mga anak, isang LUKAS advocacy film, at isang Amang ngumingiti mula sa langit (sulyap sa advocacy film na LUKAS, na pinagbibidahan ni avid razul)....

avid razul with his FATHER in showbiz- direk maryo j. delos reyes





avid reaches his dreams as he goes solo

avid in a special make-up for the film LUKAS


ACTRESS CHANNEL LATORRE, ACTOR JAO MAPA AND AVID RAZUL, major cast of the film LUKAS

avid with his leading lady in the film LUKAS, ms. chanel latorre

avid with a co--actor





Lahat tayo ay mga ANAK lamang,

isang maliit na musmos na bata sa paningin ng ating Diyos Ama na nasa Langit

Pero karamihan sa ating mga anak niya, kadalasan, ay naliligaw, nawawala, nagre-rebelde...

Mga maliliit na anak na ang akala sa sarili niya, ay kaya na niya

Na maski wala ang AMA niya, kaya niyang mabuhay

Lalayo sa piling ng kanyang Ama,

magpupunta sa mga lugar na ikapapahamak lamang niya.

Samantalang ang kanyang Ama ay naghihintay lamang sa kanya,

Handang tanggapin siyang muli, akapin, kupkupin.

Dahil ang pagmamahal ng isang Ama,

walang hangganan,

walang kundisyon,

walang katapusan....



MAGPAKAILANMAN.


Sa bagong pelikulang pinamagatang LUKAS, na pinagbibidahan ni AVID RAZUL, isa sa mga naging alaga sa puder ng yumaong film director na si Maryo J. delos Reyes, sumesentro ang istorya sa lahat ng mga naging PRODIGAL SONS sa mundong ito. Inspired ang istorya sa isa mga Parables ni Jesus Christ. Na mula sa bersyon ni LUCAS sa Bibliya.

Kaya naman, pinamagatang LUKAS ang launching film na ito ni AVID RAZUL. Ukol sa isang kabataang naligaw ng landas, bumalik sa kanyang pananalig sa Diyos Ama, at naging matagumpay sa bandang huli.

Mula sa panulat at direksyon ng mahusay (at guwapo pa) na film director na si Lester V. Dimaranan, ang indie advocacy film na LUKAS ay magkakaroon ng Premiere Night sa darating na July 27 sa SM fairview sa ganap na alas-otso ng gabi.

Dadalo sa Premiere Night na iyon ang buong cast ng pelikula na pinangungunahan nga ni Avid Razul, Jao Mapa, Rez Cortez, Channel Latorre, Cloyd Robinson, Orlando Sol, Poppo Lontoc, at marami pang iba.

Mula sa langit, may isang Amang ngingiti. Para sa isang blogger na kaibigan ni Avid Razul, alam niya kung SINO ang AMA na iyon na ngingiti para sa kanya.

Isang Ama na nagngangalang MARYO J. DELOS REYES.

Isang AMA na napakasaya dahil narating na ni Avid Razul ang kanyang pangarap.

Isang AMA na aakapin siya balang-araw, na naghihintay sa lamang sa lahat ng mga naging ANAK niya na mapansin Siya sa kabila ng mga naging pagkakamali ng mga ito sa Kanya.

Dahil tayong lahat ay si LUKAS.

At iisa lamang ang ating AMA.


MAGPAKAILANMAN.




(sinulat ni robert manuguid silverio)
special note: the song cover of San Miguel Master Chorale on the classic "Paskong Walang Hanggan" was uploaded on YOUTUBE.COM by Mr. Lloyd de Leon and special thanks to him. The blogger simply wishes to create a special mood on the blog post, thus, he made it as the blog's music attachment. Thank you. The song is not related to the film "LUKAS". f.y.i.*

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

RUDY JACKSON, MASKI NASA AMERIKA AY NAKAKATANGGAP PA RIN NG MGA BIYAYA NA IBINIBIGAY DIN NAMAN NIYA SA MGA KAIBIGAN NIYA SA PILIPINAS!

SIR RUDY (IN DRAG) WITH A FRIEND NAMED MANNY SIR RUDY WITH HIS MOST INTIMATE FRIENDS SIR RUDY IN HIS NEPHEW'S HOUSE IN THE U.S. EARLY CH...