PANAGINIP



Minsan sa isang panaginip, may nakita ka.

Isang larawan. PASSPORT I.D. size.

Medyo nagpe-fade na, dala marahil ng walang katapusang pagbaha sa loob ng iyong silid.

Ang larawan na iyon ay ibinigay sa iyo mula sa PUSO.

Ng isang teenager na lalaking nangangarap pa lamang noon na mag-artista...

Napangiti ka. Naalala mo siya.

Inosenteng-inosente pa siya noon. Walang malay.

At pinahalagahan mo ng husto ang larawang iyon. Dahil mula iyon sa walang malay na nilalang. At taos sa pusong ibinigay sa 'yo.

Dahil naawa siya sa 'yo.

Sabi mo kasi, gusto mo siyang isulat sa diyaryo. Pero, wala siyang larawan.

Hindi pa siya nuon kasi napi-piktoryal ng kanyang manager na si direk Maryo J. delos Reyes.

Nadama niya, gusto mo talaga.

At, ang nag-iisa niyang I.D. picture na pang-passport ang size sa loob ng kanyang wallet-

Oo, ibinigay niya 'yun... sa iyo.


FAST-FORWARD;


Lumipas ang mga taon.

Hayun na siya sa loob ng ELJ Tower ng channel 2, umaawit.

Iniikutan ng media at press people.

At sobrang galing kumanta.


SIYA SI ORLANDO SOL.

MAY BAGONG CD ALBUM NA ANG PAMAGAT AY: "EMOSYON"

Mula noon, hanggang ngayon.


Minsan sa isang panaginip....

May isa pa ring-


ORLANDO SOL.



(sinulat ni robert manuguid silverio)





ABANGAN ANG PART 2 NG VIDEOSERYE NG "KAILAN DARATING ANG AYOKO NA" SA BIYERNES NA, MAY 5, SA STAR MUSIC YOUTUBE CHANNEL! 6PM!!!



ABANGAN ANG PART 2 NG VIDEOSERYE NG "KAILAN DARATING ANG AYOKO NA"
SA BIYERNES NA, MAY 5, SA STAR MUSIC YOUTUBE CHANNEL! 6PM!!!




THE POSTER OF THE VIDEOSERYE


ORLANDO: THE NEXT BIG THING TO WATCH

"CLING ON YOU HIGHER, ORLANDO!!!!!"

orlando sol debuts solo album


IRRESISTIBLE ORLANDO






Actor, model and singer Orlando Sol, a member of the Masculados group, is now embarking on a solo career as an artist as he launches his first-ever album and takes the lead in an online romantic-drama series.

His album entitled "Emosyon" features five original HUGOT love songs, composed by Jerwin Nicomedez. This will be distributed under Star Music.

Asiode from this, Orlando leads in Star Music's first online drama series called KAILAN DARATING ANG AYOKO NA?, which is also the titkle of the album's carrier single. The online drama seies started two weeks (two fridays back) and will be continuing onwards for two more weeks. 

Catherine Rem, Ruvy Cayetano and Blumark Roces join him in this highly anticipated, unconventional love triangle which is sure to go viral in the coming days. The five-part series is produced by Production 56 and is directed by Maryo J. delos reyes, the blockbuster director known for many hit films such as "The Unmarried Wife", "magnifico" and "A Love Story".

Star Music released the official music video of the HUGOT single "Kailan Darating Ang Ayoko Na" on YouTube.Com and on music channel MYX last week, serving as preview of the upcoming series and a teaser of the singer's ballad album,.

The actor-singer is excited for his lone venture in the music scene, rferring to this opportunity as an "accident". He was first introduced as a Masculados member eight years ago.

RUDY JACKSON, MASKI NASA AMERIKA AY NAKAKATANGGAP PA RIN NG MGA BIYAYA NA IBINIBIGAY DIN NAMAN NIYA SA MGA KAIBIGAN NIYA SA PILIPINAS!

SIR RUDY (IN DRAG) WITH A FRIEND NAMED MANNY SIR RUDY WITH HIS MOST INTIMATE FRIENDS SIR RUDY IN HIS NEPHEW'S HOUSE IN THE U.S. EARLY CH...