Ipinapakita ang mga post na may etiketa na "binondo: a tsinoy musical". Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na "binondo: a tsinoy musical". Ipakita ang lahat ng mga post

"GABI NA NU'NG MULING NAKITA KITA" (ANG PANGALAWANG 'RAVE REVIEW' PARA SA DULANG 'BINONDO: A TSINOY MUSICAL'...)




Gabi na nu'n, nang muling makita kita. Kasasapit lang ng dilim na sumakop sa liwanag. Pero kahit papa'no, natagpuan pa rin kita. Sa tinagal-tagal ng panahon at mahabang paglalakbay, nakarating pa rin ako. At sa muli, natagpuan pa rin kita.

Tanging ang BUWAN lamang ang nag-alalay sa akin. Tanging ang liwanag mula sa buwan na iyon ang nagpa-kalma sa akin sa gitna ng dilim ng gabing iyon...


Nguni't naging huli man ang lahat, sa muli, napatunayan nating meron pa ring FOREVER, kahit ba sa ilang sandali lang, mawawala ka na. Titigil na ang pagpintig ng iyong mga puso. At sa aking mga braso, ika'y nagkaro'n ng pang-habambuhay na pagtulog.


Gabi na nga nu'n. Pero may iniwan kang ala-ala. Ang dugong nanalaytay sa ating dalawa, umusbong ang pag-asa at pagpapatuloy ng ating pagmamahalan.


Ikaw at ako ang SINING. Ikaw at ako ang BUKAS. Ikaw at Ako- sa katauhan ng ating ANAK.


AT, SA DILIM NG GABI, TAYO'Y MAGSASAMANG MULI.



*** *** ***


Ang eksenang aming tinutukoy ay ang pinaka-highlight scene sa musikal na dulang BINONDO: A TSINOY MUSICAL. Na kung saan, muling natagpuan ng pangunahing karakter na si Ah-Tiong ang pinakamamahal niyang si Lily. Nguni't huli na ang lahat. Sa ilang sandali lamang, ito'y mamamatay na. Isang trahedya ng PAG-IBIG.

Isang napaka-delikadong eksena 'yun na nangangailangan ng perpeksyon at tamang eksekusyon. Pero nagawa pa ring maayos at malalim- naging matahimik ang kapaligiran ng entablado, nawalan ng mga mananayaw at kaartehan, naging malumanay na malumanay ang dating.

Ang tanging makikita mo, ang napakagaling na mga emosyon ng dalawang pangunahing tauhan na umaarte sa entablado. Damang-dama mo, tunay ang mga emosyong naisaad nila. At ang mga luhang pumatak, tumulo't tumagos sa kailaliman ng iyong puso.

At, oo GABI na nga nuon. Gabi na nu'ng muling makita ng isang KALULUWA ang tunay na representasyon ng Sining.


****  *** ***


shiela

carla

arman

noel

ima

jim


Para bagang isang masarap na pagkain ang nakita mo. Busog na busog ka sa bawat galaw, kilos, at mensaheng pinalabas sa DULA. Ang ilaw ay kakaiba, ang musika'y nakakamangha, at ang mga artista- kasama na ang mga biswal na representasyon- masasabi mo- lumapat ng husto sa iyong buong kaluluwa't pagkatao. Isang napakagandang naging paglalahad ng Sining at Kultura.

Unahin na natin ang mga ARTISTANG NAGSIPAG-GANAP:

Sa dalawang bersyon ng dulang BINONDO: A TSINOY MUSICAL- ang bersyon nina Shiela Valderrama-Martinez bilang Lily, at sa kabila, ang bersyon ni Carla Guevarra-Laforteza bilang Lily din- pareho nilang nagawa ng magkaiba ang pagbibigay-buhay sa karakter na Lily.

Si Shiela ay ang masikip at malalim na Lily. Ang mga kilos niya'y hindi magalaw pero nadarama mo ng husto. Mas malungkot ang pagganap na mas nakakatusok sa puso.

Si Carla naman ay mas kaswal, mas magalaw, pero mas puno ng emosyon. Siya ang Lily na mas nag-mature sa paglipas ng panahon dahil nagkaroon ng transpormasyon ang kanyang katauhan- na kitang-kita mo mula sa umpisa na bagets pa lamang si Lily, hanggang sa bandang huli na nagka-anak ito't nagpakasal sa lalaking natutunan naman niyang mahalin sa bandang huli.

Pero naging iisang LILY lang 'yung nakita namin sa bandang huli. Naghalo ang Shiela na Lily at Carla na Lily sa eksenang muli silang nagkita ni Ah-Tiong sa kama ng kanyang kamatayan. Ang Lily na inaasahan namin- tunay namang naiarte nilang pareho ng tama at napakagaling.

Sa bersyon ni Arman Ferrer bilang Ah-Tiong, akma at mahusay. Alam na alam niya ang tamang galaw at perpektong "timing" upang makakuha ng atensyon sa mga manonood. Kapang-kapa niya ang karakter na ginampanan niya.

(Ang masasabi naman namin sa bersyon ni David Ezra bilang Ah-Tiong ay nasa pagtatapos  na parte ng rebyung ito).

Kahanga-hanga rin si Noel Rayos bilang Carlos, ang rebeldeng anak at mamamayan ng Pilipinas na tinuring ang sarili niyang Pilipino maski Intsik naman talaga siya, eh. Isang tapat na mangingibig at kaibigan. Hindi iniwan si Lily hanggang sa huling sandali ng kanyang buhay.  Inako ang anak ni Ah-Tiong kay Lily maski hindi naman talaga kanya.

Napakaganda ng karakter na Carlos, kung tutuusin, at muli nga, hanga kami kay Noel Rayos dahil nabigyan niya ito ng mga tamang sangkap para mabuhay at maiarte ng kagiliw-giliw. Natawa man ang mga taong nanood dahil sa katangahan ni Carlos, at mukha talaga siyang "engot" sa mga eksenang matatamis nina Lily at Ah-Tiong na nag-aakapan sa harap niya- mapapa-wow ka naman sa perpektong pagganap ni Mr. Noel Rayos. Bow!

Isa pang agaw-eksena ay si Ms. Ima Castro bilang si Mrs. dela Rosa, ang ina ni Lily. Sabi nga nina George Vail Kabristante at Armand Reyes (mga kritiko't manunulat sa teatro at pelikula): "Iba talaga ang training at acting mga artistang lumabas na sa Ms. Saigon sa Broadway, magagaling talaga, tulad ni Ima!" Dahil maski maikli lamang at iilang eksena lamang ang naging partisipasyon ni Ms. Ima Castro sa dulang ito, tunay na nagmarka naman.

Ito namang si Mr. Jim Pebanco, maski natatakpan ng Harlequin costume at Joker na make-up ang mukha't katawan niya, lumulusot pa rin sa katauhan niya ang mga nakakatuwang pagsayaw at kalandian ng karakter na ginampanan niya bilang isa sa mga Koro- ang "Harlequin Ego Trippers" sa dulang ito.

Ang cute-cute magsayaw ni Mr. Pebanco. At kapag umaarte na siya ng bakla, tunay na nakakalugod na pagmasdan. Isa pang BOW!

Sa buong Cast Ensemble, wala kaming masabi. Lahat ay umaarte maski gaano man sila kalayo sa harap ng entablado. 


binondo: a tsinoy musical cast ensemble

roy sotero

romcel

xander

ryan

Lubos na nakapukyaw sa aming atensyon bilang kasama sa Cast Ensemble sina Roy Sotero (a.k.a. Roy Floren Iringan), Xander Pineda, Romcel Brinquis, Ryan Caraan at Daniel Cruz. Kay guguwapo nilang pagmasdan at sa mga katauhan nila, natatanaw na namin ang kinabukasan ng magagaling na aktor sa Teatro na maaaring mag-bida rin balang-araw.


*** *** ***


Gabi na nga bang talaga nu'ng muling makita kita? 

Marahil OO, marahil din, ay HINDI.


Dahil maging gabi man 'yun o maging ARAW, hindi namamatay ang Sining sa kaibuturan ng iyong Puso. 


At tulad din ng Sining, na kadalasa'y isinasantabi lang ng mga taong mas prayoridad ang mabuhay sa pang-araw-araw, ang tunay na pagkain ng bawat nilalang ay ang pagkain para sa kaluluwa.


Maging araw man ito o gabi-


madilim man o maliwanag-



ang Habambuhay



ay matatagpuan pa rin.



direk joel lamangan

douglas nierras

ricky lee

jn nombres

Dahil maski hindi man namin nagawang tumayo sa Curtain Call ng dulang BINONDO: A TSINOY MUSICAL, sapat na siguro ang rave review na ito para pasalamatan sina direk Joel Lamangan (Direktor), Rebecca Shangkuan Chuannsu (Prodyuser at may likha ng Istorya), sina Ricky Lee, Gershom Chua, at Eljay Castro Deldoc (mga manunulat ng Dula), Von de Guzman (Musikal na Direktor), Douglas Nierras (Choreographer), Otto Hernandez (Produksyon pang-Disensyo at teknikal) at si JN Nombres (Disenyo sa Ilaw), - Opo, sila ang mga artistikong tao sa dulang ito at tunay silang dapat na papurihan. 


****  **** ****


Sabi nga nila, ang isang DULA lamang ay tunay na magkakaroon ng BUHAY, KAPANGYARIHAN at KATUPARAN kapag ang isang aktor ay nag-ukol ng katapatan, katarungan at sapat na dedikasyon.

Nakita namin iyon sa katauhan ng aktor na si David Ezra, ang isa pang aktor na gumanap sa katauhan na Ah-Tiong sa dulang ito. Sa unang pagkakataon, napanood ng isang blogger si Mr. Ezra, dahil sa dinami-dami ng mga nagdaang imbitasyon sa mga dulang nilabasan na ni Mr. Ezra, ngayon lamang, sa dulang ito, siya namin napanood.

At, ang lahat ay naging SAPAT na. Dahil tunay na napakagaling ni David Ezra, ang pag-arte niya ay hindi aral, hindi rin sistematiko- dahil ang pag-arte niya ay natural, mula sa puso, at higit sa lahat, kaibig-ibig.

Alisin na natin ang eksenang naghubad siya ng pang-itaas kung saan ay naipamalas niya ang napakakinis at napaka-seksi niyang pangangatawan na medyo "chubby" ang dating- pero sa eksenang muli niyang nakita si Lily na malapit nang mamatay- ang mga luha niya ay tunay na tunay- at, umagos ng dalisay. Lalaking-lalaki pa rin ang dating niya maski umiiyak na siya. 'Yun ang Ah-Tiong na mas gusto namin, isang Ah-Tiong na lalaki pero lumalambot din kapag siya'y nasasaktan. Taong-tao. Buhay na buhay.

Oo, kapag nakakapanood ka ng mga aktor sa kaurian ni Mr. David Ezra, tunay namang nabubusog ka-

mapagmasdan mo man lang siya-

ng matagal man o maski saglit-

ang ETERNITY 

ay


makakamtan mo pa rin


sa isang sulok ng



DAIGDIG.




photo by: mr. erickson dela cruz



(sinulat ni robert manuguid silverio)


(DON'T MISS THE LAST FIVE SHOWS OF "BINONDO: A TSINOY MUSICAL":
JULY 6 (FRI) 8pm
JULY 7 (SAT) 3pm, 8pm
JULY 8 (SUN) 3pm,8pm
The Theatre at Solaire).*




CHINESE AS IT SEEMS, THE HEART STILL SEES (a rave review for the musical play "Binondo: A Tsinoy Musical")...




What happens when the heart stopped beating? Does it dry up, like a raisin the sun? Or does it succumb into the wells of nothingness- finding its way out amidst the darkness?


What happens when two souls who loved each other so deeply got separated by the vast eternity? Would they find the way back, or hold-on to the memories of an untarnished past?


What happens when the future becomes today? And as the heart spoke of love, as if nothing as it seemed, the soul would vanish and the tears went flowing.


Because,



Chinese as it seemed, the heart still saw




FOREVER.



***



In a splendid showcase of songs, dances, revealing moves and feelings- once more, the sincere hearts of Chinese people who lived and died in the very heart of a place inside the city of Manila- and that is, Binondo- were justified.


They were not strangers, by the way, because they were friends who became loyal and strong. In every ordinary pictures of so many Filipinos- they stayed and they helped. They guided and they waited. They went back and made reassurances of love and ETERNITY.


A blogger and a writer suddenly remembered, he had friends who were Chinese, too. Chinese friends who helped him along the way, and related somehow to the plot and the perfect vision of the musical play BINONDO: A TSINOY MUSICAL.


As the tears almost flowed, in many of the most provocative scenes of the musical play- you would feel a HEART stronger than the gravity of an infinite universe, more powerful than Faith and most enduring in all kinds of loves and affections.


And again, the blogger and the writer remembered his late father who passed-away. How his dad loved the song The Moon Represents My Heart, and how he felt sorry that he's gone now. Just like the moon that sometimes would hide-away amidst the compelling darkness of nervousness and fright.


In the most dramatic scene of the play- in which, the mother of the lead character named Lily died, the tears eventually flowed- and the musical play had proven its worthy cause and crusade for love.


In that very scene, the Artistry of this great musical play was fully quenched- as the Cast Ensemble danced and moved from the right side, wearing black outfits like black cats of dark superstitions and impending tragedy for love.


The Harlequin ego-trippers who danced, narrated, intrigued and sang songs of love and mystique- six of them as you would count, were all perfect in their unique participation. And these were ‘named’ good theater actors who covered their faces with make-up and joker-like nuances- among them were Tuesday Vargas, Lorenz Martinez and Jim Pebanco. They all exuded a perfect melody.


What could be better than the great, colorful backdrop of a Lily flower shadow who appeared like a smoke on the backdrop as the play started. It was colorful and magnificent to the eye. And it revealed a hidden message of an outstanding theatrical presentation out to come. Kudos to Otto Hernandez.


JN Nombres' lights provided the much-needed dramatic effect, which was subtle and concise. It never underestimated, as it flowed with the rhythm and the music.


And how could we forget the songs? Aside from "The Moon That Represents My Heart" which was used not as a part of the playlist, but as an integral part of the story- songs like "Kung Sino Nga Bang Una ay Siya Ring Huli", "Masdan Ang Hugis Ng Buwan" (the opening song number), and "Minamahal Kong Lily"- were all-too powerful, versatile, brave. Mr. Von de Guzman (the composer of songs) unassumingly heralded the springs of nature.


Mr. Gershom Chua, Mr. Eljay Castro Deldoc and Mr. Ricky Lee- the playwrights- did a good job of putting-up tearful words which all came from their hearts and united in form and shapes- BINONDO: A TSINOY MUSICAL , again, achieved its true purpose-


that, of winning you through words and capturing your hidden desires of the heart.



****


When the movements and the very strong and graceful dances overpowered all might and just, you surely saw PERFECTION. Without the very bold Choreography of one great Douglas Nierras, somewhow you would think- "Will the show ever be the same again?"


Questions like that would challenge your mind. But an unforgettable theater production like this- with a sincere will of dedication and honest intentions celebrate in unison and perfect "tandems". Without the other, it could die.



***


You almost saw real life as the characters of this play acted. You would feel how they greatly loved it or, them.


Noel Rayos as Carlos. Mariella Laurel as Jasmine. Ashley Factor as Ruby.


Arman Ferrer as Ah-Tiong.
Shiela Valderrama-Martinez as Lily.


Along with the whole cast ensemble that added gloss and mammoth-like anticipations-,


In perfect timings and intense delivery of emotions- yeah, again we'd say, the characters went fully alive. Like souls that transpired in the surprising offerings of a night-


They all made you cry. They all made you SAW-


THAT, FOREVER SOMEHOW EXISTED-


and dreamt.



***



A vision with so much comprehension.
 An artful  delivery with a heart and a lingering feeling. How he handled and how he held it via his hand-


How he united these people in fully achieving a dream


How he transformed a story into one great delight and embracing spirit via a hidden wind-


the director of BINONDO: A TSNOY MUSICAL never really failed.


As the minds and the criticisms would eventually flow after this rave review-


Surely, a hand that withstood time


A Master of Artistry that held your feelings



would endure



until





ETERNITY.

director joel lamangan

the lead cast of "BINONDO: A TSINOY MUSICAL" with producer rebecca shangkuan chuannsu








(words written by robert manuguid silverio)





RUDY JACKSON, MASKI NASA AMERIKA AY NAKAKATANGGAP PA RIN NG MGA BIYAYA NA IBINIBIGAY DIN NAMAN NIYA SA MGA KAIBIGAN NIYA SA PILIPINAS!

SIR RUDY (IN DRAG) WITH A FRIEND NAMED MANNY SIR RUDY WITH HIS MOST INTIMATE FRIENDS SIR RUDY IN HIS NEPHEW'S HOUSE IN THE U.S. EARLY CH...