Ipinapakita ang mga post na may etiketa na jobert sucaldito. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na jobert sucaldito. Ipakita ang lahat ng mga post

tara na, sa birthday concert ni macoy mendoza (at grand launching din ng kanyang first single na "puede kaya?")....

macoy mendoza, in a shot taken from a winter season in Australia, together with kid-relatives.




Iilan na lamang ngayon ang nabibigyan ng todo-todong break sa larangan ng pagkanta. Yun bang nagsisimula ka pa lamang, eh, may first single ka na agad at ang nag-compose pa ng single mo ay si Vehnee Saturno, na isang alamat na sa paglikha ng mga awitin.

'Yun bang kay bago-bago mo pa lamang, hayan na ang mga media people na kaibigan ng mga managers mong sina Maine Musni Nieto at Jobert Sucaldito, na agad kang sinulat sa mga diyaryo, blog sites at nag-guest din agad sa mga radio shows.


'Yun bang hayan, may solo concert ka na rin agad, na magiging kaalinsabay pa ng Grand Launching ng una mong single na may pamagat na "PUWEDE KAYA?". Lahat ay tipong naaayon naman sa tamang panahon. Lahat ay tipong nakikisayaw sa tono ng isang musika, at, nakikisabay din sa pagsalpok ng mga alon sa karagatan.


Marahil, mabait kang tao. Nakatitiyak din kami, may ginituang puso ka. Dahil ang mga taong binibigyan ng mga ganap na papapala ng Diyos- ay iyong mga taong mababait, masunurin, magagalang. Ikinatutuwa ng Nasa Itaas ang mga kabataang tulad mo. Kaya ang mga ganap na mga grasya't pagkakataon, tunay namang ibinibigay sa iyo.


Kasama ang mababait mong mga managers, oo, MACOY MENDOZA, manonood kami ng concert mo sa darating na Hunyo 14 sa Metro Walk ng Music Hall.


Naririyan din ang kaibigan nating si Kiel Alo- na susuportahan ka sa gabing iyon. Isang gabing magpapatunay na isa ka na ngang ganap na bituin, Macoy. At inaakap ka na ng tuluyan ng mundo ng showbiz.


Tara na, sa birthday concert mo, Macoy. Na siya ring Grand Launching ng iyong unang single na "Puwede Kaya".


Galingan mo, ha.





(sinulat ni robert manuguid silverio)

macoy: standing tall

macoy with kiel alo

macoy: oh, what a baby!

macoy: lucky to be given proper breaks at once

macoy: brings out his very best

macoy forevermore



PWEDE KAYA, MACOY MENDOZA.... PWEDE KAYA?

MACOY WITH MANAGERS MAINE (first from left) and JOBERT (fourth from left) and OTHER FRIENDS




PWEDE KAYA, MACOY MENDOZA...

NA MAGING KAIBIGAN KA LANG?

DAHIL KASE, ANG PUSO KO'Y NAKATALI NA

AT ALAM KO, PARA SA 'YO, AKO'Y ISANG KAKILALA LAMANG...

KAHIT BA,

HINDI MO MAN MALAMAN,

SA UNANG PAGKIKITA PA LAMANG,

IKA'Y TUMUSOK NA

SA DAMDAMIN AT ISIPAN.



PWEDE KAYA, MACOY MENDOZA?

NA KAHIT PAPA'NO, MULA SA MALAYO, IKAW AY AKING SUPORTAHAN?

SA PAMAMAGITAN NG AKING MGA PANULAT?

DAHIL DU'N LANG, SASAYA NA AKO...

PWEDE KAYA?



PWEDE KAYA, MACOY MENDOZA...

NA IPAGDASAL ANG IYONG MGA PANGARAP?

AT KUNG MAY IBA KA NANG MINAMAHAL,

SANA, OO, SANA...

HINDI KA PA RIN MAGIGING MARAMOT

NA I-SHARE SA LAHAT ANG MGA AWITIN MO-

DAHIL DOON LAMANG

KAMI'Y LILIGAYA NA.



"PWEDE KAYA" NI MACOY MENDOZA, MULA SA LYRICS AT KOMPOSISYON NI MR. VEHNEE SATURNO.


NOW DIGITALLY-RELEASED IN SPOTIFY AND YOUTUBE.COM.


THE FIRST BIG THING ON THE MONTH OF JANUARY 2019. TARA NA, TANGKILIKIN NATIN ANG KANTANG "PWEDE KAYA?"!!!!





(sinulat ni robert manuguid silverio)  


MACOY WITH HIS MANAGER MAINE MUSNI NIETO

MACOY WITH BLOGGER ROBERT SILVERIO

MACOY, PWEDE KAYA?






Q & A WITH MACOY MENDOZA! (AN ENCORE BLOG ARTICLE)....


HE IS SWORDSHINES10 VLOG SITE'S BET FOR 2018, ALONGSIDE WITH NIKKI CO.
AND BECAUSE OUR FIRST ARTICLE ON HIM RATED SO GOOD WITH VERY HIGH VIEWS, BELOW IS OUR ENCORE ARTICLE WITH MACOY MENDOZA!
GET TO KNOW MORE ABOUT HIM IN THE Q & A BELOW. READ ON:

macoy: simply young and so handsome.

ROBERT: Ano-ano ang mga next projects mo, Macoy?
MACOY: This coming March magkakaroon po ako ng concert sa Music Museum. Dapat Feb. 12 po ang concert ko. Pero na-move ng March, kasi magbabakasyon kami ng family ko sa Canada sa buwan ng February po, kaya ang balik ko na po ay sa March na.

ROBERT: Saan ka mas at-home, sa Ballad songs, Pop songs, or Jazz?
MACOY: Halos lahat naman type of songs ay at home ako. Pero more on ballad songs at RNB music po ako.



ROBERT: How would you describe Maine Musni Nieto as a co-manager of Jobert Sucaldito in handling you?
MACOY: Maine is bossy but caring, and will push you to do your best. At higit sa lahat, marespeto at mapagmahal na manager.




ROBERT: Paano ka nadiskubre ni Jobert Sucaldito?
MACOY: Magkaibigan kasi sina Tito Alan K. at Nanay Jobert. kaya ko s'ya nakilala.  Nu'ng time na nag-audition ako kay Nanay Maine, dinala nya ako sa bar ni Tito Alan K. sa Klownz. Pinakanta nya ako. Tapos ni-recomend ako ni Nanay Maine kay Nanay Jobert. Tapos, hayun na, nag tuloy-tuloy na po. Hanggang sa nag- guest ako sa concert ni Ate Billy Padillo. Du'n na po nagsimula.

ROBERT: Can u tell us more about the song na iri-release mo this January at magiging first single mo?
MACOY: Sobrang ganda po ng lyrics ng song.  Composed by Tito Vehnee Saturno.  Title po ng song ay- "Pwede Kaya?". Ang story po ng song, may isang binata na may nagugustuhan na girl. Gusto n'ya ligawan pero hindi n'ya alam kung papaano. Tapos 'yung girl na nagugustuhan n'ya, may nagma-may-aari na.





ROBERT:Sino-sino ang mga idolo mo sa mga local at foreign singers?
MACOY: Ang idol ko po na singer ay sina Adele at Bruno Mars.  Sa local naman po ay si Lea Salonga.

ROBERT: Sino naman ang pangarap mong maka-duet someday sa isang major concert?
MACOY: Ang gusto kong maka- duet sa local, si Miss Regine Velasquez and si Leah Salonga. Sa international naman po, si Adele. Bukod sa idol ko si Adele, sobrang gusto ko ang mga kanta nya.

ROBERT: Pangarap mo rin bang umarte someday, bukod sa pagkanta? If ever, saan mo mas gusto, sa channel 7 o sa channel 2?
MACOY: Opo. Mahilig din akong umarte. Minsan nga, pag nasa kuwarto ako ay humaharap ako sa salamin para mag-praktis.  Sa ngayon po, mag-a-acting at dance workshop na daw ako, sabi ni Nanay Maine. Okey po ako kahit saang TV station.  

ROBERT: Last question, sino ang crush mo, Macoy?
MACOY: Si Liza Soberano po. At  si Julia Baretto. Nagsimula ako na magka- crush kay Julia nu'ng napanood ko s'ya sa TV na ang role nya ay isang Babaeng Kahoy.


-----end of interciew-----

SI MAINE NIETO ANG NAGING TULAY UPANG TULUYAN NANG MAGKABATI SINA JOBERT SUCALDITO AT BLOGGER ROBERT....

jobert sucaldito and maine nieto

jobert and blogger robert: deep friendship

the venue of a forgiving incident: club mankind

Totoo, at uulit-ulitin namin, kadalasan talaga, sa mga estrangherong tao mo matatanggap ang mga "good acts and good wills" na hindi magawa man lang ng pinaka-malalapit mong kasamahan at kaibigan sa mundo ng showbiz. Masu-surprise ka, dahil 'yung mga bagong kakilala mo pa, sila pa 'yung gagawa ng effort para sa ikabubuti mo at para rin sa ikagagaan ng kalooban ng isang 'common friend' ninyo.

At naganap iyon kamakailan lamang, bago sumapit ang Bagong Taon, at maso-sorpresa kayo sa VENUE. Hahahaha. Opo, At ito ang pagbabati muli ng dati nang matagal na magkaibigan na sina Jobert Sucaldito at Robert Silverio.

Ang VENUE: CLUB MANKIND GAY BAR, along Timog Avenue, Q.C.

Sa lugar na ito muling nagkita at nag-akapan ng mahigpit ang famous radio announcer/columnist/Publicist/Manager na si Mr. Jobert Sucaldito at ang blogger na si Robert Silverio. At aksidente lamang ang lahat.

Salamat kay Maine Nieto na naging tulay ng isang blogger upang i-set-up ang pagkikita nila ni Jobert. Walang kaalam-alam si Jobert, na iinterbyuhin pala ni Blogger Robert si Maine Nieto (na kasama ni Jobert sa pagma-manage sa career ng baguhang singer na si Macoy Mendoza) nu'ng gabi na iyon sa Club Mankind Gay Bar. 

Kaya wala na ring nagawa si Jobert nung makita niya si Blogger Robert. Inakap siya ng mahigpit ni Blogger Robert at ang lahat ay gumaan na. Naging very light ng feeling ni Blogger Robert dahil nadama niya, pinatawad na siya ng lubusan ni Jobert.

Napakagandang eksena nu'n. Pero walang kamera, e. Purely for private viewing lang at tanging ang mga security guards lamang ng Club Mankind Gay Bar ang nakasaksi sa akapan na iyon.

Alam ni Blogger Robert ang magagandang deeds and lessons na naituro na sa kanya ni Jobert. Minsan na rin siyang nasagip ni Jobert ang buhay ni Robert (hindi na namin babanggitin iyon, at alam ni Jobert ang insidenteng iyon sa Winchells Donuts many years ago). Dahil din kay Jobert, nakilala niya si Melanie Marquez at maging si Boy Abunda na napakalaki ng naitulong sa career ni Blogger Robert.

MARAMING SALAMAT, MAINE NIETO AT IKAW ANG NAG-EFFORT UPANG MAGKABATI KAMI MULI NI JOBERT.

MARAMING SALAMAT, JOBERT SUCALDITO SA MULING PAGPAPATAWAD MO SA AKIN.

AT MARAMI RING SALAMAT SA CLUB MANKIND GAY BAR! SEE U BACK SOON!




(sinulat ni robert manuguid silverio)


maine with  jobert, kiel alo and brad

maine with macoy mendoza, kiel alo and jobert

maine nieto: promising talent manager

maine with atak, jobert and keanna reeves


MACOY MENDOZA: ANG BAGONG IIBIGIN?

macoy: lovable enough


macoy mendoza with blogger robert at TEAM's x'mas party recently

(macoy's vid above, courtesy of STARSPHOTOG VIDZ, thank you.---rms.*)


Na-meet ng mga TEAM (The Entertainment Arts Media) group of media people si Macoy Mendoza in person nu'ng personal itong bumisita sa kanila, nu'ng nagdaang Christmas Party ng TEAM sa Music 21 KTV Bar. Very impressive si Carlo at napaka-positibo ng aura niya. Mukha ring napakabait na bata. 

Lalo na nu'ng umawit si Carlo ng dalawang awitin para sa mga TEAM members, lalo siyang naging 'kaibig-ibig'. Siya na nga ba ang bagong iibigin?

Haha. Naging 'favorite term' kasi ng mga movie reporters ang katagang BAGONG IIBIGIN, kasi, sa tuwing may bagong guwapong artista o bagong singer, sasabihin nila: ANG BAGONG IIBIGIN!

Anyway, nasa right and proper age na naman si Macoy para ibigin siya ng sinuman. Hindi na siya Menor de Edad. He is already 18 years old, F.Y.I.

"Pero at a very young age of three years old, alam ko na pong hilig ko na talaga ang pagkanta", bungad na sabi ni Macoy nu'ng tabihan at kausapin siya ng isang blogger na miyembro ng TEAM. "Kaso, hindi ko lang pinapakita noon at hindi ko ine-enhance. Pero there came an incident three years ago na napasubo akong kumanta sa harap ng mga kaibigan ko sa isang sing-along bar. Doon nila nadiskubre ang kakayahan ko sa pagkanta.

"You see, Sir, singing is all my life", pagpapatuloy ni Carlo. "In everything I do, singing seems to conquer it- maski naglilinis ako ng room ko, kumakanta pa rin ako. Maski nasa loob ako ng C.R., umaawit pa rin ako. First Love ko po talaga ang singing, eh."

By January of 2019, ire-release na ang single ni Macoy na may pamagat na Puwede Kaya?, at ito ay mula sa komposisyon ni Vehnee Saturno.

"Kaya ngayon pa lang po, ninenerbyos na ako", muling sabi ni Macoy. "Sana po, tangkilikin nila ang very first single ko. Mapapakinggan din po nila 'yun sa lahat ng Digital Platforms once na ma-release na sa January 2019."

Presently, si Macoy ay magkatulungang mina-manage nina Jobert Sucaldito at Maine Nieto. And knowing them, hindi malayong may marating si Macoy sa pagiging singer dahil magagaling mag-manage ng talents sina Jobert at Maine.

As a matter of fact, naka-back-to-back na ni Macoy ang isa pang magaling na singer na walang iba kundi si Kiel Alo sa isang major concert nila sa Teatrino na naganap recently lang bago mag-Pasko.

"Si Kiel Alo po, he's like a brother to me", pagtatapos na sabi ni Macoy. "Parang sinadya na po ng Faith na magkasundo kami ni Kiel. Pati mga Likes and sentiments namin ay pareho. Kaya happy ang feeling ko nu'ng magklasama kami sa isang concert."

Sa muli, tanong namin: SI MACOY MENDOZA NA NGA BA ANG BAGONG IIBIGIN?

Your guess is as good as ours. Welcome to the showbiz world, Macoy Mendoza!!! 






(s written by robert manuguid silverio)


macoy with fellow singer kiel alo

macoy (in yellow jacket) with managers maine nieto (in black and white polo stripes) and jobert sucaldito (in blue polo shirt) and other friends



KIEL ALO AT EZEKIEL: HINDI NAGPADAIG KAY DESSA SA NAKARAANG CONCERT NILA...


kiel and ezekiel with friends at their last concert gig


kiel: so manly

ezekiel: so boyish




Buong-buo ang tinig ni Kiel Alo, talagang nanggagaling sa puso, samantalang itong si Ezakiel naman, precise and very clear-sounding ang timbre ng boses. Parehong panalo. At iyan ang naging obserbasyon ng isang blogger sa nagdaang concert nina Kiel at Ezekiel sa Music Box last July 29, 2017.

Gustong-gusto rin namin ang boyish moves ni Ezekiel, para siyang baby doll na kay sarap akapin at alagaan. Samantalang si Kiel naman, very manly ang dating at tunay na nakakaagaw-pansin.

Napakagaling man ni Dessa nuong gabi na iyon, hindi naman nagpadaig sa kanya sina Kiel at Ezekiel. Lalo na nung kinanta ng mga ito ang FINALE SONG NUMBERS NILA.

YES, TINITIYAK NAMIN, ANG DALAWANG ITO NGA ANG SUSUNOD SA MGA YAPAK NI MICHAEL PANGILINAN.

GALINGAN NYO PA MORE, KIEL AT EZEKIEL!!!--- (written and blogged by: robert silverio)


ANYWAY, NASA IBABA ANG FB POST MISMO NG MANAGER NILANG SI JOBERT SUCALDITO UKOL SA PAGIGING PROUD MAMA NITO SA NAKARAAN NILANG KONSIYERTO:

"Can't be prouder of my two new artists - KIEL ALO and EZEKIEL HONTIVEROS! I was extremely surprised by your splendid performance sa Music Box last night. Di ko akalaing maitawid ninyo nang maayos ang back-to-back concert ninyo. First time kong narinig ang full Spanish version ng Despacito kay Kiel. Puwede ka nang pakawalan Kiel anak dahil malayo na ang nilakbay ng kahusayan mo sa pag-awit. Laki rin ng improvement ni Ezekiel - from being parang tuod before dala ng sobrang pagkamahiyain ay unti-unti ka nang lumalabas sa comfort zone mo. Boses kung boses talaga. Konting hasa pa puwede na kitang ilaban nang sabayan sa mahuhusay nating male singers. Ang lamang mo sa karamihan sa kanila ay magaling ka at guwapo and no doubt pa na lalaki ka talaga. Lalaking tunay. Ha! Ha! Ha!
Oh my Dessa. Halimaw ka talaga sa stage anak. You made me so happy last night. Miss na miss kita sobra and alam mo iyan. Isa ka sa original babies namin - Backroom days pa natin. Alam mo naman that my favorite song of you ay ang Superwoman. Ibang klase ka - lalong bumuo at gumanda ang boses mo.
Kaya naman kampante ako sa tugtugan dahil di lang basta guwapo ang musical director kong si Ivan Lee Espinosa - napakahusay talaga sa keys. Kahit wala silang rehearsal ni Dessa ay di halata. Ganyan kataas ang tiwala ko kay Ivan that's why suki ko siya ever since. Labyu, Ivan anak.
Siyempre, di rin ako binigo ng iba pa naming mga anak-anakang performers. Nandoon ang napakasayang The Pink Mannequins na kahit kasabay ng anniversary ng Club One 690 ay naisingit nila ang guesting nila sa amin. Also, ang front act naming si Em-em Madrigal na finalist sa That's My Tomboy ay nagpakitang-gilas din. Guwapong tongril naman nito. Akala ng mga baklitang reporters ay lalaki - nagulat sila, tombs pala. Mwah!
Eh humabol sina Boobsie Wonderland, Beki Belo and Prima Diva Billy. Natural, di sila nakaligtas sa amin - pinaakyat namin sa stage para makigulo. Sobrang saya. Ha! Ha! Ha!
Parang reunion ng malalapit na magkakaibigan at kamag-anakan ang nangyari last night. Nandoon ang mga closest of friends namin - sina kaibigang Joel Cruz of Aficionado Germany Perfume na as always - very generous talaga; ang mag-asawang Nixon and Adela Teng who have always been very supportive sa lahat ng projects namin; sina Nay Jojit de Nero and Jubal Ayo na isang tawag ko lang ay di ako pinahihindian dahil sobrang nagmamahalan kami; ang long-lost priest friend kong si Fr. Eric Luzung na ka-table ko almost the whole night - thanks for the blessings Fr. Eric; sina Mommy Genesis Gallos and Madam Chiqui who came with the other Pink Mannequins and boys to give us the much-needed moral support; ang sobrang mabait na may-ari ng Music Box na si Boss Wawi de Dios and baby kong si Danjosh Zacarias na palaging bukas ang venue nila para sa amin - thanks a million!; ang best friend for life kong si Papa Ahwel Paz na talagang sarap ng kuwentuhan namin with Prima Diva Billy and Kiel Alo; Roel Caba of the Philippines with Otic the great; ang superstars nating sina Boy de Leon and Edgar Gomez na palagi kong nami-miss; ang anak kong si Douglas Brocklehurst who checked kung ayos na ba ang production side ng show; ang mga anak-anakan natin sa media like Dominic Rea na maaga pa lang ay kasama ko na sa rehearsals till the end of the show kahit may morning flight pa siya pa-Mindanao para sa libing ng kaniyang pinsan- rk villacorta with some bloggers who have always been very supportive- boy romero na inasikaso ang ibang mga press friends natin - si tito bong de leon ay nandoon din, so were beth gelena, blessie cirera, linda cabuhayan, anthony solis, who else? Sorry kung may nakaligtaan ako ha.
Basta to everyone including siyempre the staff ng Music Box, maraming-maraming salamat sa inyong lahat. Nakisama pa ang panahon - di umulan the whole time during the concert, di ba? Thank you Lord God for giving us the chance na makapagpasaya ng mga tao sa event naming ito - and to those who sponsored the concert, maraming-maraming salamat. Till our next show. Mwah!"---- jobert sucaldito
jobert sucaldito

jobert sucaldito, muling nanumbalik ang sigla at saya!


jobert: the fight goes on

jobert with blogger ME and ahwel paz

jobert: controversies are his cup of tea



Ibang-ibang Jobert Sucaldito na ang nakita namin, the last time we visited him at his reformatted radio program na ShowBuzz with Ahwel Paz as his co-anchor. very fresh-looking na si Jobert, maaliwalas ang 'aura' at very light ang dating niya. Tipong nanumbalik na ang kanyang sigla at saya na medyo nawala nung mga nagdaang buwan at linggo na na-pressure siya masyado sa dami ng mga kinakaharap niyang problema- at isa na roon yung naging suspension na ibinigay sa kanya ng higher-ups sa channel 2 Radio Broadcasting System.

"Ngayon ay okey na ang lahat, kafatid!", sabi pa ni Jobert sa kaibigan niyang blogger. "All's well now. Bago na ang titulo ng radio show namin. From Mismo, it's now Showbuzz. More news-worthy gossip items from showbiz, interview with celebrities, blind items and more! Isisiksik lahat namin 'yan in 30 minutes running time ng radio show namin! O di ba bongga, kafatid?"

Ang ganda-ganda rin ng ginawang new teaser sa kanilang programa, kung saan pareho silang nagsalita at nag-acting ni Ahwel Paz sa radio teaser ng programa nila.

"Ang galing ni Ahwel sa teaser na iyon, ha", sabi pa ni Jobert. "Winorkshop ko muna siya bago kami mag-take at humarap sa camera. Five minutes acting workshop ang binigay ko kay Ahwel. At effective, di ba? Hahahaha!!!"

Napag-alaman pa namin, si Kiel Alo pala ang kumanta ng bagong theme song ng programa nila. Pinadinig pa sa amin ni Jobert ang awiting iyon at akmang-akma sa boses ni Kiel.

"Ang dami kasing nag-request na si Kiel ang dapat na kumanta ng theme song ng radio program namin", sabi muli ni Jobert. "Kaya siyempre, pinagbigyan namin. And Kiel delivered it far beyond our expectations."

But anyway, isa lang talaga ang ikina-sorpresa ng isang blogger nung bumisita siya sa radio show ni Jobert. Hindi pa rin ito tumitigil sa mga very intriguing news niya and controversies! Wala pa rin siyang takot!!! Hahahaha. Maski nga ang co-anchor niyang si Ahwel Paz, hindi mapigilan ang tapang ni Jobert na banatan ang mga celebrities na nakakagawa ng mali sa kanyang paningin!

"I hate sugar and spice and everything nice, kafatid", sey pa ni Jobert. "I go for intrigues and controversies. Bumanat sa mga artistang foul na ang dating. Ipagpapatuloy ko ang laban ko na 'yan."

Hhhhhmmmm. Basta ang mahalaga, may sigla at saya na sa mga labi ngayon ni Jobert Sucaldito. Tapos na ang krisis sa buhay niya. At kung meron pa man, lalabanan niya ito ng may kaginhawaan sa kanyang puso.

Naman.


(sinulat ni robert silverio)


kiel alo, pinuputakti ng mga bakla!

kiel alo: pambabae man ang tipo, friendly pa rin sa gays

(from left to right): john fontanilla, kiel alo, danjosh gomez, jobert sucaldito and blogger Me. :-)

hindi po mga bading ang nakapaligid dito kay KIEL, mga babae po sila.

kiel: magnetic on stage




Lokang-loka ang movie scribe na si John Fontanilla sa dami ng mga baklang nagkakagusto lately sa singer na si Kiel Alo. Ilang beses kasing nakasama ni John si Kiel sa ilang showbiz events at naging "living" witness ito sa mga baklang nahuhumaling ngayon kay Kiel.

Kaya naman minsang makasama ni John sina Kiel, ang manager nitong si Jobert Sucaldito at ang blogger na si Robert Silverio, hindi na napigilan ni John na magsumbong kay Nanay Jobert.

"Alam mo, Nay Jobert, ang daming nagkakagusto kay Kiel ngayon, ha! Saksi ako!", tahasang sabi ng intriguing movie writer na si John. "Ayaw ko na lang sabihin mga pangalan nila, kasi mostly mga kaibigan natin sa showbiz, eh. Tulad nu'ng magpunta tayo kanina sa birthday bash ni Mercy Lejarde, naku, apat na bakla ang pumutakti kay Kiel. Lahat sila nagkagusto kay Kiel at nag-aagawan. Buti na lang, understanding si Kiel at gentleman enough para hindi siya mainis o magalit sa mga baklang nagkakagusto sa kanya."

Puro tawa na lang ang naging reaksyon ni Jobert sa mga nasabi ni John:

"Ha!Ha!Ha! Hayaan na lang natin sila, mga kafatid!", buweltang sabi ni Jobert. "Hindi nila alam, bago sila, isang nagngangalang Robert Silverio na ang nauna sa kanila. I mean, naunang nagka-crush kay Kiel, ha. To the point na naging FB status pa niya si Kiel noon. Ha! Ha! Ha!"

Tumaas lang ang kilay ni John sa naging reaksyon ni Jobert, sabay sabing:

"Talaga?", tanong ni John.

Anyway, maya-maya lang ay dumating na si Kiel para samahan sina Nay Jobert, John at blogger Robert  sa birthday bash ni Danjosh Gomez Zacarias sa Music Box. Biglang tameme ang tatlong bading. Walang kaalam-alam si Kiel na pinag-usapan siya ng mga ito kani-kanina lang.

Anyway, sa July 29 ay magkakaroon ng back to back concert si Kiel sa isa niyang kapatid sa pangangalaga ni Nay Jobert na walang iba kundi si Ezekiel. Sa Music Box ito gagawin.

"Ang special guest po namin ay si Dessa", pagmamalaking sabi pa ni Kiel. "First time namin ni Ezekiel na magkaroon ng back-to-back concert. And honestly, hindi po kami magpapatalbugan sa concert na ito. The thing is, magsusuportahan pa kami. It's our concert together at pareho kaming nagpapasalamat kay Nay Jobert dahil sa walang katapusang suportang binibigay niya sa amin."

Hindi pa masagot ni Kiel kung makakasama pa rin ba siya sa play na Maynila: Sa Mga Kuko ng Liwanag.

"Ayaw pa pong mag-commit ng manager ko", sabi ni Kiel. "Hindi pa rin siya makapag-decide. Pero I admit, nag-auditions po ako duon sa play at nakapasa naman po ako. Pero si Nay Jobert, nag-iisip pa to now kung isasali niya ako doon."

Ano naman ang masasabi mo, Kiel, na pinuputakti ka ngayon ng mga bakla? We mean, ang daming baklang nagkakagusto sa iyo ngayon!

"He-hehe. Flattered naman po ako", pagtatapos na wika ni Kiel. "It's an honor on my part na magustuhan nila ako. It's good for my ego. Kilala ko naman po sila, eh, harmless naman po silang lahat. They don't take advantage naman of me. At sabi nila, inspirasyon lang daw ako para sa kanila. In that case, positive po, di ba? Ang masama, negative ang epekto ng pagkagusto nila sa akin. Pero sa totoo lang po, sa babae ako talaga nagkakagusto. Hindi po sa mga bakla. Hehehe."

Anyway, maski sa babae lang nagkakagusto si Kiel, hindi pa rin niya mapipigilan ang mga baklang magkagusto sa kanya! It's a big challenge on their part! Naman.



(words by robert silverio)
PHOTOS COURTESY OF KIEL ALO AND KIEL WARRIORS

RUDY JACKSON, MASKI NASA AMERIKA AY NAKAKATANGGAP PA RIN NG MGA BIYAYA NA IBINIBIGAY DIN NAMAN NIYA SA MGA KAIBIGAN NIYA SA PILIPINAS!

SIR RUDY (IN DRAG) WITH A FRIEND NAMED MANNY SIR RUDY WITH HIS MOST INTIMATE FRIENDS SIR RUDY IN HIS NEPHEW'S HOUSE IN THE U.S. EARLY CH...