kiel: oh so charming! |
kiel with michael pangilinan and nikko: mga kasamahan niya sa puder ni jobert sucaldito |
kiel: straight from the heart |
kiel: ang bagong mamahalin |
Kung may makikita kang balingkinitang lalaki na cute at guwapo at palaging kasama sa mga concerts ni Michael Pangilinan, tapos nu"n ngingitian ka niya ng ubod ng tamis, 'yun ay walang iba kundi ang papasikat na singer na si KIEL ALO.
In person ay very charming si Kiel, madaling lapitan at hindi suplado. Kaya ito ang magiging one of his good assets para marating ang pangarap niya na sumikat bilang isang Balladeer-Singer. Kapag charming kasi ang isang celebrity sa mga tao, magaan ang dating ng blessings sa kanya. At si Kiel, dahil sa likas na mabait na bata, tiyak ding pagpapalain ng Diyos. Di ba, katotong Jobert Sucaldito?
Anyway, may dugong Kapampangan at Bisaya si Kiel. Pero sa Maynila na siya lumaki. Nu'ng nagdaang concert ni Michael Pangilinan sa Rajah Sulayman Park a month ago, marami ang nagalingan kay Kiel nu'ng awitin niya ang kantang "All of Me". Napakagaling kasi ng rendition ni Kiel sa awiting iyon at bigla tuloy nadagdagan na naman ang kanyang mga fans after hearing him sang the song.
Pero sa ngayon, laging guest lang muna si Kiel sa mga concerts ni Michael. Pinaplano pa at hinahanda pang maige ng manager niyang si Jobert ang mga susunod na hakbang sa kanyang career as a singer/balladeer. Pero sa January 7, 2017, isa siya sa mga magiging guests ni Michael sa concert nito sa Music Museum entitled "Sincerely Yours, Michael"- (na kung saan ay makakasama ni Michael Pangilinan sa concert na ito sina Aiai delas Alas at Arnell Ignacio bilang opening salvo sa career ni Michael sa taong 2017).
Anyway, back to Kiel, matanong nga natin kung ano'ng masasabi niya kay Michael Pangilinan?
"Isa po si Michael sa mga nirerespeto kong artists sa Music Industry", mabilis na tugon ni Kiel. "Magalang po siya at very humble na tao. Kahit baguhan pa lamang ako sa industry na ito ay very warm na ang pakikitungo niya sa akin.'Yan ang kagandahan sa aming dalawa ni Michael na pareho ang manager namin, hindi kami nagsasapawan sa isa't-isa."
Hindi rin natatakot si Kiel na totally ay matabunan siya ni Michael, dahil para sa kanya:
"Magkaiba naman po kami ng genre sa pagkanta, eh", sabi ni Kiel. "Ako, more sa Ballad songs. Si Michael, he considers himself more of a R&B singer."
Sa mga Ballad singers, ang mga idolo ni Kiel ay sina Martin Nievera, Gary Valenciano, Ogie Alcasid at Ariel Rivera.
"Pero as much as possible , mas gugustuhin kong makilala ako ng mga tao sa sarili kong estilo sa pagkanta", pagtatapos na wika ni Kiel. "Kaya pagbubutihin ko talaga. Nagsisimula pa lang ako at alam ko, marami pa akong dapat magawa para pagbutihin ang career ko."
Korek ka diyan, Kiel. Ikaw nga ang bagong mamahalin.
(sinulat ni robert silverio)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento