Ipinapakita ang mga post na may etiketa na macoy mendoza. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na macoy mendoza. Ipakita ang lahat ng mga post

GREAT EXPECTATIONS FOR MACOY MENDOZA....




Once in a while, you meet someone very promising...

At first, you know the feeling.

It's what they call as an electrifying feeling.

And the VISION was there.

That the boy you met will land in many different places... SOON.


And that vision was, little by little, is starting to transform into REALITY.

You know, soon, this boy will soon reinvent himself into becoming a MAN and no longer a boy.

But as fresh as he is, so are his talents of great promise and beautiful anticipations.


I vote for THE CLASH contender Mark Macoy Mendoza

I have great expectations for him, as well...

Expectations of grandeur, shining stars and high-voltage wonder.


Like a subject for a perfect painting or an art form

Singer Macoy Mendoza tittilates the igniting passion of every artist

It provokes you furthermore to embrace the beauty

of many colors


many flavors


many loves



and



KISSES





FOREVERMORE.








(as written by robert manuguid silverio, and especially dedicated to MR. MARK MACOY MENDOZA)












tara na, sa birthday concert ni macoy mendoza (at grand launching din ng kanyang first single na "puede kaya?")....

macoy mendoza, in a shot taken from a winter season in Australia, together with kid-relatives.




Iilan na lamang ngayon ang nabibigyan ng todo-todong break sa larangan ng pagkanta. Yun bang nagsisimula ka pa lamang, eh, may first single ka na agad at ang nag-compose pa ng single mo ay si Vehnee Saturno, na isang alamat na sa paglikha ng mga awitin.

'Yun bang kay bago-bago mo pa lamang, hayan na ang mga media people na kaibigan ng mga managers mong sina Maine Musni Nieto at Jobert Sucaldito, na agad kang sinulat sa mga diyaryo, blog sites at nag-guest din agad sa mga radio shows.


'Yun bang hayan, may solo concert ka na rin agad, na magiging kaalinsabay pa ng Grand Launching ng una mong single na may pamagat na "PUWEDE KAYA?". Lahat ay tipong naaayon naman sa tamang panahon. Lahat ay tipong nakikisayaw sa tono ng isang musika, at, nakikisabay din sa pagsalpok ng mga alon sa karagatan.


Marahil, mabait kang tao. Nakatitiyak din kami, may ginituang puso ka. Dahil ang mga taong binibigyan ng mga ganap na papapala ng Diyos- ay iyong mga taong mababait, masunurin, magagalang. Ikinatutuwa ng Nasa Itaas ang mga kabataang tulad mo. Kaya ang mga ganap na mga grasya't pagkakataon, tunay namang ibinibigay sa iyo.


Kasama ang mababait mong mga managers, oo, MACOY MENDOZA, manonood kami ng concert mo sa darating na Hunyo 14 sa Metro Walk ng Music Hall.


Naririyan din ang kaibigan nating si Kiel Alo- na susuportahan ka sa gabing iyon. Isang gabing magpapatunay na isa ka na ngang ganap na bituin, Macoy. At inaakap ka na ng tuluyan ng mundo ng showbiz.


Tara na, sa birthday concert mo, Macoy. Na siya ring Grand Launching ng iyong unang single na "Puwede Kaya".


Galingan mo, ha.





(sinulat ni robert manuguid silverio)

macoy: standing tall

macoy with kiel alo

macoy: oh, what a baby!

macoy: lucky to be given proper breaks at once

macoy: brings out his very best

macoy forevermore



macoy mendoza: walang humpay sa pagpo-promote ng kanyang awiting "puwede kaya?"....


macoy: worth the chances

macoy: soothing voice

macoy: the next "in" thing




Sinuyod recently ng baguhang singer na si Macoy Mendoza ang mga sari-saring radio stations and radio programs para i-promote ang awitin niyang "Puwede Kaya".

Nauna sa kanyang listahan, siyempre, ang The Buzz radio show ni Jobert Sucaldito (na co-manager para kay Macoy, at si Ms 'Maine Nadaya' naman ang manager) na kung saan, tunay namang napahanga ni Macoy ang halos lahat ng mga naging listeners ni Jobert that night of February 28 na kung saan ay nag-guest siya doon.

Sumunod diyan, nag-guest din sa Macoy sa radio show ni Cristy Fermin, and once more, pinabilib din ni Macoy ang batikang writer at broadcaster in person of Cristy.

To add, nakapag-guest na rin si Macoy sa Net 25's Music & Letters, sa Wish FM, at iba pa.

"Maganda po ang feedback ng awitin kong Puwede Kaya", nasabi pa ni Macoy sa isang blogger sa isang nagdaang concert ni Kiel Alo. "Malakas po ang recall sa mga tao, kaya po masayang-masaya ako.

"Hanggang sa mga palengke pala, pinatutugtog ang kanta ko", dugtong pa ni Macoy. "Minsan daw kasi, naglalakad sa palengke ang manager ko, at narinig niya, pinakikinggan ng mga taga-palengke ang awitin ko. Sobrang natuwa ang manager ko. It means po, pang-masa ang appeal ng kanta ko."

Naghahanda na ngayon si Macoy sa nalalapit niyang concert. This month of March gaganapin iyon. Maski kagagaling lang sa sakit ni Macoy, hayan at todo-trabaho na agad siya.

"Minsan lang po kasing dumarating ang mga pagkakataong tulad nito", pagwawakas na sabi ni Macoy."Kaya po, sasamantalahin ko na ng lubus-lubusan. Hindi ko sasayangin ang pagkakataong tulad nito. Bihira po sa isang baguhanang mabigyan ng break. Kaya ang suwerte ko at isa ako du'n na kay bago-bago pa lang, nakapag-record na ng isang kanta, nakapag-concert, at nagawan ng komposisyon ni Vehnee Saturno. Wow, talagang happy ako. Kaya naman pagbubutihin ko talaga ng husto ang mga binigay nilang hamon sa akin. I don't want to fail people's expectations on me."

Very well said, Macoy. And keep it up.




(sinulat ni robert silverio)

photos courtesy of Mr.Macoy Mendoza's fb page.***



from left to right: jobert sucaldito, ahwel paz, behnee saturno, macoy,  mr. mendoza (macoy's dad) and maine nieto.

maine nieto and macoy

macoy when he guested at cristy fermin's radio show

macoy and his loving friends




PWEDE KAYA, MACOY MENDOZA.... PWEDE KAYA?

MACOY WITH MANAGERS MAINE (first from left) and JOBERT (fourth from left) and OTHER FRIENDS




PWEDE KAYA, MACOY MENDOZA...

NA MAGING KAIBIGAN KA LANG?

DAHIL KASE, ANG PUSO KO'Y NAKATALI NA

AT ALAM KO, PARA SA 'YO, AKO'Y ISANG KAKILALA LAMANG...

KAHIT BA,

HINDI MO MAN MALAMAN,

SA UNANG PAGKIKITA PA LAMANG,

IKA'Y TUMUSOK NA

SA DAMDAMIN AT ISIPAN.



PWEDE KAYA, MACOY MENDOZA?

NA KAHIT PAPA'NO, MULA SA MALAYO, IKAW AY AKING SUPORTAHAN?

SA PAMAMAGITAN NG AKING MGA PANULAT?

DAHIL DU'N LANG, SASAYA NA AKO...

PWEDE KAYA?



PWEDE KAYA, MACOY MENDOZA...

NA IPAGDASAL ANG IYONG MGA PANGARAP?

AT KUNG MAY IBA KA NANG MINAMAHAL,

SANA, OO, SANA...

HINDI KA PA RIN MAGIGING MARAMOT

NA I-SHARE SA LAHAT ANG MGA AWITIN MO-

DAHIL DOON LAMANG

KAMI'Y LILIGAYA NA.



"PWEDE KAYA" NI MACOY MENDOZA, MULA SA LYRICS AT KOMPOSISYON NI MR. VEHNEE SATURNO.


NOW DIGITALLY-RELEASED IN SPOTIFY AND YOUTUBE.COM.


THE FIRST BIG THING ON THE MONTH OF JANUARY 2019. TARA NA, TANGKILIKIN NATIN ANG KANTANG "PWEDE KAYA?"!!!!





(sinulat ni robert manuguid silverio)  


MACOY WITH HIS MANAGER MAINE MUSNI NIETO

MACOY WITH BLOGGER ROBERT SILVERIO

MACOY, PWEDE KAYA?






Q & A WITH MACOY MENDOZA! (AN ENCORE BLOG ARTICLE)....


HE IS SWORDSHINES10 VLOG SITE'S BET FOR 2018, ALONGSIDE WITH NIKKI CO.
AND BECAUSE OUR FIRST ARTICLE ON HIM RATED SO GOOD WITH VERY HIGH VIEWS, BELOW IS OUR ENCORE ARTICLE WITH MACOY MENDOZA!
GET TO KNOW MORE ABOUT HIM IN THE Q & A BELOW. READ ON:

macoy: simply young and so handsome.

ROBERT: Ano-ano ang mga next projects mo, Macoy?
MACOY: This coming March magkakaroon po ako ng concert sa Music Museum. Dapat Feb. 12 po ang concert ko. Pero na-move ng March, kasi magbabakasyon kami ng family ko sa Canada sa buwan ng February po, kaya ang balik ko na po ay sa March na.

ROBERT: Saan ka mas at-home, sa Ballad songs, Pop songs, or Jazz?
MACOY: Halos lahat naman type of songs ay at home ako. Pero more on ballad songs at RNB music po ako.



ROBERT: How would you describe Maine Musni Nieto as a co-manager of Jobert Sucaldito in handling you?
MACOY: Maine is bossy but caring, and will push you to do your best. At higit sa lahat, marespeto at mapagmahal na manager.




ROBERT: Paano ka nadiskubre ni Jobert Sucaldito?
MACOY: Magkaibigan kasi sina Tito Alan K. at Nanay Jobert. kaya ko s'ya nakilala.  Nu'ng time na nag-audition ako kay Nanay Maine, dinala nya ako sa bar ni Tito Alan K. sa Klownz. Pinakanta nya ako. Tapos ni-recomend ako ni Nanay Maine kay Nanay Jobert. Tapos, hayun na, nag tuloy-tuloy na po. Hanggang sa nag- guest ako sa concert ni Ate Billy Padillo. Du'n na po nagsimula.

ROBERT: Can u tell us more about the song na iri-release mo this January at magiging first single mo?
MACOY: Sobrang ganda po ng lyrics ng song.  Composed by Tito Vehnee Saturno.  Title po ng song ay- "Pwede Kaya?". Ang story po ng song, may isang binata na may nagugustuhan na girl. Gusto n'ya ligawan pero hindi n'ya alam kung papaano. Tapos 'yung girl na nagugustuhan n'ya, may nagma-may-aari na.





ROBERT:Sino-sino ang mga idolo mo sa mga local at foreign singers?
MACOY: Ang idol ko po na singer ay sina Adele at Bruno Mars.  Sa local naman po ay si Lea Salonga.

ROBERT: Sino naman ang pangarap mong maka-duet someday sa isang major concert?
MACOY: Ang gusto kong maka- duet sa local, si Miss Regine Velasquez and si Leah Salonga. Sa international naman po, si Adele. Bukod sa idol ko si Adele, sobrang gusto ko ang mga kanta nya.

ROBERT: Pangarap mo rin bang umarte someday, bukod sa pagkanta? If ever, saan mo mas gusto, sa channel 7 o sa channel 2?
MACOY: Opo. Mahilig din akong umarte. Minsan nga, pag nasa kuwarto ako ay humaharap ako sa salamin para mag-praktis.  Sa ngayon po, mag-a-acting at dance workshop na daw ako, sabi ni Nanay Maine. Okey po ako kahit saang TV station.  

ROBERT: Last question, sino ang crush mo, Macoy?
MACOY: Si Liza Soberano po. At  si Julia Baretto. Nagsimula ako na magka- crush kay Julia nu'ng napanood ko s'ya sa TV na ang role nya ay isang Babaeng Kahoy.


-----end of interciew-----

MACOY MENDOZA: ANG BAGONG IIBIGIN?

macoy: lovable enough


macoy mendoza with blogger robert at TEAM's x'mas party recently

(macoy's vid above, courtesy of STARSPHOTOG VIDZ, thank you.---rms.*)


Na-meet ng mga TEAM (The Entertainment Arts Media) group of media people si Macoy Mendoza in person nu'ng personal itong bumisita sa kanila, nu'ng nagdaang Christmas Party ng TEAM sa Music 21 KTV Bar. Very impressive si Carlo at napaka-positibo ng aura niya. Mukha ring napakabait na bata. 

Lalo na nu'ng umawit si Carlo ng dalawang awitin para sa mga TEAM members, lalo siyang naging 'kaibig-ibig'. Siya na nga ba ang bagong iibigin?

Haha. Naging 'favorite term' kasi ng mga movie reporters ang katagang BAGONG IIBIGIN, kasi, sa tuwing may bagong guwapong artista o bagong singer, sasabihin nila: ANG BAGONG IIBIGIN!

Anyway, nasa right and proper age na naman si Macoy para ibigin siya ng sinuman. Hindi na siya Menor de Edad. He is already 18 years old, F.Y.I.

"Pero at a very young age of three years old, alam ko na pong hilig ko na talaga ang pagkanta", bungad na sabi ni Macoy nu'ng tabihan at kausapin siya ng isang blogger na miyembro ng TEAM. "Kaso, hindi ko lang pinapakita noon at hindi ko ine-enhance. Pero there came an incident three years ago na napasubo akong kumanta sa harap ng mga kaibigan ko sa isang sing-along bar. Doon nila nadiskubre ang kakayahan ko sa pagkanta.

"You see, Sir, singing is all my life", pagpapatuloy ni Carlo. "In everything I do, singing seems to conquer it- maski naglilinis ako ng room ko, kumakanta pa rin ako. Maski nasa loob ako ng C.R., umaawit pa rin ako. First Love ko po talaga ang singing, eh."

By January of 2019, ire-release na ang single ni Macoy na may pamagat na Puwede Kaya?, at ito ay mula sa komposisyon ni Vehnee Saturno.

"Kaya ngayon pa lang po, ninenerbyos na ako", muling sabi ni Macoy. "Sana po, tangkilikin nila ang very first single ko. Mapapakinggan din po nila 'yun sa lahat ng Digital Platforms once na ma-release na sa January 2019."

Presently, si Macoy ay magkatulungang mina-manage nina Jobert Sucaldito at Maine Nieto. And knowing them, hindi malayong may marating si Macoy sa pagiging singer dahil magagaling mag-manage ng talents sina Jobert at Maine.

As a matter of fact, naka-back-to-back na ni Macoy ang isa pang magaling na singer na walang iba kundi si Kiel Alo sa isang major concert nila sa Teatrino na naganap recently lang bago mag-Pasko.

"Si Kiel Alo po, he's like a brother to me", pagtatapos na sabi ni Macoy. "Parang sinadya na po ng Faith na magkasundo kami ni Kiel. Pati mga Likes and sentiments namin ay pareho. Kaya happy ang feeling ko nu'ng magklasama kami sa isang concert."

Sa muli, tanong namin: SI MACOY MENDOZA NA NGA BA ANG BAGONG IIBIGIN?

Your guess is as good as ours. Welcome to the showbiz world, Macoy Mendoza!!! 






(s written by robert manuguid silverio)


macoy with fellow singer kiel alo

macoy (in yellow jacket) with managers maine nieto (in black and white polo stripes) and jobert sucaldito (in blue polo shirt) and other friends



RUDY JACKSON, MASKI NASA AMERIKA AY NAKAKATANGGAP PA RIN NG MGA BIYAYA NA IBINIBIGAY DIN NAMAN NIYA SA MGA KAIBIGAN NIYA SA PILIPINAS!

SIR RUDY (IN DRAG) WITH A FRIEND NAMED MANNY SIR RUDY WITH HIS MOST INTIMATE FRIENDS SIR RUDY IN HIS NEPHEW'S HOUSE IN THE U.S. EARLY CH...