aklas with two pretty women- mary seng and kali alaia in one event function |
aklas, blogger robert, shanti dope and a beat boxer (photo credits: HOMER OCLARES) |
aklas: true music artist |
aklas with friends like shanti dope |
aklas in a flip top battle versus loonie |
aklas: dark but not evil |
Sa totoo lang, nu'ng mapakinggan namin ang awitin ni AKLAS na may pinamagatang Panaginip ng Alikabok, nangilabot kami sa ganda nu'ng awitin. Kakaiba sa aming pandinig. Dark nga ang theme, pero pagkatapos naming mapakinggang maige yung kanta, gumaan naman ang feeling namin. Sinundan pa 'yun ng isa pang kanta niya- ang Bangungot- aba, gandang-ganda rin kami sa beat! Kakaiba. Na-curious kasi kaming pakinggan ang mga awiting ito dahil sinabi mismo sa amin ni Aklas na pakinggan namin ang mga kanta niyang iyon sa Youtube.Com. At hindi naman kami nagsisi.
Minsan, nakapanayam namin si Aklas sa hindi inaasahang pangyayari. Siya 'yung tipo ng isang artist na NAPAKABAIT in person, napaka-warm and friendly, pero natural na natural. Maganda ang P.R. niya sa media pipol at lagi lamang siyang nakangiti. Isang magandang aspeto sa kanyang pagkatao na kinalugdan maige ng isang blogger.
"Actually galing muna ako sa isang banda bago ako pumasok as a solo artist", bungad na wika ni Aklas sa isang blogger. "Mga taong 2003 to 2008 'yun. Pero na-disband yung banda namin soon after kaya napag-isipan ko, mag-solo na lang ako."
Pero ang pagpasok ni Aklas sa mundo ng rap at fliptop ay pawang mga aksidente lamang.
"Gig lang iyon ng isang friend ko", sabi ni Aklas. "Nu'ng una Poetry lang, walang beat. Until later on, natuklasan ko ang melody at ang rhythm. From thereon, mas lumalim na ang pagiging isang musical artist ko."
Ilan sa mga unang nilikhang mga awitin ni Aklas ay ang Panaginip ng Alikabok, Kalaban, Bangungot, at marami pang iba. Madalas din siyang sumali sa mga FlipTop battles na mga gigs. Yung mga Makatang nagde-debate sa stage- 'yun ang tinatawag na Flip Top Battles.
"Malakas po ang audience ng Flip Top Battles, na-overtake na ang mga banda", sabi ni Aklas, who is Philip Ching in real life. "Mas dinudumog kami ng mga tao sa Flip Top."
Nakapag-tour na sa Eastern Visayas at Palawan si Aklas dahil sa kanyang galing sa pagkanta at pag-rap.
"Pero minsan, nagpunta ako sa Bulacan, tinaboy ako!", kuwento ni Aklas. "Nasa ibang lugar pala ang napuntahan ko. Hindi nila gusto duon ang rap at Flip Top artists. Mga lumang Makata pa rin ang gusto nila doon, I mean to say, yung mga traditional na Makata tulad ng Balagtasan."
Aklas describes his music as: "Experimental, dark, pero hindi rin naman evil music", anya pa.
Korek naman si Aklas du'n. Hindi porke't dark ang music niya ay evil na, no?
"Basta ang mahalaga, ang mensahe ng mga kanta ko", pagtatapos na wika ni Aklas. "Pakinggan inyo maige, may sinasabi ako. May malalim na kahulugan. Tulad din ng isang Makatang tumatawag ng kakaibang pansin."
Oo nga, Aklas.
(sinulat ni robert silverio)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento