"Hindi ako nagsasalita kapag may mga performances kami sa Miss Saigon, ni hindi ko kinakausap ang mga kasama ko, kasi mauubos ang boses ko!"--- gerald santos



GEALD: HANEP ANG PORMA!


Sa dami ng mga naging performances ni Gerald Santos sa Miss Saigon UK tour, talagang kamangha-mangha kung iisipin mo- na, kung paano pa rin niya na-retain ang napakagandang kalidad ng kanyang tinig. 

"Imagine po, Tito Robert, we have eight shows and performances in a week", nasabi ni Gerald sa kanyang kaibigang blogger nu'ng nagdaang press conference para sa kanyang homecoming concert. "Halfway along the eight performances, talagang halos mawalan na ako ng boses. Very strenuous po kasi and hectic ang bawat performances namin.

"Kaya ang ginagawa ko, every after our performance at pag-uwi sa tinutuluyan namin, hindi na po ako nagsasalita kasi takot akong mawalan ng boses", dugtong ni Gerald. "Ni hindi ko kinakausap ang mga kasamahan ko and co-actors ko. Nawi-'weirduhan' tuloy sila sa akin. Tinitipid ko kasi ang boses ko, baka maubos, e. Hahaha!"

Hindi naman nagulat ang mga media people sa naging revelation ni Gerald kung paano niya na-preseve ang kanyang boses while on Miss Saigon UK Tour. Kasi, ganu'n din pala si Lea Salonga nuong gumanap naman itong si Kim sa Miss Saigon din. Hindi rin ito nagsasalita right after every performance.

Samantala, isang movie columnist naman, in person of Rodel Ocampo Fernando ang nakapansin ng husto sa "looks" ni Gerald nung hapon na iyon sa kanyang press con.

"Gerald, ang guwapo-guwapo mo!", sabi ni Rodel, na imbes magtanong ay walang nasabi sa mikropono kundi ang i-express ang kanyang nararamdaman for Gerald. Pero sinang-ayunan naman ng lahat ang naturan ni Rodel. Tunay namang kaibig-ibig ang kaguwapuhan ni Gerald nu'ng hapon na iyon na muli niyang nakasama ang mga press people.

Kauuwi lang niya mula sa Europe at kakabalik lang sa Pilipinas. Sa Germany sila huling nag-tour at 'yun nga, finally, it's over. Tapos na ang stint ni Gerald sa Miss Saigon UK tour, tapos na rin ang kontrata.

"Pero there are hearsays po na malamang na magkaroon din kami ng Miss Saigon Australia tour", dugtong ni Gerald. "The same cast, crew and staff din po ang kasama sa Australia tour ng Miss Saigon. Hopefully po, matuloy. Kung hindi man, marami pong horizons ngayon sa buhay ko ang kino-conquer ko. And they are all pretty exciting.

"Nag-audition po ako sa ilang international movies, sa Net Flix, TV dramas and the likes", dugtong pa ni Gerald. "May talent agent na po kasi kaming naghahanap sa amin na projects sa Hollywoord. Halos lahat po ng major cast sa Miss Saigon, madami pong nag-apply na agents sa amin."

Wala pang balitang natatanggap si Gerald kung makakasali naman siya sa isang pang classic Broadway play na The King And I.

"Opo, nag-audition din po ako sa The King & I", sagot ni Gerald. "Pero wala pa po kaming natatanggap na feedback. Wala pa po silang sinasabi kung makakapasok ako sa cast."

Sa Homecomg Concert ni Gerald entitled Gerald Santos: The Homecomg Concert, magiging guests niya ang mga Filipino performers na nakasama din sa cast ng Miss Saigon present and past. Sila ay sina Leo Valdez, Aicelle Santos at Joreen Bautista. Na bale ang pinaka-highlight sa homecoming concert ni Gerald ay ang pag-awit nilang apat ng mga excerpts sa Miss Saigon at sa ilan pang mga hit Broadway musicals.

Ang homecoming concert ni Gerald ay produced ng Media Biz Entertainmenmt Productions, na pag-aari ng magandang producer na si  Ms. Mellany Zambrano.

"Na-miss ko po kayong lahat", pagtatapos na wika ni Gerald. "And I miss the Filipino audience here sa sarili kong bansa. Actually, pareho namang warm and loving ang both Filipino and international audience. Pero iba pa rin po kapag kapwa Pilipino mo ang mga nanonood sa iyo. Mas masarap po sa pakiramdam. Dahil maski gaano man kalayo ang marating ko, mananatiling Pilipino pa rin ako."

Talagang dapat ka ngang mahalin, Gerald Santos.



(sinulat ni robert manuguid silverio)

PHOTOS BY MR. JAPS RAMISCAL


GERALD: BEST-DRESSED

GERALD: MYSTIFYING

MR ROMMEL RAMILO, RICKY LO of PHILIPPINE STAR, PRODUCER MELLANY ZAMBRANO AND RALD


GERALD WITH A "FRIEND"


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

RUDY JACKSON, MASKI NASA AMERIKA AY NAKAKATANGGAP PA RIN NG MGA BIYAYA NA IBINIBIGAY DIN NAMAN NIYA SA MGA KAIBIGAN NIYA SA PILIPINAS!

SIR RUDY (IN DRAG) WITH A FRIEND NAMED MANNY SIR RUDY WITH HIS MOST INTIMATE FRIENDS SIR RUDY IN HIS NEPHEW'S HOUSE IN THE U.S. EARLY CH...