christian: better choices |
christian: keeping safe |
ROBERT: KUMUSTA NA, CHRISTIAN? WHAT KEEPS YOU BUSY SA PANAHON NG PANDEMYA AT MECQ?
CHRISTIAN: Thankfully, I am okay and my family. What keeps me busy is my daily routines. Workouts, film study, house chores, health food choices, and been trying to enroll in some online classes.
ROBERT: ANO ANG MESSAGE MO SA MGA TAO PARA MAKAIWAS SA SAKIT NA COVID-19 NA ISANG WORLWIDE PANDEMIC DIN?
CHRISTIAN: As basic as wash your hands, put your face masks on while outside your house, and keep your immune system strong. Hindi po ako eksperto pero ang alam ko po, lahat tayo ay may maiiaambag na tulong para sa mga Front Liners in any little way we can. At 'yung iba, kailangan talaga nilang magtrabaho para mabuhay at hindi natin sila masisisi. Kaya gawin natin ang lahat ng ating makakaya para lumakas ang ating resistensya at pangangatawan.
ROBERT: CHRISTIAN, ANO ANG MASASABI MO SA PAGSASARADO NG ABS-CBN CHANNEL 2?
CHRISTIAN: Ang aking pag-aalala po ay naroon sa mga maliliit na tao na naapektuhan ng pagsasara ng Channel 2. Ang mga crew, mga production people, ang mga taong nasa likod ng kamera. Sila po ang sobrang apektado and my heart melts for them. Lalo pa ngayong may kinakaharap tayong Pandemya, napakahirap maghanap ng trabaho!
ROBERT: Ano ang challenge sa iyo ngayon para mas higit pang maging passionate sa Sports at Entertainment scene?
CHRISTIAN: Siguro para sa akin ay mas ibayong outlet at pagpa-praktis sa craft o bagay na gusto mo talaga. Kaya ginagawa ko po ang lahat ng aking makakaya para patuloy na mag-aral, mag-character analysis, mag-film study at manood pa ng mas maraming mga pelikula para kapag dumating ang panahon at mabigyan pa rin ako ng mas maraming mga pagkakataon, ako po ay magiging handa.
ROBERT: Kung sakaling sa buwan pa ng Disyembre matapos ang Pandemyang ito, ano ang mga immediate plans mo para hindi ka ma-bored?
CHRISTIAN: Pinaghahandaan na po namin ang lahat. Mataas po ang pananalig ng pamilya ko sa Diyos. And I do hope, things will soon turn-out okay. Kailangan lang po talaga nating maging maingat. Being bored is better than fighting for our lives and make the Frontliners have lesser problems.
ROBERT: CHRISTIAN, READY KA NA RIN BA NGAYON NA LUMABAS SA MGA MOVIES AND TV SHOWS OUTSIDE CHANNEL 2?
CHRISTIAN: Kung papalarin po, siyempre'y ako ay magiging thankful.... I remember, nuong ako ay mina-manage pa ng late film director na si maryo J. delos Reyes, sa GMA-7 niya ako unang sinabak. Iyon ay sa teleseryeng Gumapang Ka Sa Lusak. It's one of the best moments in my career as an actor. Sa ngayon po, wala naman akong karapatan para mamili as an actor. I will be grateful and ready to work hard as always bilang isang actor. Saan man ako ilagay- mapa-channel 7, indie, digital o saan man. Ang importante ay makapagbigay ako ng serbisyo sa mga tao sa panahong ito at makatulong sa pamilya ko.
ROBERT; Sa palagay mo ba, Christian,para sa isang tulad mo na actor-dancer-gymnast-host, magbabalik pa rin sa dating Normal ang buhay nating lahat sa showbiz?
CHRISTIAN: I do believe that all thiongs must pass. That, this too, shall pass. That's why we all need to survive this Pandemic para when we able to get back on stage na or at the platforms, we have plenty of fire to burn. basta kailangang mabuhay para ituloy ang laban para sa mga pangarap. We won't be back to the old Normal man, I do believe, we will be back as better people and better individuals. Plus of course, with better choices.
ROBERT: Last question, Christian, in the end, ano naman ang masasabi mong naging magandang epekto ng Covid-19 sa buhay mo? mas naging close ka ba sa pamilya mo ngayon?
CHRISTIAN: Mas nakilala na po natin ang mga sarili natin at ang mga kasama sa bahay. Bilang isang anak, ako ay nagpapasalamat sa aking nanay dahil mag-isa na lang po kasi siyang kasama namin ngayon. I mean, nandito pa po ako for her. Matagal na kasing wala si Papa, pero patuloy pa rin ang aking ina na lumalaban at humaharap sa buhay. Mas na-appreciate ko ngayon ang akin ina na walang katapusang nagmamahal sa akin at sa kapatid ko.
ROBERT: Napakaganda ng mga sagot mo, Christian. Maraming salamat.
CHRISTIAN: Maraming salamat din, Sir Robert.
------ end of interview-----
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento