Ipinapakita ang mga post na may etiketa na DAVE MACARIOLA. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na DAVE MACARIOLA. Ipakita ang lahat ng mga post

JILL BOTE: THE VERY PRETTY LITTLE GIRL THAT THE LATE FERDINAND BOTE DEARLY LOVED (IN A SPECIAL PHOTO-SHOOT BY DARIUS CUNANAN)....




WE CAN SAY THAT SHE'S A UNICA HIJA...

THE ONLY GRAND DAUGHTER OF THE SLAIN MAYOR OF GEN. TINIO, NUEVA ECIJA...

AND ONLY CHILD, TOO.

SHE'S SO BRIGHT, LOVELY, TALENTED....

SHE'S LITTLE JILL.

JILL BOTE FOR YOU.


SHE LOVED HER LOLO FERDINAND SO MUCH.

SHE CRIED AND CRIED WHEN HER LOLO DIED...

BUT LITTLE JILL ILL BE A STRONG GIRL FROM NOW ON...

AND HOW SHE MISSED HER LOLO FERDINAND....
JILL AND HER LATE LOLO FERDINAND


WILL LITTLE JILL JOIN THE ACTING AND MODELLING FIELD SOON?

MAYBE NOT NOW YET.

HER STUDIES ARE HER PRIORITY NOW.


BUT LOOK HOW BEAUTIFUL SHE IS

IN THIS SPECIAL PHOTO SHOOT BY DARIUS CUNANAN FLORENTINO...

AND THE WORLD WILL NEVER BE THE SAME AGAIN...

WITH LITTLE JILL.



LITTLE MS. JILL BOTE, AS PHOTOGRAPHED BY: DARIUS CUNANAN FLORENTINO
photographer darius cunanan florentino


HMUA: EMEM TOLEDO

STYLING: HIDY BOTE

CONCEPT: ROBERT SILVERIO

VENUE: THE BOTE RESIDENCE IN PAPAYA, N.E.

















JILL BOTE: A LITTLE WONDER & GOLD MINE OF GENERAL TINIO, N.E.!!!




Isang tingin pa lang namin sa apo ni Mayor Ferdinand Bote nu'ng sumali siya at magpunta sa first day ng aming Acting Workshop sa General Tinio, N.E.- alam namin, hindi na kami mahihirapan na turuang umarte ang bata. And she's no less than JILL BOTE, whom we predict to be the next child wonder of the entertainment scene. With her innate charm, poise, confidence, grace and style- at a very young age of six years old, alam namin na pasadong-pasado na sa aming panlasa ang bata.

Kaya naman nasabi namin sa mom ni Jill na si Mrs. Hidy Eduardo Bote ang mga salitang ito: "Isang tingin ko pa lang sa kanya, alam kong magaling na siya. Kaunting tips na lang siguro sa pag-iyak at pag-arte ang ituturo ko sa kanya."

At lalo naman kaming na-amze, because Jill fulfilled our hopes far beyond our expectations. Dahil duon sa dramatic crying scene/exercise sa Acting Workshop namin, na ipinagawa namin sa lahat ng workshop participants- including Jill- aba naman, pinakamatagal yatang umiyak si Jill! Walang tigil ang luha ni Jill maski tapos na 'yung dramatic exercise na 'yun and we had to wait for around 20 minutes para ma-pacify 'yung overflowing tears niya. Nilapitan na siya ng mom niya, ni sir Dave macariola, at ng ilan pang kasamahan niya sa Acting Workshop, pero wala pa ring humpay ang pagtulo ng kanyang mga luha. What a very sensitive girl! Pang-artist talaga.

Pero may ginawa pa ang batang si Jill na hindi malilimutan ng blogger na ito. Innate na siguro ang magandang pag-uugali na ito ng bata. Imagine, siya pa mismo ang lumapit nuon sa Lolo niyang si Mayor Bote, sabay sabing: "Lolo, please come po sa recital namin sa acting workshop namin, ha, lolo? Huwag ka po mawawala, lolo, ha?"

Siyempre naman, sino ba naman ang hindi makakatanggi na Lolo sa request ng isang napakagandang apo niya and only apo! Kaya halos mapaiyak ang isang blogger nang marinig niyang sinabi ni Jill 'yun sa Lolo niya. Dahil it only meant na pinahalagaan ni Jill ang kanyang Acting Workshop activity.

At hindi po kami nambobola, Jill is a little wonder. nd she's also a Gold Mine of General Tinio, Nueva Ecija. She can sing so beautifully, dance so gracefully, model and walk the ramp so efficiently. And cry so much! Ano pa ba ang hahanapin mo sa batang ito?

Watchout soon for Jill Bote's star to shine so bright!!!



(words by robert manuguid silverio)
PHOTOS OF JILL, COURTESY OF MRS. HIDY BOTE


Jill with her LOLO- meyor ferdinand bote

jill with her LOLA- mrs. mayvelyn javier bote

jill holds her certificte in a summer recital

little jill emotes

a younger baby jill

jill in a HYMN fashion event in cabanatuan city

jill: little pincess

jill: flower girl
jill in a fshion shoot
jill with her parents dino javier bote and hidy eduardo bote



ANG MGA TUNAY NA 'MINA' NG GENERAL TINIO, NUEVA ECIJA, NATUKLASAN SA TATLONG ARAW NA ACTING WORKSHOP SA 'BIYAYA NG SINING' EVENT...

mr. dave leodones macariola, the acting workshop participants, sensei robert and mr. armando giron of nueva ecija's council for history, culture and the arts.
the acting workshop participants of sensei robert



May mga lumang istorya at haka-haka ukol sa tunay na pinagmulan ng bayan ng General Tinio, Nueva Ecija. Ayon sa matatandang ninuno nila, ang General Tinio (na ang dating pangalan ay Papaya) daw pinagyayamanan ng mga mina sa ilalim ng lupa. Sa bayan na ito raw nakabaon ang mga mina ni King Solomon (mula sa Bibliya), dahil dito raw napadpad ang lugar na iyon na pinagbaunan ng mina ng Hari na iyon sa Lumang Testamento. At ang ilog sa Minalungao (na sakop ng General Tinio) ang mismong makapagpapatunay nu'n. Doon daw talaga nakabaon ang mga MINA.

Pero wala pa ring makapagpatunay nito hanggang sa ngayon. Sa modernong panahon, naging ordinaryong "folklore" na lamang ang istorya na iyon. Pinagtatawanan na lamang, sinasabing haka-haka lang.

Pero isang blogger ngayon (ang inyong lingkod) ang makapagsasabing marami ngang GOLD MINES sa General Tinio. Yes, "gold mines" in its literal sense- and figuratively speaking, totoong may gold mines nga sa lugar ng General Tinio. Mahasa pa sila ng husto, gabayan, bigyan ng mga tamang breaks at dalhin sa Maynila- we guarantee, marami ang yayaman dahil sa KANILA.

Opo, kami mismo ang nakatuklas sa mga GOLD MINES na ito- at, SILA ANG MGA NAGING ACTING WORKSHOP PARTICIPANTS SA GENERAL TINIO, NUEVA ECIJA, sa recently-concluded na BIYAYA NG SINING three-day event sa nasabing lugar (ginanap sa NEUST Papaya Off Campus at sumunod naman sa Municipal Gym's second floor deck).

At maraming salamat pala sa mga empleyado ng Munisipyo ng Genral Tinio dahil sa assistance na ibinigay nila sa nasabing Acting Workshop.

Tunay na mga Gold Mines dahil sa kakaiba nilang galing sa pag-arte. Kumbaga, wala pa silang malawak na karanasan sa pag-arte, pero nakuha nila ng maayos at tama ang mga Acting Wokshop Syllabus na itinuro namin sa loob ng tatlong araw- in a very hectic and tight acting modules.

Mabilis ang pick-up nila sa bawat sabihin naming exercise, agad nilang nakukuha ang pointers namin. Matatalino sila, malalalim, puno ng "angst". Tunay na mga GOLD MINES ng bayan ng General Tinio. Mga living gold mines, ika nga.

Sobrang puno ng talento, kahusayan sa pagganap at mga artistikong nilalang ang nakita namin. Puwede nang ilaban sa Maynila at irekomenda sa mga talent casters ng channel 2 at channel 7. Pero hinay-hinay lang. May sariling plano sa kanila ang Munisipyo ng General Tinio, sa kagandahang-loob ni Meyor Ferdinand Bote at ng aming Acting Workshop Facilitator na si Mr. Dave Macariola. Ang mga nagsipag-graduate at nabigyan ng Acting Workshop Certificates ay magiging in-house talents ng Munisipyo. Isasabak sila sa mga stage plays, at iba pa. Sa susunod na taon, sila ang mga magiging bida sa Senakulo na itatanghal sa kanilang lugar.

Kasama sa naging mga Acting Workshop Participants ang apo ni Meyor Bote na si Jill Bote, isang 6 year-old girl who can sing, dance and do modelling skills. Napakababaw ding umiyak ni Jill dahil sa drama exercise namin sa kanya, walang tigil ang pagluha niya.

Opo, tunay na may mga MINA sa lugar ng General Tinio. Mga buhay na MINA- at sila ang mga ACTING WORKSHOPPERS ng unang batch ng Biyaya Ng Sining Acting Workshop, na sponsored ng Mayor Ferdinand Bote!!!

Mabuhay!!!


(Nasa larawan sa ibaba ang mga kuha sa tatlong araw na acting workshop na kung saan ay trainor si Robert Silverio at Facilitator naman si Mr. Dave Macariola. Ang mga larawan ay kuha ni: MR. GREG SANDOVAL).*





























RUDY JACKSON, MASKI NASA AMERIKA AY NAKAKATANGGAP PA RIN NG MGA BIYAYA NA IBINIBIGAY DIN NAMAN NIYA SA MGA KAIBIGAN NIYA SA PILIPINAS!

SIR RUDY (IN DRAG) WITH A FRIEND NAMED MANNY SIR RUDY WITH HIS MOST INTIMATE FRIENDS SIR RUDY IN HIS NEPHEW'S HOUSE IN THE U.S. EARLY CH...