Ipinapakita ang mga post na may etiketa na POCHOLO MALLILIN. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na POCHOLO MALLILIN. Ipakita ang lahat ng mga post

FORUM: "WHAT'S THE MESSAGE OF COVID-19?" (IMPORTANT PEOPLE FROM ALL WALKS OF LIFE ANSWERS THE QUESTION)....





Nitong mga nagdaang araw at linggo ko lamang natitigan ng husto ang maliwanag na BUWAN sa kalangitan. At sobra akong namangha sa KAGANDAHAN niya. Bago pa man umatake ang Covid-19 Pandemic sa buong mundo, tila may ipinapahiwatig na siya sa akin. Madalas siyang magpakita sa madilim na langit. Minsan, buong-buo. Minsan, kalahati. Minsan naman, parang arko ang korte. Pero lahat ng porma niya at hugis, sadyang ikinahanga ko ng husto.

Parang may gustong sabihin ang BUWAN. Kasi, siya lang naman ang nag-iisang pinakamalapit na kapitbahay ng planetang EARTH o daigdig. Lagi siyang nakabantay sa atin tuwing gabi, kung minsan pa nga, maliwanag na ay makikita mo pa rin siya sa langit. Ganu'n siya katapat para magbantay sa daigdig.

Kasi, ang BUWAN po, siya ay isang SATELLITE din. Kapag isa kang Satellite, ikaw ang pinagkukuhanan ng ENERGY, ng SIGNAL, ng MONITORING FUNCTIONS. Para kang isang cellphone na laging nasa bulsa ng isang nilalang. Nalalaman nito kung nasaan ka, kung sino kausap mo, kung ano ang ginagawa mo. Hindi ka makapagtatago sa isang SATELLITE.

Kaya naman siguro, alam din ng BUWAN na "baby" ng planetang Earth ang nagaganap sa buong mundo ngayon. Nakikita't naririnig niya ang bawat hinaing ng mga tao, ang bawat paghihirap, ang bawat sakripisyo.

OPO, FACEBOOK FRIENDS. SA MANINGNING NA PAGKISLAP NG BUWAN SA LANGIT- OPO, DOON KO NAKITA ANG MENSAHE NG COVID-19 PANDEMIC SA BUONG MUNDO. SA BILOG NA HUGIS NG BUWAN, NALAMAN KO NA HINDI PA RIN MAMAMATAY ANG PAGASA SA PUSO NG BUONG SANGKATAUHAN.

At ngayon, naririto sa ibaba ang sagot ng mga importanteng tao (mga Facebook Friends ko po silang lahat) from all walks of life ukol sa mensaheng nakukuha nila ngayon sa Covid-19 Pandemic. Sinagot nila ang sa FORUM ang katanungang 'WHAT'S THE MESSAGE OF COVID-19?"

Tara na po. Basahin natin isa-isa ang mga kasagutan nila:

DAVID
"The message of Covid-19 is that there will be situations in life where we need to sacrifice our own selfish needs for our own good and the good of the many. The key to beating Covid-19 is cooperation (this is both doing something and not doing anything). The simple act of one person complying with social distancing and staying home would have saved one to hundreds people from the Covid-19 infection. This is not just social etiquette. This is Science. When people really understand and decide to do the right thing, no matter how simple. They've already helped a whole many other people."
DAVID FABROS (PHOTOGRAPHER AND FILM MAKER)
benny
"We need to fight as one. Kailangan Natin lumaban ng sabay sabay para malampasan natin ang krisis na ito.
Sumunod tayo sa inuutos sa atin ng ating pamahalaan na manatili sa ating mga tahanan. Tulungan natin ang mga Frontliners natin. For the People by the People!"
BENNY PADONGAO ANDAYA (TABLOID COLUMNIST)

jonathan
"To take a pause, and breathe to see what we have taken for granted."
JONATHAN IVAN RIVERA (THEATER ACTOR AND MAGICIAN)

jerome
"Positivity... resilience. ❤ Hati man ang paniniwala natin sa pamahalaan, nagkakaisa naman tayo bilang mamamayan ng Pilipinas at mundo. Lahat tayo gusto matapos na ito para makausap muli at bumangon sa pagkakadapa. Marami tayong pagkakamali na pinagdaanan. Sisiguraduhin natin na di na natin uulitin ito. 🙂"
JEROME FERGUSON (THEATER ACTOR)

adriana
"For me there are many messages but if I were to pick THE MOST IMPORTANT ONE it would be: That we have to be VIGILANT, WIDE-AWAKE and CLEAR-SIGHTED: in preparing for ANYTHING and GUARDING OUR SAFETY with an OBJECTIVE VIEW. Compassion must be our constant companion and we have a right to feel indignation, but AN OBJECTIVE and CLEAR-SIGHTED VIEW will enable us to move forward and protect our families and ourselves."
MISS ADRIANA AGCAOILI (CORPORATE EXECUTIVE AND THEATER ICON)
francis
"That no matter what degree of advancement or economic progress man has achieved, a small & trivial particle not even visible to the naked human eye can wreak havoc on all human progress.
God is still the most powerful force in the universe."
FRANCIS MUSNI (HISTORIAN)

hanny
"Be responsible and diligent citizen especially to each other's health. Trust and pray to God. Never forget he's our Creator, our Redeemer and our Salvation."
HANNY SIMON, BLOGGER

aries
"It is actually God's message: REPENT AS I CLEAN YOUR WORLD!"
ARIES SORIANO (INDIE FILM PRODUCER)

dennis
"REPENTANCE!"
DENNIS SEBASTIAN (SOCIAL MEDIA INFLUENCER)


pocholo

"It's the time that Mother Earth gave peace and rest sa sobrang nangyayari sa ating maka-mundong 'mundo'. Hindi ko na isa-isahin ang mga delubyong dumating. Nakalimot na tayo sa Panginoon sa sobrang makabagong technology. Ang pagmamahalan sa pamilya at pagkakaisa ay nawala. Sobrang gahaman sa kapangyahin. Sobrang ganid sa pera at sa walang pusong tumulong sa mga mahihirap. Ang mayaman ay sa mayaman. Ang mahirap ay sa mahirap. Nawala ang pagmamahal natin sa bawat isa. Nawala ang mga 'moral fiber'. Nawala ang mga dignidad at respeto sa Diyos. Nakalimutan natin magbasa ng Holy Bible at magdasal na totoo na hindi pakunwari!"

CARLITO POCHOLO MALLILIN (OWNER OF CLUB MWAH)


evangelist lito

 "BINUO mo yung PAMILYA 👪na minsan lang kumain sa hapag kainan nang sama-sama..
- NAPAPIRMI mo ng BAHAY 🏚🏠 yung mga anak na sakit ng ulo ng kanilang mga magulang sa sobrang layas at gala..👣
- NATUTONG uminom ng calamansi juice o anumang FRUIT/HERBAL JI
UCE yung mga hilig ay softdrinks para lumakas ang immune system..🍊🍉🍋
- NAPADALAS ang KUMUSTAHAN ng mga magkakamag-anak pati na mga magkakaibigan kahit na bawal ang halik o beso-beso..Malayo man o malapit.. 👭👬❤
- Mga may BISYO ng alak, sugal, sigarilyo at droga, ay parang napipigilan mong gawin nila..
- PINAKILALA mo din sa amin kung sinu-sino yung mga TAONG may pusong tumulong at hindi mapagsamantala..

- Sa pamamagitan ng GLOBAL LOCKDOWN, unti-unting nahi -HEAL si MOTHER EARTH 🌏dahil nababawasan ang AIR POLLUTION kasi wala nang halos bumibyaheng smoke belching vehicles 🚗🚛🚐 at temporarily closed factories and other businesses..
- Dahil din sa LOCKDOWN nasolusyonan na ang matagal na problema ng TRAFFIC SA EDSA! Pati ang teleseryeng ANG PROBINSYANO ay tinapos mo na!! 😂
- Madami ang napipilitang MAGLAKAD kasi walang pampublikong sasakyan..🏃🏃
(10,000 steps/day is good for the body).
- Ang gustung-gusto kong ginawa mo ay madami kang tinakot para MAKAREALIZE pano pahalagahan ang KALUSUGAN. Madami na gustong kumain ng gulay at prutas 🍊🍎🍌
- At higit sa lahat, ang dami mong pinaluhod para MANALANGIN sa PANGINOONG DIYOS na lumikha kasi madami nang nakakalimot..🕍😇 At pinaalala samin na YOU ARE IN CONTROL OF ALL THINGS!

COVID-19 kahit nakakatakot ka... kahit bad ka sa katawan ng tao... totoo pala, I SEE THE GOOD IN THE BAD..

Kapag DININIG na ng AMANG DIYOS sa langit ang dasal namin na ALISIN ka na... sana wag mo isama sa pag-alis mo yung mga MAGAGANDANG EPEKTONG dala mo sa buhay namin.

HEAL THE WORLD! 🌐🌏
Bye, COVID-19!
In GOD we TRUST!"


EVANGELIST LITO (DOCUMENTARIST AND PERFORMING ARTS ADVOCATE)



delia

 "Time to stop irrelevant & wrong doings. Clean the earth from being polluted caused by the technology we have at present. And, bring back our hearts to Almighty God if we know we’ve forgotten HIM for quite sometime."

MISS DELIA LANDAGAN (JOURNALIST AND A NORANIAN)


raul



"Bigyan ng panahon ang pagbabasa ng Biblia. Magnilay-nilay. Maging sensitibo sa presensya ng Diyos sa pamamagitan nga ng pagbabasa ng Biblia at iba pang Christian book o religious books related."
RAUL GENEROSO

bryan

 "COVID-19 has so many messages: reflect while so busy making money and living with temptations and sins, repent and live life anew, love to one another and stop hate, stop greed, stop love of power and money and turn back to God."

1


BRYAN RYAN






normita

"WE SHOULD ALL GO BACK TO BASIC. Simple life simple happiness and more importantly continue the faith and give priority to OUR LORD AND SAVIOR."

NORMITA DIMANLIG TY (SPORTS ADVOCATE)



fernando

 "TINAPIK AT GINISING NA TAYO SA KATOTOHANAN!"

FERNANDO DEL VALLE (TALENT MANAGER)


"MaramiNg messages Ang covid-19, pero 'yung naramdaman ko lang- Ang sasabihin ko, rich and poor, may natapos o wala ay parehong apektado lahat. Na-heal na ang ozone layer, no pollution at gumanda na ang Nature. Maraming natutong magkakad, marami ring takot lumabas, marami ring marunong na ngayong magdasal."


jaymarc

JAYMARC ANTHONY ORPILLA (ULTIMATE AJSTERS CLAN)



melchor

"TO STRENGTHEN OUR FAITH IN GOD AND TO VALUE OUR FAMILY AND LOVED ONES AND TO PROTECT OUR MOTHER EARTH...."

MELCHOR OMANITO, JR.



ken

"Now that almost the whole world are engage in great battle to surpass these pandemic, it is a call for unity a call for us to be united. and a call for cooperation as well."

KEN L-VIN



bor

"The inevitable truth of Life and Death. And the Truth of God our Creator. Even we deny God, the Truth of His existence cannot be denied, especially when we face our mortality. But we cannot also deny the Truth that He love us. He showed it to us by giving His own Son to us, Jesus Christ. For us to have life, eternal life, if we believe in Jesus and completely put our trust in Him.

We should humble ourselves to God and accept Jesus to be the Lord and Savior of our life and completely submit and trust Him, before it's too late. This is the best message of COVID-19"


BOR BOR



vic

" For me is awareness in health, broken sched of family get together intimately , loving our neighbors, caring to one another, Close and have time to God"

VIC TIRO DELA CRUZ








WRITTEN AND COMPILED BY: ROBERT MANUGUID SILVERIO































QUESTION AND ANSWER (Q & A) KAY REINHEART MALLILIN, ANG 'VERY EXCELLENT' NA TECHNICAL DIRECTOR NG CLUB MWAH...

DJ REINHEART: THE YOUNG MAN BEHIND THE VERY CRISP AND GOOD SOUND INSIDE CLUB MWAH


DJ REINHEART AT WORK

DJ REINHEART (CENTER) WITH MR. JAY-AR GALIDO, AND A SPECIAL FEMALE FRIEND

THE GREAT AND EXCELLENT TECHNICAL PEOPLE OF CLUB MWAH

MS. TERESA MONTEMAYOR (CLUB MWAH'S ECEVUTIVE STAFF) AND DJ REINHEART

REINHEART: "I BALANCE THE SOUNDS"

DJ REINHEART: THE SON OF CLUB MWAH OWNERS ALSO SHINES!

Lahat ng mga media people- bloggers, writers, tabloid columnists and social media influencers, na naimbita na namin sa CLUB MWAH, lahat sila, iisa lang ang sinasabi: Na napakaganda raw ng tunog at sound na naririnig nila sa loob ng Club Mwah.

"Hindi ganyan kaganda ang tunog sa iba pang concert venues na napuntahan ko na o maski ano pang mga clubs o bars na napasok ko na!", tili ng isang magaslaw na movie reporter.

"It sounds soooo good!", sey naman ng isang sosyalerang blogger. "It very good to the ears!"

"Hindi masakit sa tenga ang sound nila dito sa Club Mwah, ha", sabi naman ng isa pa ring mahiyain namang blogger. "Ang linaw-linaw sa pandinig. Napaka-crispy ng tunog!"

"I love the music, I love the mix, I love everything in the technical aspect!", pahabol namang sabi ng isang supladitong broadsheet writer. "It makes me feel so damn' good!"

So there, iyan lang naman po ang mga nakakataba sa pusong mga compliments ng mga prestigious and legitimate media people na bumibisita paminsan-minsan sa Club Mwah. Kaya naman, minsang ma-korner namin ang very cute, chubby and charming boy na nasa likod ng 'very excellent' sound and technical direction sa Club Mwah, na walang iba kundi si Mr. Reinheart Mallilin, hindi na namin siya pinakawalan pa at mabilisang ininterbyu.

Unang tanong namin kay Reinheart: "Bakit ba ang galing-galing mo as a technical director? Ano'ng sikreto mo? Bakit ang ganda-ganda ng tunog ng mga musika at kanta  dito sa Club Mwah?"

Napangiti lang in a very boyish manner si Reinheart. At napaka-simple lang ng kanyang sagot: "Nasa tao lang po 'yun. Nasa tamang diskarte lang po sa pagtimpla ng mga tunog sa mixing. Hehehehe."

Pero dahil bitin kami sa naisagot na iyon ni charming boy Reinheart, inupuan na namin siya for a Q & A (Question & Answer) interview. Heto po sa ibaba ang aming Q and A with Mr. Reinheart Mallilin, the young man behind the excellent sound system and great technical aspects at Club Mwah:

ROBERT: Reinheart, can you further elaborate about your technique in delivering good sound at Club Mwah? How would you describe it?

REINHEART: Actually, to be honest Sir Robert, it's HARD. It takes time po talaga. For you to attain perfection towards something, you go through a hard process but a very fulfilling one. I guess po, Sir Robert, it's all in the mixing of the sound and my own creative style of doing it. Dapat, malakas ang power of SENSE ko. I have to balance the hearing and the talking of the people inside Club Mwah. Gusto ko kasing mangyari, kapag nasa loob na sila ng Club Mwah, maski may music all-over na naririnig, ay nakakapag-usap pa rin sila ng maayos at hindi 'yung tipong nagsisigawan na para makapag-usap ng maayos. What I want is, they can still converse to one another even when there's already a music or a show going-on. Nakikita ko kasi sa iba, itinatapat na sa tenga nu'ng kausap niya para magka-rinigan lang sila. Dito po sa Club Mwah, ayokong mangyari ang ganu'ng discomfort sa mga guests namin. That's why I balance our sound system. I mix it well. I balance hearing and talking. The result, I found out later, was very comfortable to all of our guests who are visiting at the club.

ROBERT: What made you come-up with that great idea, Reinheart? It really fascinated me now!

REINHEART: Naobserbahan ko lang po kasi iyan through some Test and Trial method. Napapansin ko, sa mga guests namin sa Club Mwah, ayaw nila ng 'too noisy' or 'too loud' na mga tunog. Nai-irritate sila sa gano'n. Ayaw nila ng masyadong mayabang ang dating ng tunog na halos ikabasag na ng mga eardrums nila. Napansin ko lang talaga iyan. Kaya ang ginawa ko, I adjusted the volume of the sound, I mixed it well- and the result- naging very crispy po ang tunog ng sound system namin inside the club.

ROBERT: Perfect! But I guess, baka nakatulong ang pagiging 'high end' ng mga sound equipments ninyo sa Club Mwah?

REINHEART: All sound equipments po are one and but the same. And all suppliers of sound system equipments are also one and the same din. IIsa lang po talaga, pati brands, names, or whatever. Kaya nga gaya po ng nabanggit ko kanina, nasa tao lang po talaga. It's all up to the people who executes the sound. Actually nga, Sir Robert, 'yung mga sound equipments namin dito sa Club Mwah ay more than 10 years na. Hehehehe. Kaya lang, hindi siya ganu'n ka-gasgas pa kasi name-maintain namin ng maayos at inaalagaan talaga namin ang mga equipments namin dito. Hindi po namin sila inaabuso. Kaya ganu'n, maski ilang taon na 'yung mga gamit, parang bago pa rin ang mga tunog, pati ang mga naglalakihang mga speakers namin dito. In the end, nagkakatalo lang talaga sa technical people. Kapag honest and sincere ang mga technical people mo at may malasakit sa mga gamit mo, magtatagal 'yung quality. I-maintain mo lang mula umpisa hanggang dulo. kapag may kaunting malfunction, i-adjust mo lang para hindi mahalata.

ROBERT: What are your favorite production numbers at Club Mwah? 'Yung tipong natsa-challenge ka ng husto para mas pagandahin pa ang sound? And also, pagdating sa mga outside shows, ikaw pa rin ba ang nag-aayos ng sound?

REINHEART: Sa ngayon, ang gusto ko ay 'yung VOGUE production number nila dito, at saka 'yung mga Brazilian-inspired productions numbers nila. Ang sarap kasing paglaruan nu'ng sound sa mga numbers na iyon, parang nakikiayon sa mga costumes and movements and light-effects. Pagdating naman sa mga outside shows ng Follies de Mwah, hindi na po ako ang may hawak nu'n. Kadalasan kasi, sa mga outside shows, especiallly sa mga out-of-town events and invites, may sarili nang mga tao 'yung mga kompanyang nag-imbita. I mean, they have their people na on the technical side. Ang ginagawa ko na lang, nagga-guide na lang ako duon sa mga tao nila. Kapag may mali, doon na lang ako pumapasok. Pag nakialam kasi ako ng husto, mahirap. Magkakaroon pa ng misunderstanding. 
                          
Kapag mga foreigners ang nag-imbita sa amin, wala akong ka-worry-worry. Kasi, ang gagaling ng mga foreigners pagdating sa sound and other technical aspects. One week kasi ang preparations nila, kaya naayos ng maganda. Hindi katulad kapag local lang ang nag-invite, bara-bara na lang at walang masyadong preparasyon. But Club Mwah's Follies de Mwah were known to be world-class in its performances, kaya sana naman, paghandaan nila ng maganda at maayos ang sound at iba pang mga teknikal na aspeto.

ROBERT: Pero Reinheart, paano ba nag-umpisa ang lahat sa pagiging magaling mong technical director sa Club Mwah?

REINHEART: After I graduated from College, I decided to pursue my passion as a DJ. That was year 2015. Soon after, nagkaroon naman ako ng mga disc-jockeying jobs at doon ko na natutunan ang pag-aayos sa sound kasi it's part of your job as a DJ, ikaw nagpapatakbo ng tunog sa mga bars and clubs. Self-study lang po ang lahat. Natuto lang ako sa sarili ko. Later on na lang ako kinuha ng parents ko dito sa Club Mwah. Nu'ng minsan nga, naging dancer din nila ako. pero mas may passion ako sa technical aspects, eh. Kaya hayun, dito na ako inilagay ng parents ko sa DJ part and sound and other technical aspects ng aming club. By the way pala, Sir Robert, let's also credit my partner here sa technical direction sa Club Mwah. He is Mr. JAY-AR GALIDO. Kaming dalawa talaga, to be honest, ang nasa likod ng magandang sound system dito sa loob ng Club Mwah.

ROBERT: One final question to you, Reinheart. How would you really describe all the great fabulous numbers here at Club Mwah?

REINHEART: They are so good, amazing, kakaiba talaga. Walang ganito sa Pilipinas, dito lang talaga sa Club Mwah sila makakapanood ng mga ganoong uri ng mga shows. Pero 'yung standards niya, comparable to the standards of Las Vegas and the U.S.A. Kaya naman talagang award-winning kami. Maraming salamat po sa lahat ng mga taong patuloy pa ring sumusuporta sa aming club!


(SO THERE. ANG GALING SUMAGOT NI REINHEART, HA, SIRS CRIS AND POCHOLO. PINABILIB NIYA KAMI! MABUHAY ANG CLUB MWAH!!!!--rms).***



----(end of interview)------





"Sayang naman kung hindi ko ipagpapatuloy ang talentong ibinigay sa akin ng Diyos"--- CRIS NICOLAS



ms. nicolas (far left), with a follie de mwah dancer and mr. pocholo mallilin

club mwah and cris nicolas: the soul and the creator




Sobrang nakakamangha. Iyan ang impresyon na iniwan sa amin ng mga bagong production numbers na masasaksihan sa de-kalibre at world-renowned na classy club- ang CLUB MWAH. And to be among the very distinguished visitors and audience na 'capture crowd' ng sozy club na ito, tunay naman pong nakakataba ng puso.

Sa taong 2020, napansin pa namin, mas lalong naging SOSYAL ang pagtatanghal nila. Mas lalong naging creative, high end, and expensive in taste. Ayaw talagang paawat ni Ms. Cris Ncolas sa paglikha ng isang tunay na 'legit' performance o pagtatanghal sa club nila.

To think, iisang tao lang talaga ang nasa 'creative process' ng lahat ng mga detalye sa shows nila. Dahil si Ms. Nicolas din ang direktor, choreographer, costume designer at set designer ng lahat ng CLUB MWAH shows. Kaya once again, we say, tunay ngang nakakamangha.

"Sayang naman kung hindi ko ipagpapatuloy ang talentong ibinigay sa akin ng Diyos", pabungad na naging tugon sa amin ni Ms. Nicolas sa isang impromptu interview. "Kung titigil na lang ako at magpapahinga, ano'ng mangyayari? Eh, ang lawak-lawak pa ng mga ideas ko. Makarinig lang ako ng isang magandang musika, aandar na ang mga imahinasyon ko. At hindi ako makukuntento hangga't hindi ko nae-execute ang mga ideas ko.

"And now that Club Mwah's audience is capturing the hearts and minds of the Millenials, mas lalo pa tuloy ako ngayong natsa-challenge", naging pagpapatuloy ni Sir Cris. "Naisip ko naman this time, puro classy production numbers naman ang gagawin ko for 2020. 'Yung tipong hip-hop ang dating na babagay sa conservative taste ng mga mature audiences namin. Kaya ang ginawa ko, sexy na hiphop numbers na classy ang taste. Tulad ng Vogue production number namin at ng Rolling In The River song na binigyan ko ng kakaibang look and movements."

Kaya maski ba na-heart bypass operation na si Sir Cris, 'yung kakaibang energy niya ay hindi pa rin nawawala. She performs with so much intensity and zest.

"Performing is my life, and I won't replace it with anything else in this world", muli pang sabi ni Sir cris. "Kung minsan nga, ang clamor and requests ng mga audiences namin sa outside bookings ay ako na lang daw ang solo na mag-perform. But I will insist them, dapat kasama ko ang buong Follies de Mwah. Minsan lang akong nag-perform ng solo sa labas dahil hindi ko matanggihan ang hiling ng isang malapit na kaibigan. Gusto niya talaga, ako lang ang solong mag-perform, kaya para hindi siya magtampo, pinagbigyan ko na.

"It's all a collaborative effort naman, eh, and I can't say na ako lang ang dapat i-credit sa ganda ng shows and performances namin", dugtong niya. "Nariyan sina Koko Artadi at iba pang mga loyal na Follies ko who stood by us through thick and thin. Ang masaklap lang, duon sa iba na naglakihan agad ang mga ulo, biglang lilipat sa ibang bars. Pagkatapos mo silang turuan, ihasa na maging total performer, kukunin nila ang ang mga ideas mo at magsasalita pa ng laban sa iyo. At may isang gay bar diyan, panay ang pirata sa mga Follies ko. Nakakapika na kung minsan, pero wala akong magagawa. That's life. Basta ang masasabi ko lang, iba pa rin ang crowd ng Club Mwah dahil desente ang mga palabas namin at walang mga naghuhubad na mga kalalakihan sa mga pagtatanghal namin. Lalong walang macho dancer sa club namin!

"Just recently, may isa akong miyembro sa Follies na naging pasaway. Maski may show kami, duon siya pupunta sa mga raket niya sa labas. Kaya sabi ng mga loyal Follies ko, tanggalin ko na lang daw. Sobrang nag-iinarte na, eh. Kailangan pa, sinusundo siya. Masyado nang pa-importante. Iyan lang kung minsan ang masasakit na bagay na nangyayari sa isang tulad kong nagte-train sa mga aspiring performers", naging pahayag pa ni Sir Cris.

But many good things are now coming along the way with Club Mwah at sa mundo ng isang alagad ng sining sa katauhan ni Cris Nicolas.

"Magkakaroon na ng kapatid ang Club Mwah, at ito ang Comico Bar", sabi ni Sir Cris. "Baka magkaroon na kami ng soft opening sa second or third week ng February. At ang grand opening naman ay sa unang linggo ng buwan ng Marso. Comico bar is a comedy bar, but we will also have regular performers there. Gagawin naming desenteng comedy bar ito.

"And of course, hindi kami nauubusan ng mga outside shows and out-of-town invites", pagtatapos na wika ni Sir Cris. "Lumalawak na kasi ang audiences namin. And to my surprise, pati mga Millenials ay na-appreciate na ang high-end kind of shows. Kaya naman I am glad na hindi nasayang ang lahat ng efforts ko."

Go for gold, Sir Cris!





(sinulat ni robert manuguid silverio)
club mwah video above, courtesy of mr. evo joel contrivida of evoandgrace blog site.***

cris nicolas captivates

cris nicolas shines

crisnicolas in a heavenly production number at club mwah

cris nicolas in red

cris nicolas in silver

cris nicolas in a funny production number

cris and the follies in green

cris nicolas and the follies de mwah

Add caption

RUDY JACKSON, MASKI NASA AMERIKA AY NAKAKATANGGAP PA RIN NG MGA BIYAYA NA IBINIBIGAY DIN NAMAN NIYA SA MGA KAIBIGAN NIYA SA PILIPINAS!

SIR RUDY (IN DRAG) WITH A FRIEND NAMED MANNY SIR RUDY WITH HIS MOST INTIMATE FRIENDS SIR RUDY IN HIS NEPHEW'S HOUSE IN THE U.S. EARLY CH...