Minsan sa isang panaginip, may nakita ka.
Isang larawan. PASSPORT I.D. size.
Medyo nagpe-fade na, dala marahil ng walang katapusang pagbaha sa loob ng iyong silid.
Ang larawan na iyon ay ibinigay sa iyo mula sa PUSO.
Ng isang teenager na lalaking nangangarap pa lamang noon na mag-artista...
Napangiti ka. Naalala mo siya.
Inosenteng-inosente pa siya noon. Walang malay.
At pinahalagahan mo ng husto ang larawang iyon. Dahil mula iyon sa walang malay na nilalang. At taos sa pusong ibinigay sa 'yo.
Dahil naawa siya sa 'yo.
Sabi mo kasi, gusto mo siyang isulat sa diyaryo. Pero, wala siyang larawan.
Hindi pa siya nuon kasi napi-piktoryal ng kanyang manager na si direk Maryo J. delos Reyes.
Nadama niya, gusto mo talaga.
At, ang nag-iisa niyang I.D. picture na pang-passport ang size sa loob ng kanyang wallet-
Oo, ibinigay niya 'yun... sa iyo.
FAST-FORWARD;
Lumipas ang mga taon.
Hayun na siya sa loob ng ELJ Tower ng channel 2, umaawit.
Iniikutan ng media at press people.
At sobrang galing kumanta.
SIYA SI ORLANDO SOL.
MAY BAGONG CD ALBUM NA ANG PAMAGAT AY: "EMOSYON"
Mula noon, hanggang ngayon.
Minsan sa isang panaginip....
May isa pa ring-
ORLANDO SOL.
(sinulat ni robert manuguid silverio)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento