KIEL ALO AT EZEKIEL: HINDI NAGPADAIG KAY DESSA SA NAKARAANG CONCERT NILA...


kiel and ezekiel with friends at their last concert gig


kiel: so manly

ezekiel: so boyish




Buong-buo ang tinig ni Kiel Alo, talagang nanggagaling sa puso, samantalang itong si Ezakiel naman, precise and very clear-sounding ang timbre ng boses. Parehong panalo. At iyan ang naging obserbasyon ng isang blogger sa nagdaang concert nina Kiel at Ezekiel sa Music Box last July 29, 2017.

Gustong-gusto rin namin ang boyish moves ni Ezekiel, para siyang baby doll na kay sarap akapin at alagaan. Samantalang si Kiel naman, very manly ang dating at tunay na nakakaagaw-pansin.

Napakagaling man ni Dessa nuong gabi na iyon, hindi naman nagpadaig sa kanya sina Kiel at Ezekiel. Lalo na nung kinanta ng mga ito ang FINALE SONG NUMBERS NILA.

YES, TINITIYAK NAMIN, ANG DALAWANG ITO NGA ANG SUSUNOD SA MGA YAPAK NI MICHAEL PANGILINAN.

GALINGAN NYO PA MORE, KIEL AT EZEKIEL!!!--- (written and blogged by: robert silverio)


ANYWAY, NASA IBABA ANG FB POST MISMO NG MANAGER NILANG SI JOBERT SUCALDITO UKOL SA PAGIGING PROUD MAMA NITO SA NAKARAAN NILANG KONSIYERTO:

"Can't be prouder of my two new artists - KIEL ALO and EZEKIEL HONTIVEROS! I was extremely surprised by your splendid performance sa Music Box last night. Di ko akalaing maitawid ninyo nang maayos ang back-to-back concert ninyo. First time kong narinig ang full Spanish version ng Despacito kay Kiel. Puwede ka nang pakawalan Kiel anak dahil malayo na ang nilakbay ng kahusayan mo sa pag-awit. Laki rin ng improvement ni Ezekiel - from being parang tuod before dala ng sobrang pagkamahiyain ay unti-unti ka nang lumalabas sa comfort zone mo. Boses kung boses talaga. Konting hasa pa puwede na kitang ilaban nang sabayan sa mahuhusay nating male singers. Ang lamang mo sa karamihan sa kanila ay magaling ka at guwapo and no doubt pa na lalaki ka talaga. Lalaking tunay. Ha! Ha! Ha!
Oh my Dessa. Halimaw ka talaga sa stage anak. You made me so happy last night. Miss na miss kita sobra and alam mo iyan. Isa ka sa original babies namin - Backroom days pa natin. Alam mo naman that my favorite song of you ay ang Superwoman. Ibang klase ka - lalong bumuo at gumanda ang boses mo.
Kaya naman kampante ako sa tugtugan dahil di lang basta guwapo ang musical director kong si Ivan Lee Espinosa - napakahusay talaga sa keys. Kahit wala silang rehearsal ni Dessa ay di halata. Ganyan kataas ang tiwala ko kay Ivan that's why suki ko siya ever since. Labyu, Ivan anak.
Siyempre, di rin ako binigo ng iba pa naming mga anak-anakang performers. Nandoon ang napakasayang The Pink Mannequins na kahit kasabay ng anniversary ng Club One 690 ay naisingit nila ang guesting nila sa amin. Also, ang front act naming si Em-em Madrigal na finalist sa That's My Tomboy ay nagpakitang-gilas din. Guwapong tongril naman nito. Akala ng mga baklitang reporters ay lalaki - nagulat sila, tombs pala. Mwah!
Eh humabol sina Boobsie Wonderland, Beki Belo and Prima Diva Billy. Natural, di sila nakaligtas sa amin - pinaakyat namin sa stage para makigulo. Sobrang saya. Ha! Ha! Ha!
Parang reunion ng malalapit na magkakaibigan at kamag-anakan ang nangyari last night. Nandoon ang mga closest of friends namin - sina kaibigang Joel Cruz of Aficionado Germany Perfume na as always - very generous talaga; ang mag-asawang Nixon and Adela Teng who have always been very supportive sa lahat ng projects namin; sina Nay Jojit de Nero and Jubal Ayo na isang tawag ko lang ay di ako pinahihindian dahil sobrang nagmamahalan kami; ang long-lost priest friend kong si Fr. Eric Luzung na ka-table ko almost the whole night - thanks for the blessings Fr. Eric; sina Mommy Genesis Gallos and Madam Chiqui who came with the other Pink Mannequins and boys to give us the much-needed moral support; ang sobrang mabait na may-ari ng Music Box na si Boss Wawi de Dios and baby kong si Danjosh Zacarias na palaging bukas ang venue nila para sa amin - thanks a million!; ang best friend for life kong si Papa Ahwel Paz na talagang sarap ng kuwentuhan namin with Prima Diva Billy and Kiel Alo; Roel Caba of the Philippines with Otic the great; ang superstars nating sina Boy de Leon and Edgar Gomez na palagi kong nami-miss; ang anak kong si Douglas Brocklehurst who checked kung ayos na ba ang production side ng show; ang mga anak-anakan natin sa media like Dominic Rea na maaga pa lang ay kasama ko na sa rehearsals till the end of the show kahit may morning flight pa siya pa-Mindanao para sa libing ng kaniyang pinsan- rk villacorta with some bloggers who have always been very supportive- boy romero na inasikaso ang ibang mga press friends natin - si tito bong de leon ay nandoon din, so were beth gelena, blessie cirera, linda cabuhayan, anthony solis, who else? Sorry kung may nakaligtaan ako ha.
Basta to everyone including siyempre the staff ng Music Box, maraming-maraming salamat sa inyong lahat. Nakisama pa ang panahon - di umulan the whole time during the concert, di ba? Thank you Lord God for giving us the chance na makapagpasaya ng mga tao sa event naming ito - and to those who sponsored the concert, maraming-maraming salamat. Till our next show. Mwah!"---- jobert sucaldito
jobert sucaldito

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

RUDY JACKSON, MASKI NASA AMERIKA AY NAKAKATANGGAP PA RIN NG MGA BIYAYA NA IBINIBIGAY DIN NAMAN NIYA SA MGA KAIBIGAN NIYA SA PILIPINAS!

SIR RUDY (IN DRAG) WITH A FRIEND NAMED MANNY SIR RUDY WITH HIS MOST INTIMATE FRIENDS SIR RUDY IN HIS NEPHEW'S HOUSE IN THE U.S. EARLY CH...