FABBY TF SERRANO AND HER PET DOG NAMED "AZUZ". LOVELY! |
COMEDIAN AIAI DELAS ALAS, FANNY TF SERRANO, AND MEGASTAR SHARON CUNETA IN THE U.S. |
FANNY'S NOVUHAIR ADVERTISEMENT |
FANNY (LEFT, STANDING) WITH HER DUBAI-BASED FILIPINO FASHION DESIGNERS |
FANNY: PASSIONATE SOUL |
FANNY AND HER SMILE |
FANNY'S MAKEUP ON MEGASTAR SHARON CUNETA IN A MAGAZINE COVER |
Kapag nakakatanggap kami ng mga positibong feedbacks from netizens sa isang naisulat namin, sobrang nakakagalak po ng puso dahil bihirang mangyari na ang bagay na iyon ngayon sa sobrang pagiging abala na these days ng mga tao. At lately nga, sa Part 1 ng aming interbyu kay Fanny TF Serrano, hayun, may mga nag-PM sa amin, nag-text, at nag-comment na ang ganda raw nung artikulo namin kay TF. Kaya naman heto, dahil na-uplift kami ay nagdagdag pa kami ng mga interview questions kay TF via his FB Messenger at napakabait naman ni TF na paunlakan pa rin niyang sagutin ang aming mga katanungan, lalo na ang last question namin about President Rodrigo Duterte na iniiwasan ni TF sagutin sa iba, kasi nga, baka may mga magtampo sa kanyang na nasa ibang panig. Anyway, very safe naman ang naging kasagutan sa amin ni TF sa last question na iyon. Kaya huwag na sanang magtampo diyan ang iba.
So there. Nasa ibaba po ang aming Part TWO sa Q & A na
ito sa hinahangaan nating celebrity icon! Read on and cherish!!!
ROBERT SILVERIO: TF,
mas naging PASSIONATE ka ba ngayon sa mga tunay na mga artistikong bagay dahil
natuklasan mong kapag wala kang ginagawa, doon mas naiipon ang mga artistic
inclinations mo, like planting plants, designing clothers, and others more?
FANNY TF SERRANO: Never nawala ang passion ko in creating
artistic ideas especially during my senior moments... I read kasi na dapat
natin paganahin mabuti ang ating utak sa pagki-create ng iba't ibang artistic
ideas para maiwasan ang kinatatakutan natin na dementia. Sa totoo lang, kung
nakakapagsalita lang sana ang mga gamit ko sa bahay ay baka minumura na ako
everytime na iniikot-ikot ko sila if I am in the mood of changing my interiorsπ€ͺ. Like at the
moment, biglang busy naman ako sa aking very own creations ng kinababaliwan
ngayon ng mga plantitos/plantitas sa small garden ko at sa mga indoors ko. Ang
sarap pala talaga ang mag-planting greens. Now I do have time also to spend a
moment sa aking small kitchen and
learning to cook with my faithful kasambahay.
Kakatuwa pala ang maghalo lang ng mga niluluto ng cook ko. Aware ka
naman for sure na highschool graduate lang ako at para naman madagdagan ang
kaalaman ko I also spend my precious time to watch sa YouTube some informative lessons that
would truly give my brain a treasure to keep for a lifetime.
ROBERT SILVERIO: TF,
kumusta naman po ang friendship ninyo ngayon ni Sharon Cuneta? Mas tumitibay ba
ito sa pagdaloy ng panahon?
FANNY TF SERRANO: This I want to shout it out... Loud and
clear!!! Walang anumang bagay ang puwedeng makasira sa pagmamahalan namin ni
Sharon Cuneta!!! And what's the secret
of our long lasting friendship? R E S P E C T with each other!!!
ROBERT SILVERIO: May
ginawa po kayong pelikula ni Nora Aunor recently, sa palagay mo po ba, mas lalo
kang naging Noranian buhat nung magka-trabaho kayo sa isang pelikula?
FANNY TF SERRANO: Una kaming nagkasama ni GUY ay nuong
gumawa kami ng isang dramatic episode sa ABS-CBN Star Drama Presents Nora
Aunor, directed by Joel Lamanga. Duon ko
nakita ang ating Superstar na totoong
supportive sa mga katrabaho nya during our shoot... Super nawala ang mga daga
sa dibdib ko nung sabihan nya ako after our first scene ng - 'Magaling ka
talaga Tito Fanny.'... Unforgettable moments with the one and only THE NORA
AUNOR. So with our coming new film 'ISA
PANG BAHAGHARI', directed again by Joel Lamangan ay naging reunion naming
dalawa ni GUY at same pa rin ang nakita kong support nya especially sa mga new
breed of stars na kasama namin sa film na ito.
ROBERT SILVERIO: Ano
naman po ba ang mga dreams mo para sa PICA, sa mga kapwa mo kasamahan sa beauty
industry na naapektuhan rin po ng Pandemya? Wala po ba kayong naiisip na mga
proyekto para sa kanila?
FANNY TF SERRANO: I
will be honest with my PICA family...as their President, I must admit na
mahirap gumawa ng isang project ngayong Pandemic period pa sa buong mundo.
Ang ginagawa ko na lang para sa kanila, I am now sharing to them as their
inspirations, by posting my Hair & Make-Up photos from my past to present
photo shoots and based sa mga positive reactions nila ay feeling happiness
naman ako sIyempre.
Wait lang sila kasi we're meeting with my artistic team to
start my- 'IT'S A FANNY DAY' beauty blog-, where I will be sharing to all
beauty enthusiasts my very own GOD-given talent in Hair & Make-Up and more.
PRAY PRAY and PRAY πππππ
LAST QUESTION: Sa nangyayari po ngayong magaganda naman at
positibo sa Gobyerno ni Pangulong Digong, mas lalo mo po ba siyang susuportahan
ngayon?
FANNY TF SERRANO: Never nagbabago ang tiwala ko sa ating
Tatay Digong at patuloy ko siyang susuportahan sa pamamagitan ng aking
pagdarasal na patuloy siyang gabayan ng ating Panginoong Diyos ng Kanyang Holy
Spirit of Strength, Wisdom and knowledge that will truly guide him na
mapatunayan sa lahat ng naminiwala sa kanya at kasama na rin ang mga hindi
naniniwala sa kanya na ang pagmamahal niya sa ating Inang Pilipinas ay bukal sa
kanyang puso,
in Christ Jesus name amen πππππ
----end of interview----
INTRO words and questions by ROBERT M. SILVERIO
ANSWERS by FANNY TF SERRANO herself
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento