"SA INIT NG NAGBABADYANG PAGSIKLAB NG APOY, ANG GAMU-GAMO'Y LILIPAD PA RIN" (ISANG TAGALOG NA REBYU PARA SA DULANG "EL FILIBUSTERISMO")...




Isa sa pinaka-memorableng kuwento ng ating Pambansang Bayani na si Dr. Jose P. Rizal ay ang kuwento niya ukol sa isang maliit na gamu-gamong nagnasang makamtan ang liwanag ng isang lampara, pero ang gamu-gamo na iyon ay namatay at nasunog sa sobrang liwanag. Ang kuwento na iyon ay kuwento rin ng ina ni Jose Rizal na ipinasa lamang sa kanya. At sa paglipas ng maraming taon, ang maliit na kuwento na iyon ay nanatili sa ala-ala ng bawat BATANG PILIPINO. Dahil napakalawak ng mensahe ng kuwento na iyon at bagay na bagay sa isip at diwa ng bawat estudyanteng Pilipino rin.

Sa dulang EL FILIBUSTERISMO (na hango mula sa huling nobelang sinulat ni Dr. Jose Rizal na may kaparehong titulo, na handog ng Gantimpala Theater Foundation at mula sa direksyon ni Jose Jeffrey Camanag), makikita sa mga huling eksena ang buod ng kaganapan sa munting gamu-gamo na iyon at sa magandang lampara. Dahil ang lampara pala na iyon ay sisiklab ng buong lakas, magliliwanag sa buong sambayanan pero magdudulot ng ibayong kapahamakan. Na kagagawan mismo ng isang maliit na gamu-gamo (na simbolo ng katauhan ni Simoun, na ang tunay na katauhan ay si Don Crisostomo Ibarra). Ito ang masasabing pinaka-"highlight" ng dulang EL FILIBUSTERISMO.

Salamat sa katauhan ng isang kabataan na nagmahal sa isang modernang babae at may malasakit sa Inang Bayan- walang iba kundi si Isagani. Siya ang naglayo sa lamparang iyon na sisiklab na parang bomba at ikamamatay ng lahat. Inilayo niya ang lampara sa mga pulburang nakapaligid sa buong tahanan ng mga ikasasal upang hindi maganap ang malakas na hudyat ng INIT NG NAGBABADYANG PAGSIKLAB NG APOY.

PERO ANG GAMU-GAMO'Y LLIPAD PA RIN, kung saan man ito nagtungo, sabihin na nating sa kabilang-buhay man, tanging ang Diyos na lamang ang nakakaalam.


****  **** **** ****

Ang dulang EL FILIBUSTERISMO ay napakaganda, nakapagtataka lamang na napaka-"low key" nito sa lahat ng 4-Classic plays ng Gantimpala Theater Foundation. Hindi ito masyadong maingay, hindi rin napapansin ng mga award-giving bodies, at lalong hindi masyadong naisusulat at napupuri.

Pero sa lahat halos ng dulang napanood namin, dito kami halos din hindi na makahinga sa lalim ng mga mensahe, sa kagandahan ng tekstura at sa napakaayos na direksyon. Ang dulang ito ang tunay na "Wake-Up Call" sa bawat Pilipino. Dahil naririto sa dulang ito na hinango sa nobela ang tunay na kahulugan ng pagiging isang tunay na Pilipino.

Higit sa lahat, ngayon lang din kami nakasaksi at nakapanood ng isang aktor na isinakaluluwa ng buong lalim ang katauhan ng isang "Simoun". Napakagaling niya. Sa bawat kilos niya't galaw, sa bawat pananalita, at sa lahat ng mga munting pahiwatig ng kanyang mga kamay at paa- mapapahanga kang talaga. Siya'y walang iba kundi ang aktor na si ROEDER CAMANAG.
roeder

Tunay kaming magwawala at magsasalita na kapag hindi pa rin na-nominado sa isang taon ang dulang EL FILIBUSTERISMO. Hinihingi namin ang atensyon ng pang-kasalukuyang mg tao sa loob ng ALIW AWARDS, lalo na kay Ginoong Nelson Mendoza na mapansin at bigyan ng nararapat na tingin ang kahusayan nina Roeder Camanag at Jose Jeffrey Camanag bilang aktor at direktor ng dulang ito! Kung hindi ay magwawala kami!!! Hahahaha.
jeffrey

Aabangan namin iyan sa susunod na taon.


*****  **** **** *****


Samantala, nais naming isa-isahin ang estilo ng pagganap ng mga sumuportang mga artista kina Roeder at direk Jeffrey sa dulang EL FILIBUSTERISMO:


paul jake

Unahin natin si Paul Jake Paule. Grabe. Sobrang umiigting ang pagganap ni PJ sa papel na Kabesang Tales sa dula. Magigising ka sa pasumandaling pagkawala ng iyong mga diwa at mga gunita sa tuwing papasok na sa entablado si PJ. Buong-buo ang loob, matatag at matikas. Bukod sa napaka-guwapo pa!
morris

Si Morris Sevilla naman bilang si Basilio ay hindi nagpalamon ng buong-buo sa kahusayan ni Roeder Camanag bilang si Simoun. Sa isang delikado at napaka-"powerful" na eksena ng dula na kung saan ay na-reveal ni Simoun kay Basilio ang tunay na pagkatao niya, grabe talaga at wow! Napakahusay nilang dalawa sa eksena na iyon. Kung ibang aktor siguro ang kaeksena ni Roeder doon, malalamon niya ng husto. Pero si Morris, may sariling banat at mapagkumbabang atake, at nakahirit siya sa madramang eksena na iyon kay Roeder.
joe

Si Joe Gruta, ang beteranong aktor sa Teatro, pelikula at telebisyon, makikita mo sa kanya ang kabuuan ng isang matamis na alak ( o red wine) na habang naikukubli ng matagal sa loob ng isang wine cellar ay lalo pa ring sunasarap. Ganyan ang mga aktor na ekspiryensyado na, kakaiba talaga. Ang mga eksena ni Joe Gruta bilang si Padre Florentino (at lagi niyang kasama sa mga eksenang iyon si Roeder Camanag bilang si Simoun) ay sadyang kapa-kapanood!
jovito

Ang baguhang aktor na si Jovito Bonita bilang isa sa mga Kastilang Pari ay kapuri-puri. Siya ang nagbigkas ng katagang "El Filibusterismo!" sa katauhan ni Simoun. Dahil sa simpleng pananalita na iyon, naka-agaw ng malaking eksena si Jovito sa dula.
marian

Si Marian Moreno naman bilang si Donya Victorina ay nakatutuwang pagmasdan kapag nag-"karakter" na siya sa mga magagaslaw at mayayabang na galaw ng Donya. Hindi siya nang-aagaw ng eksena dahil kapag ginawa niya iyon ay masasapawan niya ang lahat ng mga sumusuportang artista sa karakter ni Roeder (bilang Simoun). Kailangang mag-"give-in" ng karakter na Donya Victorina sa tuwing papasok na sa eksena si Simoun. Perfect!
randy

Si Randy Rey naman na isa rin sa mga Paring Kastila sa dula, ay tunay na "very pleasant and jolly" ang pagganap. Hindi masyadong ma-drama ang eksekusyon niya sa kanyang karakter. Magaan lang at masaya ang dating. Kaya nakapagdulot siya ng kalmadong pakiramdam sa kabuuan ng dula.
aaron

Si Aaaron Dioquino bilang si Isagani ay napaka-SARIWA kung iyong pagmamasdan ng matagal sa harap ng entablado. Tila bagang kung ikukumpara mo siya sa isang isda, hindi pa siya nalalamutak ng husto, kaya kay sarap niyang iluto at kainin. Ganyan namin maihahambing ang pagganap niya bilang si isagani sa dulang El Filibusterismo.
thomarkin

Si Thomarkin Raymund da Silva naman, nagustuhan namin ang napaka-simple niyang pagganap sa eksenang mamatay na siya bilang si Kapitan Tiyago. Damang-dama mo ang pagka-Ama niya kina Basilio na inampon niya at kay Maria Clarang wala man sa piling niya ay naalala pa rin niya bago siya namatay. Kuha-kuha ni Thomarkin ang tamang timpla sa kanyang pagganap.
jernice

Si Jernice Matunan bilang si Huli, ang nagpakamatay na kasintahan ni Basilio, ay kakaawaan mo ng husto sa kabuuan ng dula. Nakuha niya ang mga tamang emosyon sa eksenang magpapakamatay na siya, na kabilang sa mga tinawag ni direk Jeffrey na mga "Quartet Scenes" sa dula. Maski sabay-sabay ang mga nakikita mong eksena, umapaw pa rin ang kagandahan ng mukha ng aktres na ito sa bawat eksena niya. Pero teka, sino ba 'yung misteryosong lalaki na nanonood sa kanya sa TDR ng dula? Our lips are SEALED.
masanori

Si Manasori Mentuda, ibang klase talaga! Nag-iisa lang ang eksena niya sa dula (pero may eksena siyang nakahubad pang-itaas bilang isa sa mga taga-sagwan ng bapor, kaya lang, parang "props" lang siya duon) at iyon ay ang pag-arte ng ulo sa ibabaw ng isang mesa. Iisipin mo mang nakakatawa ang eksenang iyon sa loob ng isang karnabal, pero iyon ang pinaka-importanteng eksena sa dula. Kailangang magaling talaga ang aktor na gaganap sa ULO na iyon, at nagampanan iyon ni Masanori ng perpekto at kamangha-mangha!
beaulah

Si Beaulah Mae Saycon bilang si Hermana Mayora sa dula ay napaka-demonya ng dating sa kanyang pagganap. Na siyang nararapat lamang dahil ganu'n ang hinihingi ng kanyang karakter. Nagpakamatay si Huli dahil sa kagagawan ng demonyang si Hermana.
christian

Si Christian Silang bilang si Placido Penitente  ay may sariling highlight sa kalagitnaan ng dula. May sarili din siyang monologue. At napabilib din niya kami sa kanyang kahusayan. Napaiyak niya kami sa kanyang mga eksena na kung saan ay binu-bully siya ng kapwa niya mga estudyante sa Ateneo, dahil nakakaawa talaga ang atake ni Christian sa kanyang karakter. Korek.
daffodil

Si Daffodil Abear naman bilang si Paulita Gomez ay maayos, malinaw at buong-buo ang pagganap. Hindi man madadrama ang mga eksena niya, sa mga simpleng reaksyon niya sa mukha ay mapapatingin ka rin sa kanya.
miguell arnaldo

Sina Vangie Inocencio, Mondrian Sampang, Miguell Arnaldo at Carlo Gianan naman, tunay ding nang-agaw-pansin sa mga eksena nila. Lahat ay mahuhusay at kuminang talaga ang pagka-bituin nila sa harap ng entablado.


*******   *******   ******   *******


Sa dinami-dami ng mga gamu-gamo sa isang madilim at maalinsangan na gabi, may isang maliit na gmu-gamong natatangi.

Dahil sa pagnanasang makamtan ang liwanag, siya'y namatay at ang ala-ala niya'y mabubuhay ng habambuhay,


walang katapusan


walang hangganan.


Habang patuloy ang pag-usbong ng bawat gamu-gamong lalaban para sa LIWANAG-


ang kaluluwa ng isang bayaning nagngangalang JOSE P. RIZAL,


ay mananatiling aakap


sa bawat PILIPINO-





Magpakailanman.





(SINULAT NI ROBERT MANUGUID SILVERIO)








Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

RUDY JACKSON, MASKI NASA AMERIKA AY NAKAKATANGGAP PA RIN NG MGA BIYAYA NA IBINIBIGAY DIN NAMAN NIYA SA MGA KAIBIGAN NIYA SA PILIPINAS!

SIR RUDY (IN DRAG) WITH A FRIEND NAMED MANNY SIR RUDY WITH HIS MOST INTIMATE FRIENDS SIR RUDY IN HIS NEPHEW'S HOUSE IN THE U.S. EARLY CH...