ANG MGA TUNAY NA 'MINA' NG GENERAL TINIO, NUEVA ECIJA, NATUKLASAN SA TATLONG ARAW NA ACTING WORKSHOP SA 'BIYAYA NG SINING' EVENT...

mr. dave leodones macariola, the acting workshop participants, sensei robert and mr. armando giron of nueva ecija's council for history, culture and the arts.
the acting workshop participants of sensei robert



May mga lumang istorya at haka-haka ukol sa tunay na pinagmulan ng bayan ng General Tinio, Nueva Ecija. Ayon sa matatandang ninuno nila, ang General Tinio (na ang dating pangalan ay Papaya) daw pinagyayamanan ng mga mina sa ilalim ng lupa. Sa bayan na ito raw nakabaon ang mga mina ni King Solomon (mula sa Bibliya), dahil dito raw napadpad ang lugar na iyon na pinagbaunan ng mina ng Hari na iyon sa Lumang Testamento. At ang ilog sa Minalungao (na sakop ng General Tinio) ang mismong makapagpapatunay nu'n. Doon daw talaga nakabaon ang mga MINA.

Pero wala pa ring makapagpatunay nito hanggang sa ngayon. Sa modernong panahon, naging ordinaryong "folklore" na lamang ang istorya na iyon. Pinagtatawanan na lamang, sinasabing haka-haka lang.

Pero isang blogger ngayon (ang inyong lingkod) ang makapagsasabing marami ngang GOLD MINES sa General Tinio. Yes, "gold mines" in its literal sense- and figuratively speaking, totoong may gold mines nga sa lugar ng General Tinio. Mahasa pa sila ng husto, gabayan, bigyan ng mga tamang breaks at dalhin sa Maynila- we guarantee, marami ang yayaman dahil sa KANILA.

Opo, kami mismo ang nakatuklas sa mga GOLD MINES na ito- at, SILA ANG MGA NAGING ACTING WORKSHOP PARTICIPANTS SA GENERAL TINIO, NUEVA ECIJA, sa recently-concluded na BIYAYA NG SINING three-day event sa nasabing lugar (ginanap sa NEUST Papaya Off Campus at sumunod naman sa Municipal Gym's second floor deck).

At maraming salamat pala sa mga empleyado ng Munisipyo ng Genral Tinio dahil sa assistance na ibinigay nila sa nasabing Acting Workshop.

Tunay na mga Gold Mines dahil sa kakaiba nilang galing sa pag-arte. Kumbaga, wala pa silang malawak na karanasan sa pag-arte, pero nakuha nila ng maayos at tama ang mga Acting Wokshop Syllabus na itinuro namin sa loob ng tatlong araw- in a very hectic and tight acting modules.

Mabilis ang pick-up nila sa bawat sabihin naming exercise, agad nilang nakukuha ang pointers namin. Matatalino sila, malalalim, puno ng "angst". Tunay na mga GOLD MINES ng bayan ng General Tinio. Mga living gold mines, ika nga.

Sobrang puno ng talento, kahusayan sa pagganap at mga artistikong nilalang ang nakita namin. Puwede nang ilaban sa Maynila at irekomenda sa mga talent casters ng channel 2 at channel 7. Pero hinay-hinay lang. May sariling plano sa kanila ang Munisipyo ng General Tinio, sa kagandahang-loob ni Meyor Ferdinand Bote at ng aming Acting Workshop Facilitator na si Mr. Dave Macariola. Ang mga nagsipag-graduate at nabigyan ng Acting Workshop Certificates ay magiging in-house talents ng Munisipyo. Isasabak sila sa mga stage plays, at iba pa. Sa susunod na taon, sila ang mga magiging bida sa Senakulo na itatanghal sa kanilang lugar.

Kasama sa naging mga Acting Workshop Participants ang apo ni Meyor Bote na si Jill Bote, isang 6 year-old girl who can sing, dance and do modelling skills. Napakababaw ding umiyak ni Jill dahil sa drama exercise namin sa kanya, walang tigil ang pagluha niya.

Opo, tunay na may mga MINA sa lugar ng General Tinio. Mga buhay na MINA- at sila ang mga ACTING WORKSHOPPERS ng unang batch ng Biyaya Ng Sining Acting Workshop, na sponsored ng Mayor Ferdinand Bote!!!

Mabuhay!!!


(Nasa larawan sa ibaba ang mga kuha sa tatlong araw na acting workshop na kung saan ay trainor si Robert Silverio at Facilitator naman si Mr. Dave Macariola. Ang mga larawan ay kuha ni: MR. GREG SANDOVAL).*





























Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

RUDY JACKSON, MASKI NASA AMERIKA AY NAKAKATANGGAP PA RIN NG MGA BIYAYA NA IBINIBIGAY DIN NAMAN NIYA SA MGA KAIBIGAN NIYA SA PILIPINAS!

SIR RUDY (IN DRAG) WITH A FRIEND NAMED MANNY SIR RUDY WITH HIS MOST INTIMATE FRIENDS SIR RUDY IN HIS NEPHEW'S HOUSE IN THE U.S. EARLY CH...