Ipinapakita ang mga post na may etiketa na team gerald. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na team gerald. Ipakita ang lahat ng mga post

"Hindi ako nagsasalita kapag may mga performances kami sa Miss Saigon, ni hindi ko kinakausap ang mga kasama ko, kasi mauubos ang boses ko!"--- gerald santos



GEALD: HANEP ANG PORMA!


Sa dami ng mga naging performances ni Gerald Santos sa Miss Saigon UK tour, talagang kamangha-mangha kung iisipin mo- na, kung paano pa rin niya na-retain ang napakagandang kalidad ng kanyang tinig. 

"Imagine po, Tito Robert, we have eight shows and performances in a week", nasabi ni Gerald sa kanyang kaibigang blogger nu'ng nagdaang press conference para sa kanyang homecoming concert. "Halfway along the eight performances, talagang halos mawalan na ako ng boses. Very strenuous po kasi and hectic ang bawat performances namin.

"Kaya ang ginagawa ko, every after our performance at pag-uwi sa tinutuluyan namin, hindi na po ako nagsasalita kasi takot akong mawalan ng boses", dugtong ni Gerald. "Ni hindi ko kinakausap ang mga kasamahan ko and co-actors ko. Nawi-'weirduhan' tuloy sila sa akin. Tinitipid ko kasi ang boses ko, baka maubos, e. Hahaha!"

Hindi naman nagulat ang mga media people sa naging revelation ni Gerald kung paano niya na-preseve ang kanyang boses while on Miss Saigon UK Tour. Kasi, ganu'n din pala si Lea Salonga nuong gumanap naman itong si Kim sa Miss Saigon din. Hindi rin ito nagsasalita right after every performance.

Samantala, isang movie columnist naman, in person of Rodel Ocampo Fernando ang nakapansin ng husto sa "looks" ni Gerald nung hapon na iyon sa kanyang press con.

"Gerald, ang guwapo-guwapo mo!", sabi ni Rodel, na imbes magtanong ay walang nasabi sa mikropono kundi ang i-express ang kanyang nararamdaman for Gerald. Pero sinang-ayunan naman ng lahat ang naturan ni Rodel. Tunay namang kaibig-ibig ang kaguwapuhan ni Gerald nu'ng hapon na iyon na muli niyang nakasama ang mga press people.

Kauuwi lang niya mula sa Europe at kakabalik lang sa Pilipinas. Sa Germany sila huling nag-tour at 'yun nga, finally, it's over. Tapos na ang stint ni Gerald sa Miss Saigon UK tour, tapos na rin ang kontrata.

"Pero there are hearsays po na malamang na magkaroon din kami ng Miss Saigon Australia tour", dugtong ni Gerald. "The same cast, crew and staff din po ang kasama sa Australia tour ng Miss Saigon. Hopefully po, matuloy. Kung hindi man, marami pong horizons ngayon sa buhay ko ang kino-conquer ko. And they are all pretty exciting.

"Nag-audition po ako sa ilang international movies, sa Net Flix, TV dramas and the likes", dugtong pa ni Gerald. "May talent agent na po kasi kaming naghahanap sa amin na projects sa Hollywoord. Halos lahat po ng major cast sa Miss Saigon, madami pong nag-apply na agents sa amin."

Wala pang balitang natatanggap si Gerald kung makakasali naman siya sa isang pang classic Broadway play na The King And I.

"Opo, nag-audition din po ako sa The King & I", sagot ni Gerald. "Pero wala pa po kaming natatanggap na feedback. Wala pa po silang sinasabi kung makakapasok ako sa cast."

Sa Homecomg Concert ni Gerald entitled Gerald Santos: The Homecomg Concert, magiging guests niya ang mga Filipino performers na nakasama din sa cast ng Miss Saigon present and past. Sila ay sina Leo Valdez, Aicelle Santos at Joreen Bautista. Na bale ang pinaka-highlight sa homecoming concert ni Gerald ay ang pag-awit nilang apat ng mga excerpts sa Miss Saigon at sa ilan pang mga hit Broadway musicals.

Ang homecoming concert ni Gerald ay produced ng Media Biz Entertainmenmt Productions, na pag-aari ng magandang producer na si  Ms. Mellany Zambrano.

"Na-miss ko po kayong lahat", pagtatapos na wika ni Gerald. "And I miss the Filipino audience here sa sarili kong bansa. Actually, pareho namang warm and loving ang both Filipino and international audience. Pero iba pa rin po kapag kapwa Pilipino mo ang mga nanonood sa iyo. Mas masarap po sa pakiramdam. Dahil maski gaano man kalayo ang marating ko, mananatiling Pilipino pa rin ako."

Talagang dapat ka ngang mahalin, Gerald Santos.



(sinulat ni robert manuguid silverio)

PHOTOS BY MR. JAPS RAMISCAL


GERALD: BEST-DRESSED

GERALD: MYSTIFYING

MR ROMMEL RAMILO, RICKY LO of PHILIPPINE STAR, PRODUCER MELLANY ZAMBRANO AND RALD


GERALD WITH A "FRIEND"


THE GERALD SANTOS PROXIMITY (WITH EXCLUSIVE PHOTOS BY MR. JAPS RAMISCAL AT GERALD SANTOS' PRESS CONFERENCE)....










  1. prox·im·i·ty
    /präkˈsimədē/Submit
    noun
    nearness in space, time, or relationship.
    "do not operate microphones in close proximity to television sets"
    synonyms: closeness, nearness, presence, juxtaposition, propinquity, adjacency



The Sound of Silence is infinite, universal, gratifying. When words are not spoken, and feelings left unexpressed- the silence do sets in.

It's the kind of silence that's about to explode. And as it gets deeper and inevitable in the vast kind of silence that occupies the hidden spaces of time- the wonder of life and love combines, unites, embraces...

In the Proximity of someone you care for

As the evidence clearly showed that he's no longer a boy.

But a man of achievements, accomplishments...

of international acclaim and more.

The Gerald Santos Proximity and hidden sounds of silence and feelings...

has mixed in.

all in one afternoon-


FOREVERMORE.



**********  ************  *************  ************


"Puwedeng-puwede ka talaga", veteran movie entertainment writer and critic Mario Bautista attested right in front of international Broadway actor and singer Gerald Santos. "You perfectly fit the character of an international actor and singer. You can pass a role in Hamilton or any kind of an international Broadway play like what you did in Miss Saigon. Congrats to you, Gerald."

Great writers and columnists seated beside a blogger, in persons of Mr. Ricky Lo (Entertainment Editor of Philippine Star) and Jojo Panaligan (Entertainment Editor of Manila Bulletin) did fully agree about what Mario E. Bautista has said about Gerald.

This writer/blogger (me.--rms***) told to Ricky Lo: "Nakakapangilabot. Bihirang pumuri at magsalita ng ganyan si Mario E. Bautista. When he speaks, he really means it. Wow, I'm so proud about Gerald!"

"He's a very nice person, very thoughtful to media people's feelings", Ricky Lo told to the blogger. "Gerald deserves all these accolades."

That was the press conference for Gerald's Homecoming concert. Held at the very cozy place of Oriental Palace restaurant in Tomas Morato Ave., a great lunch of Mandarin Chinese food was served. So elite and Avant Garde. What a wonderful and delightful treat from the producers of Gerald's concert - Media Biz of Ms. Mellany Zambrano.

The P.R, man of the press conference was another veteran writer- Mr. Nestor Cuartero. He was very gentle and warm  to all the press people who attended the event.

Gerald's manager, Mr. Rommel Ramilo, together with Gerald's official make-up artist Teddy Mendoza and Mrs. Ramilo (Rommel's mom), were also present at the event.

After two years of performing as Thuy at the Miss Saigon UK Tour and more than 500 performances there, Gerald was finally home. And now, in his homecoming concert entitled Gerald Santos: The Homecoming Concert- he will show to everyone the PROXIMITY OF HIS GRANDEUR AND MAGNITUDE.

On May 4, 2019, at the Solaire Theatre, let's all embrace back and love Gerald in one spectacular concert. A Filipino like us, he will simply show to everyone that...


The nearness of space and time

the Proximity to be exact-



can make you feel the love




ETERNALLY.







(words by robert manuguid silverio)


EXCLUSIVE PHOTOS BELOW AND ABOVE, TAKEN AT GERALD SANTOS PRESS CONFERENCE BY MR. JAPS RAMISCAL























GERALD SANTOS: SOMETHING NEW IN HIS LIFE!


GERALD: SOMETHING NEW ON THE WAY


TEMPTING GERALD. OH, MY.


Tuloy na tuloy na ang April 9 concert ni Gerald Santos na pinamagatang "Something New In My Life". Isa itong very sentimental concert para kay Gerald dahil may malaking pagbabagong magaganap sa kanyang career very soon, at ang konsiyertong ito ang mas magpapaigting ng kanyang kaganapan sa music world.

Special guests ni Gerald sa konsiyertong ito ang UP Concert Chorus at si Ms. Regine Velasquez. Ang concept ng concert ay sinulat mismo ng manager ni Gerald na walang iba kundi si Cocoy Ramilo, at ito ay mula rin sa kanyang direksyon. Concept, written and directed by Mr. Cocoy Ramilo. We do believe so much in his capacity naman as a writer-director dahil nakita namin ang kanyang kahusayan sa dulang sinulat at dinirek niya- ang San Pedro Calungsod: The Musical.  Di mas lalo pa dito sa concert na ito, di ba?

MR. COCOY RAMILO: GERALD'S MANAGER

GERALD WITH HIS "TEAM GERALD" OFFICERS


"And I'm very happy to say na lahat nu'ng labindalawang nag-auditions para maging front act ni Gerald  last February 23  sa concert ay pasok lahat", wika pa ni Mr. Ramilo sa isang special and intimate coffee interview sa Gloria Bean coffee-restaurant. "Lahat kasi sila ay magagaling at walang itulak-kabigin. And it was direk Frannie's decision also to include all those who auditioned to be Gerald's front act.

"Tradisyon na rin namin na kada may concert si Gerald, we are giving breaks to upcoming singers who deserve to be on stage", pagpapatuloy pa ni Mr. Ramilo. "Suporta na rin namin ito para sa mga Pilipinong may karapatang maipakita ang galing nila sa pagkanta.Nariyan din pala ang Terrific Kids Act bilang isa sa mga guests ni Gerald. Isang grupo sila ng mga bata na kay gagaling din sa pagkanta at pagsayaw. Surely, sulit na sulit ang mapapanood nila sa concert. Talagang pinaghandaan namin ito."

All-out support din ang TEAM GERALD sa pagsuporta kay Gerald sa concert na ito. Ang Team Gerald ang official fans club ni Gerald with Nanay Bebot Santiago as the President. And incidentally, tatlo sa Team Gerald members ang kasali sa front act singers ng concert. May mga fans kasi si Gerald na talagang magagaling kumanta.

THE FRONT-ACTS OF GERALD'S CONCERT


Ang mga baguhang singers na ito ang mga magiging front act singers ni Gerald sa kanyang concert. Ang mga pangalan: Ernani de Lima, Paolo Marquez, Kenneth Thom Dy Sawyer, Kevin Sawyer, Pauline Anne Cueto, Erika Mae Salas, Layatha Leigh Madrinan, Emmanuel John Capuno, Julianah Agatha Cruz, Rucky Matalam at Julius Bergado.

See you all April 9!!!!

PAHABOL: This concert is presented by TWIN PRODUCTIONS INTERNATIONAL, SIXTEEN DEGREES ENTERTAINMENT PRODUCTION, PRINSTAR MUSIC PH, BIG EYES PRODUCTIONS, MEDIABIZ ENTERTAINMENT, MYRA, WISH FM AND GLOBALTRONICS..

YES INDEED, THERE'S SOMETHING NEW GERALD SANTOS' LIFE!


(sinulat ni robert silverio)



gerald santos spends christmas with his family....

rald beside a xmas tree

rald with his TEAM GERALD fans

rald handsome

raald in red



May kanya-kanyang mga diskarte ang mga celebrities sa tuwing sasapit ang Kapaskuhan. May mga magpupunta sa ibang bansa upang magkaroon ng bakasyon doon, may mga maga-out-of-town sa Boracay o kung saan man, may mga pupunta sa mga barkada nila, at kung anu-ano pa. Pero ang singer-actor na si Gerald Santos, mas pinipiling makasama ang pamilya niya sa tuwing araw ng Kapaskuhan.

"For the past five years po, magmula nu'ng pumasok na ako sa mundo ng showbiz, taon-taon ay ganyan ang ginagawa ko", bungad pang sabi ni gerald sa kaibigan niyang blogger nu'ng gabi ng Christmas party ng Team Gerald last Dec. 15. "I spend the Christmas day with my family. Yearly, I go home in our house in Navotas at sama-sama kaming magkaka-pamilya hanggang sa pagsapit ng Bagong Taon."

Si Gerald kasi, talagang maka-Pamilya. Hindi niya ipagpapalit ang kanyang pamilya sa anumang bagay dito sa mundo.

"Iisa lang kasi ang pamilya natin, at hindi kayang palitan 'yan", dugtong na sabi ni Rald (palayaw namin kay Gerald). "Kaya as much as possible, taon-taon, tuwing Christmas season ay sila ang mas pinipili kong makasama. Until new year, magkakasama kami. Maghihiwa-hiwalay lang kami after New year na."

Pero ano ba ang Christmas wish ni Rald sa Paskong ito?

"Sana, dumating na siya...'yung pinakahihintay namin", mabilis na tugon ni Rald. "'Yung malaking bagay na hinihintay namin, sana mangyari na!"

Hhhhmmmmm. At tila alam namin 'yun, pero ayaw lang namin muna pang magsalita sa ngayon, in due respect to the people behind that "big thing" coming on Gerald's life. We feel kasi, ang mga tao sa likod nu'n ang dapat na mas maunang mag-announce, eh. Hihihihi....

Anyway, this coming January 5 to January 9 ay nasa India si Rald to attend the Saarang International Music Festival na kung saan ay si Rald ang kakanta sa Finale ng nasabing Music Fest, na may audience capacity na 30,000 to 50,000 students from all-over India. Kaya malaking karangalan ito para sa bansang Pilipinas. And take note, aawitin doon ni Rald ang mga Tagalog songs na originally ay kinanta niya't na-record.

"Kaya excited na ako, and I feel honored na ako ang napili nilang kumanta roon", sabi pa ni Rald. "Hindi ko ipapahiya ang watawat ng Pilipinas. I will do my best and perform to the ebst of my ability para mapabilib ko sila."

Inihahanda na rin ang next major concert ni Rald na entitled "Tenacity", which means "ten years". Sampung taon na rin kasi ngayon si Rald sa mundo ng pag-awit, at sa konsiyertong iyon, maraming sorpresang iahahatid si Rald. Sa march 25 idadaos ito at ang venue ay sa Kia Theater sa Cubao.

"Sana ay patuloy pa nila akong suportahan", pagtatapos ni Rald. "Sa mga fans ko, lalo na sa Team Gerald, maraming salamat at hindi kayo nagsasawang tumulong sa career ko. Asahan ninyong lahat, magkakasama pa tayo ng mas maraming taon dahil mahal ko kayong lahat!"

Tunay ka, Gerald.


(sinulat ni robert silverio)
MUSIC VIDEO OF RALD, UPLOADED ON YOUTUBE.COM BY:
MS. LHYNNE IMPERIAL

PAGMAMAHAL, PAGKAKAISA, PAGHANGA AT PAGKALINGA... SA GABI NG CHRISTMAS PARTY NG TEAM GERALD!





Apat na taon na mula ngayon, isang ordinaryong nilalang na ang nakasaksi ng lahat. Kung gaano kamahal ng TEAM GERALD ang isang singer-actor in person of Gerald Santos...

Apat na taon na mula ngayon, naging kaparte na ang ordinaryong nilalang na iyon sa kanilang pamilya. Nakisaya, nakiluha, nakisali sa mga palaro, naki-yakap sa kanilang IDOLO...

Apat na taon na mula ngayon, naramdaman na ng ordinaryong nilalang na iyon ang pagtanggap, pagmamahal, pagkakaisa, paghanga at pagkalinga. Mula sa kanila. At mula rin sa isang binatang nagngangalang RALD.

Apat na taon na mula ngayon, tuwing magpa-Pasko, nabubuo ang mga pangarap niya, lumiligaya siya sa simpleng okasyon na iyon, nagiging kumpleto ang kaluluwa ng Kapaskuhan sa kanya.

Sa isang napaka-simpleng okasyon na punong-puno nga PAGIBIG,. Sa isang simpleng Christmas Party ng mga tagahanga ni Gerald Santos. Taon-taon, mula noon.... hanggang ngayon.

Ang bawat tao ay may mga simpleng pangarap at "wishes" lamang. Mga simpleng hiling na kapag natupad, ay, masasabi niyang kay ganda nga ng mundo. Kumukuti-kutitap.... At nabubuhay muli ang sigla at lakas para lumaban.

Isang grupo ng mga tao ang tumanggap sa kanya, apat na taon na mula ngayon. At sapat na iyon para lumigaya siya.

At sa taong ito, mas lalong naging emosyonal ang lahat, as they all shared their own personal experiences kung paano nila minahal ang isang Gerald Santos.

 Si Ernani de Lima, panay na ang iyak sa umpisa pa lamang ng programa. At tanging siya lamang ang nakapagdala ng mga litrato ni Rald na nasa loob ng kanyang wallet. Tunay ngang mahal niya si Rald.

Si Madamme Sulit Chef, nakupo, talagang napatili pa ng ubod ng lakas nu'ng ikuwento niya na nu'ng malaman niyang si Gerald Santos pala ang bida sa play na panonoorin nila, mula sa imbitasyon ng dating guro ni Gerald sa eskuwelahan, talagang napalundag siya sa sobrang tuwa.

Si Raul Car Uri, pinalakpan ng husto ng lahat ng TEAM GERALD members dahil sa napakaganda niyang mensahe para kay Rald. Sinabi niyang tila isang anghel si Rald, at makikita sa mukha nito ang napakagandang aura at katotohanan...

Si Nanay Bebot, na mula't sapul pa, ay nariyan na para sa buong Team Gerald. Bubusisiin kung sapat ba ang handa nila sa party, kung ano pa ba ang mga kailangan, at malalapitan sa oras ng kagipitan. Siya din kasi ang tumatayong Nanay ng lahat, since siya ang Pangulo ng Team Gerald.

Si Nanay Sally, na laging game na game sa lahat ng parlor games. Laging nagpapasaya at nagpapa-kuwela sa lahat. Napaka-totoong tao, na walang bahid ng kaplastikan sa katawan.

Si Lhynne, na magmula pa noon, wala nang sawa sa pagkuha ng mga litrato kay Rald, at sa pag-upload ng mga videos ni Rald sa mga events nito, na siyang naging daan tuloy upang matuklasan si Rald worldwide and internationally dahil maraming nakakita sa Youtube.Com at sa viral world ng mga vids na iyon ni Rald...

Sina Ate Tess Calayan, Tita Z (Zeny), na laging may mga dalang bonggang mga regalo para sa lahat. Mga regalong tunay mong mapapakinabangan, ite-treasure at mamahalin.

At paano ba malilimutan ng isang ordinaryong nilalang at napakagandang kalooban nina Ate Maritess Soguilon at ng manager ni Rald mismo na si Kuya Cocoy Ramilo? Nariyang ipagbalot pa ni Ate maritess ng ulam na handa ang nilalang na iyon, laging nag-iistima at nag-aasikaso, at, hinding-hindi ka pababayaan. Si Kuya Cocoy naman, makikita mo sa kanyang mukha na halos mapaiyak na siya sa tuwing program proper na. Kinokontrol lang niya ang mga luha niya. Pero damang-dama niya ang pagkakaisa at pagmamahalan ng lahat ng mga taong naroon.

Ito nga siguro ang hinahanap ng isang ordinaryong nilalang na iyon. Ang tunay na SAMAHAN. Isang samahan na may mga simpleng hangarin lamang at taos-pusong pagmamalasakit sa kanilang idolo at minamahal na kaibigan- si RALD.

Sa grupong ito ay nakita niya ang simple at banayad na samahan. At wala na rin siguro siyang mahihiling pa.

May iba rin namang grupo at mga ka-TROPS ang isang nilalang na iyon. At umaasa siyang ang lahat ay maaayos na. Dahil alam naman niyang nagmamalasakit din naman sa kanya ang iba pa niyang mga ka-grupo.

Pero buti na lang at may isang TEAM GERALD na nagbigay ng pagkakataon sa kanya na mapatunayan sa lahat na sinsero naman siya bilang isang KASAMAHAN at KA-"TROPS".

SALAMAT, TEAM GERALD SA ISA NA NAMANG SIMPLENG GABI NG KALIGAYAHAN AT PAGASA.


SA PILING NI GERALD SANTOS.

Sa nagdaang 2016 Christmas Party ng TEAM GERALD.


(sinulat ni robert manuguid silverio)


PHOTOS COURTESY OF MR. GERALD SANTOS






the TEAM GERALD SANTOS christmas party!!!




Bago natin bigyang-pugay ang nalalapit na TEAM GERALD SANTOS Christmas Party, ay mayroon muna tayong very special announcement na isa ring napakahalagang pangyayari sa singing career ni Gerlad Santos. Basahin po sa ibaba:

ANNOUNCEMENT: Gerald Santos will take part in the World Culture Section of SAARANG FESTIVAL 2017 in Chennai, India (.January 4-8, 2017 ), one of the biggest festivals in India.. He was chosen by the organizers being "one of the top performers in the Philippines!". He will do a one-hour performance for the students in India and will showcase his world class talent to the people of India and other international citizens! The NCCA is supporting Gerald's participation in this annual event! GO MAKE OUR COUNTRY PROUD GERALD!

More or less, 15,000 to 30, 000 students from India ang manonood sa Pestibal na iyan. Kaya naman isang malaking karangalan ang ibibigay ni Gerald sa Pilipinas, being the FINALE performer of that prestigious Festival in India! Proud talaga kami sa iyo, Gerald! So there.



Anyway, sa daring na Disyembre 15 naman, idadaos ang TEAM GERALD SANTOS annual Chrsitmas Party. Naging tradisyon na ito sa parte ng manager ni Gerald na si Cocoy Ramilo na magdaos ng Christmas Party para sa mga avid supporters at fans ni Gerald. Dito kasi nakakapiling ng mga fans ni Gerald ang kanilang idolo ng lubusan. May mga games, raffle prizes at marami pang mga program numbers ang mangyayari. Kaya tiyak niyan, ngayon pa lang ay hindi na magkanda-ugaga ang seksing secretary ni Gerald na si Maritess Soguilon sa pago-organize ng Christmas Party na ito.

"We will make it the most memorable Christmas Party ever!", sabi pa ni Cocoy Ramilo, Gerald's manager. "Lahat ay magiging masaya at walang uuwing luhaan pagdating sa mga regalo."

May nai-reveal pa sa amin ang manager ni Gerald na si Kuya Cocoy, at ito ay malalaman ng mga fans niya sa padating na Christmas Party nila. Pero ayaw pang ipasulat ito ni Kuya Cocoy. Lihim muna. Pero napakagandang balita nito para sa lahat.

MALIGAYANG PASKO, GERALD AT SA LAHAT NG TEAM GERALD FANS!


(sinulat ni robert manuguid silverio)






RUDY JACKSON, MASKI NASA AMERIKA AY NAKAKATANGGAP PA RIN NG MGA BIYAYA NA IBINIBIGAY DIN NAMAN NIYA SA MGA KAIBIGAN NIYA SA PILIPINAS!

SIR RUDY (IN DRAG) WITH A FRIEND NAMED MANNY SIR RUDY WITH HIS MOST INTIMATE FRIENDS SIR RUDY IN HIS NEPHEW'S HOUSE IN THE U.S. EARLY CH...