HE IS SWORDSHINES10 VLOG SITE'S BET FOR 2018, ALONGSIDE WITH NIKKI CO.
AND BECAUSE OUR FIRST ARTICLE ON HIM RATED SO GOOD WITH VERY HIGH VIEWS, BELOW IS OUR ENCORE ARTICLE WITH MACOY MENDOZA!
GET TO KNOW MORE ABOUT HIM IN THE Q & A BELOW. READ ON:
macoy: simply young and so handsome. |
MACOY: This coming March magkakaroon po ako ng concert sa Music Museum. Dapat Feb. 12 po ang concert ko. Pero na-move ng March, kasi magbabakasyon kami ng family ko sa Canada sa buwan ng February po, kaya ang balik ko na po ay sa March na.
ROBERT: Saan ka mas at-home, sa Ballad songs, Pop songs, or Jazz?
MACOY: Halos lahat naman type of songs ay at home ako. Pero more on
ballad songs at RNB music po ako.
ROBERT: How would you describe Maine Musni Nieto as a co-manager of Jobert Sucaldito in handling you?
MACOY: Maine is bossy but caring, and will push you to do your best. At higit
sa lahat, marespeto at mapagmahal na manager.
ROBERT: Paano ka nadiskubre ni Jobert Sucaldito?
MACOY: Magkaibigan kasi sina Tito Alan K. at Nanay Jobert. kaya
ko s'ya nakilala. Nu'ng time na nag-audition ako kay Nanay Maine, dinala nya ako sa bar ni Tito Alan K. sa Klownz. Pinakanta
nya ako. Tapos ni-recomend ako ni Nanay Maine kay Nanay Jobert. Tapos, hayun na, nag tuloy-tuloy na po. Hanggang sa nag- guest ako sa concert ni Ate Billy Padillo. Du'n
na po nagsimula.
ROBERT: Can u tell us more about the song na iri-release mo this January at magiging first single mo?
MACOY: Sobrang ganda po ng lyrics ng song. Composed by Tito Vehnee Saturno. Title po ng song ay- "Pwede Kaya?". Ang story po ng song, may isang binata na
may nagugustuhan na girl. Gusto n'ya ligawan pero hindi n'ya alam kung papaano. Tapos 'yung girl na nagugustuhan n'ya, may
nagma-may-aari na.
MACOY: Ang idol ko po na singer ay sina Adele at Bruno Mars. Sa
local naman po ay si Lea Salonga.
ROBERT: Sino naman ang pangarap mong maka-duet someday sa isang major concert?
MACOY: Ang gusto kong maka- duet sa local, si Miss Regine Velasquez and si Leah Salonga. Sa international naman po, si Adele. Bukod sa idol ko si Adele, sobrang gusto ko ang mga kanta nya.
ROBERT: Pangarap mo rin bang umarte someday, bukod sa pagkanta? If ever, saan mo mas gusto, sa channel 7 o sa channel 2?
MACOY: Opo. Mahilig din akong umarte. Minsan nga, pag nasa kuwarto
ako ay humaharap ako sa salamin para mag-praktis. Sa ngayon po, mag-a-acting at dance workshop na daw ako, sabi ni Nanay Maine. Okey po ako kahit saang TV station.
ROBERT: Last question, sino ang crush mo, Macoy?
MACOY: Si Liza Soberano po. At si Julia Baretto. Nagsimula
ako na magka- crush kay Julia nu'ng napanood ko s'ya sa TV na ang role
nya ay isang Babaeng Kahoy.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento