isang araw, sa piling ng 4-S PAMILYA, nanumbalik ang tunay na Musikang Pilipino sa puso at damdamin ng isang nilalang...

TESSIE LAGMAN-BALBOA: a legacy of old Filipino songs

4S PAMILYA MEMBERS (INCOMPLETE) AFTER A GIG



THE 4S PAMILYA MEMBERS!!!




THE HANDSOME MEN OF 4S PAMILYA: REYMOND, RAFAEL & KARL ANGELO
malapit nang husgahan ang lecon sa likod.

THE COMPLETE MEMBERS OF 4S PAMILYA




Isang maaliwalas na Sabado ng umaga iyon sa simple pero maayos na tahanan ni Tessie Lagman-Balboa sa may Pilar Village, Las Pinas. Maaliwalas at maliwanag ang sikat ng araw sa may labas, at maski mainit, kumikinang naman ang magagandang ng buhay at ang mga masasayang aktibidades ng SUMMER OF 2018. 

Kasing-tindi ng init ng Summer of 2018 na ito, ay ang magandang pagtanggap ni Mam Tessie, kasama ang iba pang miyembro ng 4-S Pamilya sa isang blogger na kaibigan nila. Tunay namang nakakataba ng puso.

Sa araw na iyon, isang espesyal na okasyon kasi ang magaganap. Bale ika-apat na konsiyerto iyon ng 4-S Pamilya at sa pagkakataong ito, sa mismong lugar ni Tita Tessie Lagman sila magko-konsiyerto- dahil ipinagdiriwang ng Pilar Village sa araw na iyon ang unang Family Day nila. Sa gabi, magaganap naman ang mga awitan sa konsiyerto nila't selebrasyon.

Isang masaganang tanghalian ang naganap sa umpisa. Kay sasarap ng mga pagkaing inihanda ni Tita Tessie,- Lechon, Pancit, Lumbiang Ubod, Pritong Bangus, Dinuguan, Menudo, at marami pang iba. Tunay namang nakakabusog at kay sasarap.

Kuwentuhan-bonding pagkatapos. Nagpa-brew pa ng coffee si Tita Tessie para sa lahat. Kay dami mong matutunan na words of wisdom sa mga beteranong singers na kasama sa 4S Pamilya na tulad nina Ray Lucero, Corazon Garcia, Dolly Favorito at Rafael Centenera. Bawat katagang sabihin nila, nanamnamin mo talaga because they talk out of their own experiences, humility and truthfulness. Sila ang mga haligi ng Sining sa mundo at Industriya ng Musikang Pilipino.

"Nu'ng panahon nina Imelda Marcos, umusbong at sumikat ng husto ang Musikang Pilipino!", sabi pa ni Rafael Centenera na naging isang Matinee idol kasabayan nina Anthony Castelo at Florante nu'ng mga panahon na iyon. "Kasi, ipinaglaban ni Imelda na bawat isang oras, limang awiting Pilipino ang dapat na pinatutugtog sa radyo. Kaya naging popular sa bawat kabataan nuon ang mga awiting Pinoy. naging aware sila. Ngayon, hindi na ganyan, puro English songs na ang madidinig mo. Nakakalungkot kung iisipin."

Naisip pa nu'ng isang nilalang na bisita nila, buti na lamang at may isang Tessie Lagman pa na lumalaban para sa mga tunay na awiting Pilipino- makaluma man, pero ito ang tunay na diwa at kultura ng isang Pilipino. Ito ang kaluluwa, ito ang puso.

Sa radio program ni Tita Tessie sa DWBL, na mapapakinggan tuwing Linggo, sa ganap na alas-onse ng umaga hanggang ala-dose y media, doon ay maririnig mo ang mga Kundiman Songs na inaawit ng bawat miyembro ng 4S Pamilya. Kay sarap-sarap pakinggan. Bumabalik ang pagka-Pilipino mo. Lalo na kapag sabay-sabay na silang nagkantahan- napakasaya sa pakiramdam.

Maya-maya pa, pagkatapos ng kapehan, ngitian, piktyuran, at iba pa, nag-aya na si Tita Tessie na mag-praktis. Umayos na ang lahat para magsipag-awitan. At sa muli, narinig ng isang nilalang ang tila-bagang tinig ng mga anghel na nagsisipag-awitan. Napakaganda ng tunog, umaalingawngaw sa walang hanggan.

At sa muli rin, nanumbalik ang puso ng isang Pilipino dahil sa mga awitin na yaon. Nawala ang mga problema ng isang nilalang- tila ata tinangay siya sa Paraiso. Mga awiting tulad ng Rosas Pandan, Basta't Mahal Kita, Ikaw Lang Ang Mamahalin, Lawiswis Kawayan, Dahil Sa 'Yo, at iba pa.

Pero ayon pa kay Tita Tessie: "Hindi lang naman puro Kundiman songs ang kinakanta namin", anya. "May mga tinatawag ding folk songs, novelty, balitaw, at marami pang iba. Basta old Filipino songs na genuine at nagre-reflect sa tunay na kulturang Pilipino."

Perpekto ang pagsasama-sama ng mga tinig ng mga 4S Pamilya members na sina Ray Lucero (ang nirerespetong singer sa Mabuhay singers mula pa nuong Dekada '70), Dolly Favorito (na sumikat kasama nina Nora Aunor nuon sa radio program ni Eddie Ilagan), Hazel Mae Usaris (isa sa pinaka-batang member ng group), Rafael Centenera (isang matinee idol nu'ng '70's), Corazon Garcia (mula sa Eskuwelahang Munti), Reymond Agbada (ang bagong Elvis Presley of the Philippines), Tony Suvega (ang psychic at Feng Shui expert na magaling din na singer), Cenen Garcia (ang laging nagko-cover sa 4S Pamilya sa Facebook Live) Karl Angelo Sipat (the handsome boy & newest member), Sammy Rascal (na 10 years pa lamang ay naging baby na ng 4s Pamilya) at si Ver Dayap (isa rin sa pinaka-beteranong singer ng 4S Pamilya)... 

Ang mga gitarista namang sina Eddie Suarez at Nick Corong ay walang kupas. Akmang-akma ang kanilang pag-gitara sa bawat tinig ng mga miyembro. Iba na talaga ang mga beteranong gitarista!

Nariyan din ang mga 'loyalists' ng 4S Pamilya na sina Ms. Nancy Sipat, Pitimini, Kagawad Jose Joy Pasco at Josie Joaquin. Kasama pa ang daughter ni Tessie Lagman na si Jing Balboa-Almirez, naku naman, kumpleto na talaga!


*******************


"SINO NGA BA TAYO?", minsan ay naitanong iyon ng isang blogger sa kanyang sarili at sa mga kabataang tinuturuan niya sa isang Acting Workshop. Akala nu'ng blogger, walang makakasagot sa katanungan niya. Pero may isang estudyanteng tumayo at nagsalita ng ganito: "Tayo po ay Pilipino. Pero pilit nating ipinagkakaila iyon sa ating mga sarili!"

Tama 'yung estudyante. Pilipino tayo. Gaano man kalayo ang ating mga naging lakbayin, o anumang pagbabago ang maganap sa mga sarili natin- uuwi pa rin tayo at babalik sa tunay na pinagmulan natin-

ang maging isang PILIPINO-


Magpakailanman.



SALAMAT, 4S PAMILYA DAHIL IBINALIK NINYO ANG TUNAY NA DIWA NG MUSIKANG PILIPINO!




(sinulat ni robert manuguid silverio)

PHOTOS COURTESY OF MS. NANCY SIPAT
MS. NANCY SIPAT AND SON KARL ANGELO

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

RUDY JACKSON, MASKI NASA AMERIKA AY NAKAKATANGGAP PA RIN NG MGA BIYAYA NA IBINIBIGAY DIN NAMAN NIYA SA MGA KAIBIGAN NIYA SA PILIPINAS!

SIR RUDY (IN DRAG) WITH A FRIEND NAMED MANNY SIR RUDY WITH HIS MOST INTIMATE FRIENDS SIR RUDY IN HIS NEPHEW'S HOUSE IN THE U.S. EARLY CH...