Napakaganda ng mensaheng ipakikita sa Short Film na "Patawad", isa sa mga pinalad na mga short films na nakasali at mai-screen this coming August 6, 12 noon sa Gawad Alternatibong Pelikula at Video sa Cinemalaya 2017.
Isa ang "Patawad" sa mga napili mismo ni direk Carlos Siguion-Reyna, head ng Cinemalaya Foundation para sa Gwad Alternatibong Pelikula at Video. Two years ago, napasali din ang isa pang Short Film ni direk Arnel- ang "Te Amo" dito sa Gawad Alternatibong Pelikula at Video.
Ang mensahe ng pelikulang "Patawad" ay napakaganda- ukol sa pagmamahal na naglaho sa pagdaloy ng panahon. Ukol sa isang lalaking nagkasakit at inapi-api ng kanyang babaeng kabiyak. medyo Anti-feminist man ang dating ng pelikula, makatotohanan naman at very relevant.
RHOMMEL BERNARDO |
Napakagaling ng acting dito ni Rhommel Bernardo. At ang direksyon ni direk Arnel ay napaka-pilido. Panoorin ninyo AT TIYAK NA MAGAGANDAHAN KAYO.
Anyway, heto lang ang masasabi ni direk Arnel:
"Proud ako sa pelikulang ito", anya pa. "May puso, may kalidad at may mensaheng pinapakita."
Tara na, panoorin natin sa Cinemalaya 2017 at Cultural Center of the Philippines, sa Linggo, Agosto 6 at sa ganap na alas-dose ng tanghali ang Short Film na "PATAWAD".
Congrats direk :)
TumugonBurahin