Ipinapakita ang mga post na may etiketa na CHRISTIAN TY. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na CHRISTIAN TY. Ipakita ang lahat ng mga post

Q & A WITH HANDSOME CHRISTIAN TY!

christian: better choices
christian: keeping safe


ROBERT: KUMUSTA NA, CHRISTIAN?  WHAT KEEPS YOU BUSY SA PANAHON NG PANDEMYA AT MECQ?

CHRISTIAN: Thankfully, I am okay and my family. What keeps me busy is my daily routines. Workouts, film study, house chores, health food choices, and been trying to enroll in some online classes.


ROBERT: ANO ANG MESSAGE MO SA MGA TAO PARA MAKAIWAS SA SAKIT NA COVID-19 NA ISANG WORLWIDE PANDEMIC DIN?

CHRISTIAN: As basic as wash your hands, put your face masks on while outside your house, and keep your immune system strong. Hindi po ako eksperto pero ang alam ko po, lahat tayo ay may maiiaambag na tulong para sa mga Front Liners in any little way we can. At 'yung iba, kailangan talaga nilang magtrabaho para mabuhay at hindi natin sila masisisi. Kaya gawin natin ang lahat ng ating makakaya para lumakas ang ating resistensya at pangangatawan.


ROBERT: CHRISTIAN, ANO ANG MASASABI MO SA PAGSASARADO NG ABS-CBN CHANNEL 2?

CHRISTIAN: Ang aking pag-aalala po ay naroon sa mga maliliit na tao na naapektuhan ng pagsasara ng Channel 2. Ang mga crew, mga production people, ang mga taong nasa likod ng kamera. Sila po ang sobrang apektado and my heart melts for them. Lalo pa ngayong may kinakaharap tayong Pandemya, napakahirap maghanap ng trabaho!


ROBERT: Ano ang challenge sa iyo ngayon para mas higit pang maging passionate sa Sports at Entertainment scene?

CHRISTIAN: Siguro para sa akin ay mas ibayong outlet at pagpa-praktis sa craft o bagay na gusto mo talaga. Kaya ginagawa ko po ang lahat ng aking makakaya para patuloy na mag-aral, mag-character analysis, mag-film study at manood pa ng mas maraming mga pelikula para kapag dumating ang panahon at mabigyan pa rin ako ng mas maraming mga pagkakataon, ako po ay magiging handa.


ROBERT: Kung sakaling sa buwan pa ng Disyembre matapos ang Pandemyang ito, ano ang mga immediate plans mo para hindi ka ma-bored?

CHRISTIAN: Pinaghahandaan na po namin ang lahat. Mataas po ang pananalig ng pamilya ko sa Diyos. And I do hope, things will soon turn-out okay. Kailangan lang po talaga nating maging maingat. Being bored is better than fighting for our lives and make the Frontliners have lesser problems. 


ROBERT: CHRISTIAN, READY KA NA RIN BA NGAYON NA LUMABAS SA MGA MOVIES AND TV SHOWS OUTSIDE CHANNEL 2?

CHRISTIAN: Kung papalarin po, siyempre'y ako ay magiging thankful.... I remember, nuong ako ay mina-manage pa ng late film director na si maryo J. delos Reyes, sa GMA-7 niya ako unang sinabak. Iyon ay sa teleseryeng Gumapang Ka Sa Lusak. It's one of the best moments in my career as an actor. Sa ngayon po, wala naman akong karapatan para mamili as an actor. I will be grateful and ready to work hard as always bilang isang actor. Saan man ako ilagay- mapa-channel 7, indie, digital o saan man. Ang importante ay makapagbigay ako ng serbisyo sa mga tao sa panahong ito at makatulong sa pamilya ko.


ROBERT;  Sa palagay mo ba, Christian,para sa isang tulad mo na actor-dancer-gymnast-host, magbabalik pa rin sa dating Normal ang buhay nating lahat sa showbiz?

CHRISTIAN: I do believe that all thiongs must pass. That, this too, shall pass. That's why we all need to survive this Pandemic para when we able to get back on stage na or at the platforms, we have plenty of fire to burn. basta kailangang mabuhay para ituloy ang laban para sa mga pangarap. We won't be back to the old Normal man, I do believe, we will be back as better people and better individuals. Plus of course, with better choices.

ROBERT: Last question, Christian, in the end, ano naman ang masasabi mong naging magandang epekto ng Covid-19 sa buhay mo? mas naging close ka ba sa pamilya mo ngayon?

CHRISTIAN: Mas nakilala na po natin ang mga sarili natin at ang mga kasama sa bahay. Bilang isang anak, ako ay nagpapasalamat sa aking nanay dahil mag-isa na lang po kasi siyang kasama namin ngayon. I mean, nandito pa po ako for her. Matagal na kasing wala si Papa, pero patuloy pa rin ang aking ina na lumalaban at humaharap sa buhay. Mas na-appreciate ko ngayon ang akin ina na walang katapusang nagmamahal sa akin at sa kapatid ko.


ROBERT: Napakaganda ng mga sagot mo, Christian. Maraming salamat.

CHRISTIAN: Maraming salamat din, Sir Robert.




------ end of interview-----

christian: multi-talented

christian: sexy

christian (middle) with mom normita (left) and sister geneveve

YUL SERVO, DSWD WORKERS, JOEY SARMIENTO, NONIE NICASIO, TULFO BROTHERS, NORMITA & CHRISTIAN TY, AT GAWAD AMERIKA: MGA ANGHEL NA NAGTAWID SA AMIN SA COVID-19 PANDEMIC....


CONG. YUL

CHRISTIAN TY & MOM NORMITA

ERWIN & RAFFY TULFO


JOEY SARMIENTO AND GAWAD AMERIKA

MR. NONIE NICASIO and his 3 lovely angels

PRESIDENT RODRIGO DUTERTE


Congressman Yul Servo Nieto, the DSWD workers and volunteers, two angel-volunteers of a Senator, Joey Sarmiento, Nonie Nicasio and TEAM, the Tulfo brothers, Normita Ty and son Christian Ty and Gawad Amerika group of people....

Sila po ang mga buhay na ANGHEL na tumulong sa blogger na ito (AKO) para makatawid kami ng mahinahon at malumanay sa mga delikadong panahon na ito ng Covid-19 Pandemic and health crisis, na hindi lang naman sa Pilipinas nagaganap sa mga panahon na ito kundi maging sa buong mundo.

We all need one another, we must all protect each other, we must always be there for one another.

Pero kapag ang kapatid mo o kasamahan ay walang magawa at apektado talaga ng sitwasyon, hindi talaga ito makakakilos. Kailangan niya ng PANTAWID.

At sa muli, napatunayan namin na totoo nga ang kasabihang "No Man Is An Island". Na hindi ka mabubuhay sa mundong ito ng nag-iisa. Kakailanganin mo't kakailanganin talaga ang tulong at pagmamalasakit ng kapwa tao mo.

Hindi naman siguro ito panahon para mag-INARTE ka pa, o magpa-IMPORTANTE. Hindi darating ang tulong sa iyo kung hindi ka sisigaw, magpapa-alala o aabot-kamay sa iba. Huwag nang pairalin ang PRIDE o anumang CORPORATE NA KAEK-EKAN para sa mga tulad kong hindi naman 'Elitista' o mayaman. Kabilang ako sa MASA, sa mga ordinaryong Pilipino na kumakayod lamang sa pang-araw-araw.

Sina Joey Sarmiento at Nonie Nicasio, dalawa lamang sila sa mga kasamahan ko sa hanapbuhay na sobrang nag-coordinate at nakipag-kontakan sa isang Senador, at, kay Congressman Yul, sa DSWD at iba pa, para maipamahagi sa mga kapwa manunulat din nila ang mga 'package goods' at Ayuda.

Sa dalawang volunteer staff ng isang Senador na personal na nagpunta sa aming tahanan upang ibigay ang sampung kilong bigas at dalawang supot ng mga canned goods at noodles.

Kina Ma'm Janneth Lamera at Rommel Lachica na mga government workers/volunteers ng DSWD na personal ding nagtungo sa aming tahanan upang ibigay ang aming AYUDA.

Kay Congressman Yul Servo Nieto na isang Pm/text lang namin (dahil pinsan po namin si Cong. Yul), ay agad namang sumagot at hindi nagmaramot ng maitutulong niya sa amin.

Sa Tulfo brothers na sina Raffy Tulfo at Erwin Tulfo sa mga supot ng bigas.

Sa mag-inang sina Normita Sy at Christian Ty sa kaunting financial help na taos-puso nilang ipinarating.

At sa Gawad America group of people sa kanilang food package.

Pero higit sa lahat, kay PRESIDENTE RODRIGO 'DIGONG' DUTERTE dahil sa kanyang inisasyon at pagi-implemento sa Gobyerno ng pagbibigay Ayuda o tulong sa mga taong mas higit na naapektuhan ng Covid-19 Pandemic. Salamat po, DIGONG!

Sa muli't muli, SALAMAT PO.

Sa panahon ng krisis, naririyan pa rin ang mga BUHAY NA ANGHEL-, maglilingkod, mag-aagapay.

Mas gagaan ang buhay at mga pasanin nating lahat kapag naririyan sila.


Kaya mula sa kaibuturan ng aming puso, SALUDO KAMI SA INYO, PILIPINO!





(sinulat ni Robert Manuguid Silverio)


A TYPICAL "BAYANIHAN" SPIRIT/IMAGE




CHRISTIAN TY: THE GYMNAST, THE DANCER, THE HOST AND THE ACTOR...

christian ty: multi-talented

christian ty with blogger robert
the many looks of christian ty

xtian in a FILA modelling shoot

xtian (far right) with sister genevieve and mom normita

congressman yul servo, blogger robert and christian ty in younger days





Nang mapanood namin sa Youtube.Com kamakailan lang ang isang eksena sa dating teleseryeng natapos na- ang Kadenang Ginto-, na kung saan ay kusap ni Daniella Mondragon ang boss niyang si Chritian Ty, napa-WOW kami.

Sa eksenang iyon, hindi nagpalamon si Christian Ty sa magaling na aktres na si Dimples Romana (gumanap bilang si Daniela Mondragon) maski ba sobrang taray ng acting ni Dimples at sobrang mahirap yung eksena- ibinigay pa rin ni Chritian ang nararapat and he delivered perfectly in showing his acting skills side by side with Dimples.

Isa lamang 'yan sa magagandang pangyayari sa karera ni Christian sa taong ito, na maski may Community Quarantine sa Pilipinas, we feel rest assured na once na matapos na ang Covid 19 health crisis o Pandemic na ito, magpapatuloy muli ang lahat. At sa kaso ni Christian, we feel na mas mapapansin na siya ngayon bilang isang aktor and not just a dancer-host-gymnast.

Yes po, isang young gymnast dati si Christian hanggang sa naging dancer siya. Now, nagho-host na rin siya sa mga events here and there.

Recently lang, nag-graduate si Christian sa Star Magic workshop ng channel 2 at hinangaan ang kanyang Acting Piece sa ginanap na Recitals nila. At ang Youtube video na eksena naman ni Christian kay Daniela Mondragon ay almost a milion views na sa Youtube.Com. Heto ang link ng eksenang 'yun: https://www.youtube.com/watch?v=IB3CsxkrWLE&list=PLC1lhREc9miNVu8D7pl7X3i-jULVJMr2u&index=2&t=0s

Last movie naman ni Christian ang indie film na "Double Twisting, Double Back" na kung saan ay gumanap siya roon bilang isang real-life gymnast at siya rin ang naging Associate Producer ng nasabing pelikula.

In case you don't know yet, ang yumaong veteran Film Master na si direk Maryo J. delos Reyes (R.I.P.) ang siyang discoverer ni Christian. Fourteen years old pa lang noon si Christian nu'ng una namin siyang makilala.

Kaya naman, alam namin, malayo at malawak ang lugar na tatahakin ni Christian at malayo rin ang kanyang mararating.

More power, mabait na Christian Ty.



(sinulat ni robert manuguid silverio)

christian with co-actors in channel 2

christian (far right) with joshua garcia (center) and other actors in "the killer bride"

CHRISTIAN TY DANCES TONIGHT AT COVE MANILA, CATCH HIM!!!



christian: totally handsome


One night only! And Christian Ty can't believe this is happening! He would like to thank all the entities that made this possible and gave him this opportunity to be a part of the line up. He is truly humbled..
Catch Christian Ty, your #dancingmc and the rest of No Ego Ph artist give one crazy night!

November 30 mark the date! Coz UK’s best BadKlaat is giving you one hell of an experience at Cove Manila.💯💯💯

Regular rates at P1200 WITH A FREE DRINK STUB is still available in SM Tickets. DON'T WAIT TIL YOU RUN OUT. Get yours now, and we’ll see you in this new world called Parallax.

Buy the tickets here:

https://smtickets.com/events/view/8320

For table reservations ‭+63 917 846 0154‬



christian: great dancer

christian with a sellow female dancer/artist in a previous concert

CHRISTIAN: CATCH HIM TONIGHT!



a younger vhristian ty (being embraced by the late film director maryo j. delos reyes) with fellow artists and friends in an old photograph

BELOW IS A SEPARATE EMOTIONAL POST FROM CHRISTIAN TY HIMSELF, AS HE REVEALED ON HIS FACEBOOK ACCOUNT HIS GREAT GRATITUDE TO THE LATE FILM DIRECTOR MARYO J. DELOS REYES:


"I came across an old photo and couldn't help but tear up.😢

Remembering one of the most important people in my showbiz career who believed that I can be more than I think I was.. Truly grateful that once I was managed by the late great Maryo J. Delos Reyes.
Kala ko hanggang sayaw sayaw at Tumbling tumbling lng ako. Maraming salamat tatay maryo. You have thought me so much. I just wished I could've given back all the blessings you have given to me. You have mentored me and treated me with class, love, sophistication and respect. Not knowing what lies ahead in this dream of mine. But you made me believe to be strong and be fearless on fighting for my dreams. I miss you po. And I hope you and my late father are slowly getting prouder and prouder while you witness me striving and never giving up on myself. You are truly missed DIREK MARYO J DELOS Reyes."----(WORDS BY CHRISTIAN TY).*

RUDY JACKSON, MASKI NASA AMERIKA AY NAKAKATANGGAP PA RIN NG MGA BIYAYA NA IBINIBIGAY DIN NAMAN NIYA SA MGA KAIBIGAN NIYA SA PILIPINAS!

SIR RUDY (IN DRAG) WITH A FRIEND NAMED MANNY SIR RUDY WITH HIS MOST INTIMATE FRIENDS SIR RUDY IN HIS NEPHEW'S HOUSE IN THE U.S. EARLY CH...