ALDRIN ANGELES: GUWAPONG PADRE SALVI


Aldrin as Padre Salvi

aldrin: from your own deepest imaginings


aldrin: cool

Isa si Aldrin Angeles sa mga tinilian ng husto ng mga estudyante nu'ng mga nagdaang performances na ng KANSER 2017: THE NOVEL. Hindi lang basta tili, na-mob pa sya minsan ng mga estudyanteng babaeng nanood nu'ng makipag-selfie siya sa mga ito. One proof na may dating talaga si Aldrin at may "X-FACTOR".

And to add, bagay na bagay kay Aldrin 'yung role. Si Padre Salvi ay isang kabataang friar priest sa nobelang Noli me Tangere kung saan doon adapted ang play na Kanser. At yung mestizo looks ni Aldrin, mukha talaga siyang Padre Salvi.

"This is my very first theater role to date and my biggest break so far", sabi ni Aldrin sa isang panayam. "Medyo nahirapan ako dahil very complex yung character ni Padre Salvi. Sana, nabigyan ko siya ng enough justice. I did my best talaga."

Napasok si Aldrin sa dulang KANSER 2017: THE NOVEL through her mentor in acting workshop na si Dea "Maria Clara" Formacil.

"Naging workshop facilitator ko po kasi si Dea sa isang special acting workshop na sinalihan ko two years ago", kuwento ni Aldrin. "And I learned a lot from her. Nawala yung shyness ko at nag-open-up ang personality ko. Tapos, ngayon, nakasama ko pa siya dito sa Kanser 2017: The Novel."

Nag-audition muna si Aldrin dun sa role na Padre Salvi at sinamahan siya ni Dea. Nakapasa naman siya sa mapanuring panlasa ni direk Frannie Zamora and the rest is history. Pero huwag nating kalimutan na si Tatta Saguin, Aldrin's manager, ang siyang naging instrumental talaga para mapasama si Aldrin sa dulang KANSER2017: THE NOVEL.


ALDRIN: ALL-OUT CHARM
Aldrin is also a commercial model on the side. Model siya ng Sprite "First Kiss" TV commercial, Clover "Sari-Sari", Phoenix "CycloMax", Cream Silk shanpoo, Globe, Onesimus and a series of TV commercials and Digitals of Jollibee Jollysavers, wherein his famous lines were: "Saan tayo kakain? Sa masarap!" (Isa pala si Aldrin du'n sa tatlong cute na guys du'n!---R.S.*)

Aldrin was discovered by Tatta Saguin during a Candy Magazine special event. And Tatta also acts now as his Talent Manager. 

Last question na lang for Aldrin, ano ba ang masasabi niya sa dulang KANSER2017: THE NOVEL?

"The play is about love for your country", pagtatapos na wika ni Aldrin. "It's very encouraging po for the youths ang play na ito. Na hindi po sana mawala ang pagmamahal nila sa bayan. Dahil ipinakita sa dula ang naging mga paghihirap ng ating mga ninuno at kapwa-Pilipino na masagip tayo sa mga Kastila."

Very well said, Aldrin.



PAHABOL: Directed by Frannie Zamora, Stage Design by Matthew Manalaysay, Lights by Joseph Matheu , choreographed by Lezlie Dailizan Kanser 2017 has shows at SM Manila Cinema 9 on Sept. 8(Friday) 9am/12pm/3pm ; SM Southmall Cinema 3 on Sept 15, 2017 11am/2pm , Sept 29-30 the AFP Theater Camp Aguinaldo 9am/12pm/3pm, SM Manila Cinema 9 on October 6, 2017 (Fri) 9am/12noon and 3pm and lastly at SM Southmall Cinema 3 October 13, (Friday) 11am/2pm.



(sinulat ni robert silverio)


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

RUDY JACKSON, MASKI NASA AMERIKA AY NAKAKATANGGAP PA RIN NG MGA BIYAYA NA IBINIBIGAY DIN NAMAN NIYA SA MGA KAIBIGAN NIYA SA PILIPINAS!

SIR RUDY (IN DRAG) WITH A FRIEND NAMED MANNY SIR RUDY WITH HIS MOST INTIMATE FRIENDS SIR RUDY IN HIS NEPHEW'S HOUSE IN THE U.S. EARLY CH...