DEAN WITH HIS YOUNGER BRO AND ACTOR PATRICK ADRIAN LIBAO |
DEAN AT ADAMSON UNIVERSITY WITH THE STAFF OF "OBRA NI JUAN" |
Maaga kaming dumating sa Adamson University para mapanood ang dulang OBRA NI JUAN ng Philippine Stagers Foundation. At habang naghihintay sa loob ng malamig na auditorium ng nasabing paaralan, isang cute na batang lalaki ang takbo ng takbo sa harap ng stage na natatakpan pa ng malaking kurtina dahil break pa at that time. Hala, takbo dito, takbo doon. Panay pa ang lakad sa stage habang kumakain ng chocolates.
Kinawayan namin yung bata dahil wala din kaming magawa habang naghihintay. Kumaway naman din pabalik yung bata. At sinigawan ko ng ganito: "Bata, halika nga dito!"
Medyo ayaw lumapit nung bata. Nagtaka kung bakit. Tapos, sabi ko ule: "Halika dito, cute boy. Iinterbyuhin kita at isusulat kita sa blog site ko!"
Doon lang napangiti ang bata at lumapit na. Simula na ng panayam.
"Ako po ang anak ni Juan Luna sa play na Obra Ni Juan", panimulang sabi nung bata. "Ang papel ko po doon ay si Andres Luling Luna. Maganda po ang role ko sa play".
Tinanong namin ang pangalan ng bata. Siya pala si DEAN BENEDICT RAFOLS. Nine years old at nag-aaral sa Victory Elijah home school. Guwapo, mestisuhin na bata at charming.
"Idol ko po kasi si direk Vince Tanada", dugtong na sabi ni Dean. "Kaya nung nag-chat po sya sa akin na ako ang kukunin niyang anak ni Juan Luna sa play niya, nag-oo agad ang mommy ko at ako rin. Tuwang-tuwa po kami."
Dagdag pa ni Dean, isa siya sa maraming mga bata na nag-audition dun sa role. Pero siya pa rin ang nakuha sa bandang huli.
Madrama ang papel ni Dean sa dula, kaya naman kada papasok na siya sa stage, papalakpak na ang mga tao dahil sa lakas ng dating ng karakter niya bilang anak ni Juan Luna sa dulang OBRA NI JUAN. Idagdag pang napakalakas ng dating ni Dean Benedict sa stage. Lalo na doon sa eksenang nakita niyang pinatay na ng tatay niyang si Juan Luna ang mommy at lola niya.
"Yun po ang pinakamadrama kong eksena sa play at talaga pong iiyak ako doon, tapos po, kakanta pa ako pagkatapos", sabi ni Dean Benedict. "Nakita ko pong pinatay niya ang mommy at lola ko. Doon ko nalaman na dalawa pala ang pagkatao ng daddy kong si Juan Luna."
Magaling daw magturo ng acting si direk Vince Tanada kaya hindi nahirapan si Dean sa mga eksena niya. Isa pa, nakalabas na rin siya sa TV series na AMO sa channel 5, bilang anak ni Derek Ramsey at ang direktor naman niya dito ay si direk Brillante Mendoza. Tapos, may isang indie film din siyang ginawa- 'yung Sagimsim. Anak siya ni Jay Manalo sa pelikulang yun.
Malayo ang mararating ng batang ito. At ang pagkasali niya sa dulang OBRA NI JUAN ng Philippine Stagers Foundation ang siyang higit pang magbubukas ng pintuan para sa kanyang kasikatan.
More power, Dean Benedict.
(sinulat ni robert silverio)
PHOTOS BY MR. VINO ORIARTE BELOW DURING DEAN BENEDICT'S PERFORMANCE IN "OBRA NI JUAN":
DEAN BENEDICT RAFOLS as ANDRES "LULING" LUNA in the PSF play "OBRA NI JUAN" |
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento