michael: carefree kid no more |
michael: the hesitant actor |
michael bares... his talent and his soul in "maynila: sa mga kuko ng liwanag" (play version) |
young bembol rocco in "maynila: sa mga kuko ng liwanag" |
Early this year pa lamang ay nalaman o nahulinigan na namin ang proyektong ito. Na tunay naman naming ikinagalak at ikinatuwa. Kay direk Frannie Zamora, isa sa mga respetadong direktor ng teatro sa Gantimpala Theater Foundation, una naming nalaman ang balitang ito. Pero sabi ni direk Frannie nuon sa amin, tahimik na lang muna at huwag ipagkalat ang proyektong dula na iyon na kung saan ay muli daw nilang kukunin ang serbisyo ni Michael Pangilinan bilang bidang aktor doon at ang magdidirek ng dula ay walang iba kundi si Joel Lamangan, ang mismong Artistic Director ng Gantimpala.
Opo, ito ang proyektong Maynila: Sa Mga Kuko Ng Liwanag (The Musical). Bale pagsasa-dula iyon ng klasikong pelikula ni Lino Brocaka (isang National Artist for Film na yumao nuong Dekada 1980's). Isang napakagandang proyekto, na hindi man natin masasabing komersyal ang dating (dahil karamihan sa mga Young Millenials ngayon ay hindi na alam ang klasikong pelikulang Maynila: Sa Mga Kuko Ng Liwanag), makapagdudulot naman ng kakaibang sigla at lalim sa muli, sa mundo ng teatro at pagtatanghal.
Naaalala pa namin, nuong mabanggit namin ito kay Jobert Sucaldito early this year, naging tuliro agad ang isipan at diwa ng pamosong manager na iyon ni Michael Pangilinan. Sabi pa ni Jobert nuon sa blogger na ito:
"Naku, Robert, ang hirap gawin niyan, hindi ko agad masasabi sa iyo kung kaya namin ni Micahel na gawin iyan!", sabi pa ni Jobert nuon na tila umaarte lang sa aming harapan. "Pero flattered ako at si Michael ang gusto nila para diyan. But I can not commit at this point in time. Michael is fully-booked until the year 2017!"
But that was early this year pa of 2016. Along the way, a lot of things have changed. At tila umubra ang kakaibang "convincing power" ni direk Joel Lamangan (sino ba naman ang hindi tatanggi sa magaling na direktor na ito?) para sa mga taong involved sa career ni Michael. Kaya naman nu'ng matagal naming makatabi at makapiling si direk Joel sa Full Force concert ng Gantimpala sa The Library, month of October this year, sinugurado na ni direk Joel sa amin na tuloy na ang dulang Maynila: Sa Mga Kuko Ng Liwanag, at nag-commit na rin daw sa kanya si Michael Pangilinan.
"Oo, Robert, tuloy na tuloy na talaga ang Maynila", sinigurado iyon sa amin ni direk Joel. "Yan ang next project na gagawin ko sa Gantimpala. At si Michael Pangilinan talaga ang first and last choice ko para gumanap sa papel ni Bembol Rocco sa klasikong pelikula na iyon na gagawin kong isang musical play this time."
Tailor-made daw kasi para kay Michael ang role nung bidang lalaki roon. Walang iba pa na puwedeng gumanap roon, aside from Michael and Bembol Rocco (we mean, the young Bembol Rocco).
Nang makausap naman ng isang blogger si Michael sa nagdaang birthday concert niya sa Rajah Sulayman Park, tila nakitaan ng nerbyos si Michael.
"Kinakabahan po ako, first time akong maidi-direk ni Joel Lamangan, kaya talagang nakaka-nerbyos po!", sabi ni Michael sa blogger na iyon. "Sa totoo lang po, ayaw ko na sanang gumanap pang muli sa isang stage play dahil mas at home ako bilang isang singer lang, pero si Nanay Jobert, hindi raw niya matanggihan sina direk Joel at ang Gantimpala. Kaya sige po, gagalingan ko na lang and I hope, I won't fail their expectations."
Abangan na lang natin ang mga susunod pang kabanata. Michael Pangilinan always offers us great surprises. Hindi ba?
(sinulat ni robert manuguid silverio)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento