Nabasa kasi namin a couple of days back sa Yahoo News na ang mga INDOOR mass gatherings pala ang talagang HIGH RISK para mahawaan ka nu'ng virus. Based sa isang research, majority daw ng nagkaroon ng Corona Virus ay uma-attend ng isang INDOOR social function o gathering. Kaya doon talaga delikado.
Kaya naisip ko now, kung sakaling magluwag na ang GCQ, mag-isip sana ang mga theater prroductions ng mga NEW VENUES NA OPEN-AIR, kasi 'yun ang safest venues for a theater production if ever payagan na ni Pangulong Duterte na magkaroon na ng mga face-to-face performances ang mga theater companies.
Delikado pa rin ang mga air-conditioned venues dahil hindi lumalabas ang hangin at nata-trap, umiikot-ikot lang ang virus all-over the sealed venue. Maski gaano ka-sosyal ang venue, basta't indoor, LAGOT KA DIYAN!
Kaya naisip ko now, dapat nating buhaying muli ang RAJAH SULAYMAN THEATER, ang pinaka-historical na open-air venue and theater sa buong Pilipinas! Located ito sa Inramuros, the most ancient place in Metro Manila.
Ang Rajah Sulayman Theater ay open-air, pero maski open-air ito, very sozy pa rin ang ambience dahil feeling mo ay nasa Spanish Era ka habang nanonood ng isang play. Ang ambience ng paligid ay very Old Manila, ika nga. Kaya mas lalong magiging artistic and creative ang feeling mo habang nanonood.
Nasa mid-twenties pa kami nu'ng mapasok namin for the first time ang Rajah Sulayman Theater. Doon namin napanood ang stageplay na "BENT (LIHIS)" which starred veteran actor Ricky Davao (batang-bata pa noon si Ricky at fresh na fresh pa, sobrang guwapo!) and directed by Anton Juan. Grabe 'yung ganda ng play na iyon. Kakaiba ang IMAGERY na nilikha nung direktor na nag-complement sa Rajah Sulayman Theater's nostalgic feeling. Ang play na LIHIS kasi ay ukol sa dalawang baklang Hudyo na pinahirapan ng husto sa panahon ni Hitler at ng Nazi's. Sana, ma-restage ito after the Pandemic!
Anyway, Rajah Sulayman Theater is now TEMPORARILY CLOSED. Sobrang nagde-decay na kasi siya, eh. Dapat ma-renovate na, tulad ng ginawa nila sa Metropolitan Theater. Ang pinakahuling theater production na ipinalabas dito ay ang "Ang Buhay Ni Galileo" na produced ng PETA. Pagkatapos nun, naglaho nang bigla ang historical theater venue na ito.
But now, we feel, ang Rajah Sulayman Theater, tulad din ng iba pang open-air theater venues ang siyang sasagip sa mundo ng Teatro. Sila ang dapat pagtanghalan ng mga theater groups nating naghihingalo na ngayon dahil walang VENUE! Kaya sana, once the Pandemic is clear, ayusin muli nila ang Rajah Sulayman Theater.
Bukod sa Rajah Sulayman Theater, may isa pang magandang venue- ito yung Valenzuela City Coliseum sa may Valenzuela, Bulacan. Maganda rin ang venue na iyon at open-air din. Doon namin napanood ang dulang "Daan Ng Krus" na mula sa direksyon ni Jose Jeffrey Camanag.
Yes po, delikado pa rin talagang manood sa mga CLOSED o INDOOR VENUES once the Covid-19 Pandemic is clear. Magtiis po tayo sa mga non-airconditioned venues na tulad ng Rajah Sulayman Theater, para hindi magkaroon ng another "wave" of Pandemic.
Back to the basics muna po tayo. Back to historical places na hindi moderno.
Because, ART IMITATES LIFE, and LIFE IMITATES ART.
Hindi ba?
(sinulat ni robert manuguid silverio)
(video above of rajah sulayman theater, courtesy of Mr. Popoyworxx TV. Thanks.---*)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento