rald beside a xmas tree |
rald with his TEAM GERALD fans |
rald handsome |
raald in red |
May kanya-kanyang mga diskarte ang mga celebrities sa tuwing sasapit ang Kapaskuhan. May mga magpupunta sa ibang bansa upang magkaroon ng bakasyon doon, may mga maga-out-of-town sa Boracay o kung saan man, may mga pupunta sa mga barkada nila, at kung anu-ano pa. Pero ang singer-actor na si Gerald Santos, mas pinipiling makasama ang pamilya niya sa tuwing araw ng Kapaskuhan.
"For the past five years po, magmula nu'ng pumasok na ako sa mundo ng showbiz, taon-taon ay ganyan ang ginagawa ko", bungad pang sabi ni gerald sa kaibigan niyang blogger nu'ng gabi ng Christmas party ng Team Gerald last Dec. 15. "I spend the Christmas day with my family. Yearly, I go home in our house in Navotas at sama-sama kaming magkaka-pamilya hanggang sa pagsapit ng Bagong Taon."
Si Gerald kasi, talagang maka-Pamilya. Hindi niya ipagpapalit ang kanyang pamilya sa anumang bagay dito sa mundo.
"Iisa lang kasi ang pamilya natin, at hindi kayang palitan 'yan", dugtong na sabi ni Rald (palayaw namin kay Gerald). "Kaya as much as possible, taon-taon, tuwing Christmas season ay sila ang mas pinipili kong makasama. Until new year, magkakasama kami. Maghihiwa-hiwalay lang kami after New year na."
Pero ano ba ang Christmas wish ni Rald sa Paskong ito?
"Sana, dumating na siya...'yung pinakahihintay namin", mabilis na tugon ni Rald. "'Yung malaking bagay na hinihintay namin, sana mangyari na!"
Hhhhmmmmm. At tila alam namin 'yun, pero ayaw lang namin muna pang magsalita sa ngayon, in due respect to the people behind that "big thing" coming on Gerald's life. We feel kasi, ang mga tao sa likod nu'n ang dapat na mas maunang mag-announce, eh. Hihihihi....
Anyway, this coming January 5 to January 9 ay nasa India si Rald to attend the Saarang International Music Festival na kung saan ay si Rald ang kakanta sa Finale ng nasabing Music Fest, na may audience capacity na 30,000 to 50,000 students from all-over India. Kaya malaking karangalan ito para sa bansang Pilipinas. And take note, aawitin doon ni Rald ang mga Tagalog songs na originally ay kinanta niya't na-record.
"Kaya excited na ako, and I feel honored na ako ang napili nilang kumanta roon", sabi pa ni Rald. "Hindi ko ipapahiya ang watawat ng Pilipinas. I will do my best and perform to the ebst of my ability para mapabilib ko sila."
Inihahanda na rin ang next major concert ni Rald na entitled "Tenacity", which means "ten years". Sampung taon na rin kasi ngayon si Rald sa mundo ng pag-awit, at sa konsiyertong iyon, maraming sorpresang iahahatid si Rald. Sa march 25 idadaos ito at ang venue ay sa Kia Theater sa Cubao.
"Sana ay patuloy pa nila akong suportahan", pagtatapos ni Rald. "Sa mga fans ko, lalo na sa Team Gerald, maraming salamat at hindi kayo nagsasawang tumulong sa career ko. Asahan ninyong lahat, magkakasama pa tayo ng mas maraming taon dahil mahal ko kayong lahat!"
Tunay ka, Gerald.
(sinulat ni robert silverio)
MUSIC VIDEO OF RALD, UPLOADED ON YOUTUBE.COM BY:
MS. LHYNNE IMPERIAL
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento