"Sayang naman kung hindi ko ipagpapatuloy ang talentong ibinigay sa akin ng Diyos"--- CRIS NICOLAS



ms. nicolas (far left), with a follie de mwah dancer and mr. pocholo mallilin

club mwah and cris nicolas: the soul and the creator




Sobrang nakakamangha. Iyan ang impresyon na iniwan sa amin ng mga bagong production numbers na masasaksihan sa de-kalibre at world-renowned na classy club- ang CLUB MWAH. And to be among the very distinguished visitors and audience na 'capture crowd' ng sozy club na ito, tunay naman pong nakakataba ng puso.

Sa taong 2020, napansin pa namin, mas lalong naging SOSYAL ang pagtatanghal nila. Mas lalong naging creative, high end, and expensive in taste. Ayaw talagang paawat ni Ms. Cris Ncolas sa paglikha ng isang tunay na 'legit' performance o pagtatanghal sa club nila.

To think, iisang tao lang talaga ang nasa 'creative process' ng lahat ng mga detalye sa shows nila. Dahil si Ms. Nicolas din ang direktor, choreographer, costume designer at set designer ng lahat ng CLUB MWAH shows. Kaya once again, we say, tunay ngang nakakamangha.

"Sayang naman kung hindi ko ipagpapatuloy ang talentong ibinigay sa akin ng Diyos", pabungad na naging tugon sa amin ni Ms. Nicolas sa isang impromptu interview. "Kung titigil na lang ako at magpapahinga, ano'ng mangyayari? Eh, ang lawak-lawak pa ng mga ideas ko. Makarinig lang ako ng isang magandang musika, aandar na ang mga imahinasyon ko. At hindi ako makukuntento hangga't hindi ko nae-execute ang mga ideas ko.

"And now that Club Mwah's audience is capturing the hearts and minds of the Millenials, mas lalo pa tuloy ako ngayong natsa-challenge", naging pagpapatuloy ni Sir Cris. "Naisip ko naman this time, puro classy production numbers naman ang gagawin ko for 2020. 'Yung tipong hip-hop ang dating na babagay sa conservative taste ng mga mature audiences namin. Kaya ang ginawa ko, sexy na hiphop numbers na classy ang taste. Tulad ng Vogue production number namin at ng Rolling In The River song na binigyan ko ng kakaibang look and movements."

Kaya maski ba na-heart bypass operation na si Sir Cris, 'yung kakaibang energy niya ay hindi pa rin nawawala. She performs with so much intensity and zest.

"Performing is my life, and I won't replace it with anything else in this world", muli pang sabi ni Sir cris. "Kung minsan nga, ang clamor and requests ng mga audiences namin sa outside bookings ay ako na lang daw ang solo na mag-perform. But I will insist them, dapat kasama ko ang buong Follies de Mwah. Minsan lang akong nag-perform ng solo sa labas dahil hindi ko matanggihan ang hiling ng isang malapit na kaibigan. Gusto niya talaga, ako lang ang solong mag-perform, kaya para hindi siya magtampo, pinagbigyan ko na.

"It's all a collaborative effort naman, eh, and I can't say na ako lang ang dapat i-credit sa ganda ng shows and performances namin", dugtong niya. "Nariyan sina Koko Artadi at iba pang mga loyal na Follies ko who stood by us through thick and thin. Ang masaklap lang, duon sa iba na naglakihan agad ang mga ulo, biglang lilipat sa ibang bars. Pagkatapos mo silang turuan, ihasa na maging total performer, kukunin nila ang ang mga ideas mo at magsasalita pa ng laban sa iyo. At may isang gay bar diyan, panay ang pirata sa mga Follies ko. Nakakapika na kung minsan, pero wala akong magagawa. That's life. Basta ang masasabi ko lang, iba pa rin ang crowd ng Club Mwah dahil desente ang mga palabas namin at walang mga naghuhubad na mga kalalakihan sa mga pagtatanghal namin. Lalong walang macho dancer sa club namin!

"Just recently, may isa akong miyembro sa Follies na naging pasaway. Maski may show kami, duon siya pupunta sa mga raket niya sa labas. Kaya sabi ng mga loyal Follies ko, tanggalin ko na lang daw. Sobrang nag-iinarte na, eh. Kailangan pa, sinusundo siya. Masyado nang pa-importante. Iyan lang kung minsan ang masasakit na bagay na nangyayari sa isang tulad kong nagte-train sa mga aspiring performers", naging pahayag pa ni Sir Cris.

But many good things are now coming along the way with Club Mwah at sa mundo ng isang alagad ng sining sa katauhan ni Cris Nicolas.

"Magkakaroon na ng kapatid ang Club Mwah, at ito ang Comico Bar", sabi ni Sir Cris. "Baka magkaroon na kami ng soft opening sa second or third week ng February. At ang grand opening naman ay sa unang linggo ng buwan ng Marso. Comico bar is a comedy bar, but we will also have regular performers there. Gagawin naming desenteng comedy bar ito.

"And of course, hindi kami nauubusan ng mga outside shows and out-of-town invites", pagtatapos na wika ni Sir Cris. "Lumalawak na kasi ang audiences namin. And to my surprise, pati mga Millenials ay na-appreciate na ang high-end kind of shows. Kaya naman I am glad na hindi nasayang ang lahat ng efforts ko."

Go for gold, Sir Cris!





(sinulat ni robert manuguid silverio)
club mwah video above, courtesy of mr. evo joel contrivida of evoandgrace blog site.***

cris nicolas captivates

cris nicolas shines

crisnicolas in a heavenly production number at club mwah

cris nicolas in red

cris nicolas in silver

cris nicolas in a funny production number

cris and the follies in green

cris nicolas and the follies de mwah

Add caption

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

RUDY JACKSON, MASKI NASA AMERIKA AY NAKAKATANGGAP PA RIN NG MGA BIYAYA NA IBINIBIGAY DIN NAMAN NIYA SA MGA KAIBIGAN NIYA SA PILIPINAS!

SIR RUDY (IN DRAG) WITH A FRIEND NAMED MANNY SIR RUDY WITH HIS MOST INTIMATE FRIENDS SIR RUDY IN HIS NEPHEW'S HOUSE IN THE U.S. EARLY CH...