MAGKITA-KITA PO TAYO MAMAYA SA CCP FB PAGE, 2 P.M. PARA SA OPENING CEREMONIES NG CINEMALAYA 16!!!





Nakita ko 'yung bilog na buwan kanina. Alas-sais pasado na ng umaga at maliwanag na, nagbabantay pa rin siya sa kalangitan. Nag-iisa lang siyang hugis-bilog sa gitna ng mga ulap, tila ata nag-OVERTIME siya sa pagbabantay. Pero tila ata rin, masaya rin siya sa pagbabantay na ginagawa niya.
Ganu'n niya kamahal ang sandaigdigan, maski "baby" lang siya, maski bata lang siya, kay tiyaga-tiyaga niyang magbantay. Ganu'n niya tayo kamahal.
Minsan, may mga bituing nawawala sa kalangitan. Ito ay dahil nakukubli sila ng mga ulap.
Ganu'n din ang buwan, minsan ay nawawala din siya.
Pero tila ata, sa panahon ng Pandemya, laging naririyan ang BUWAN, hindi tayo iniiwan.
Kasi siguro, maraming bituin ang nawawala.
Kailangan muna sigurong magtago sila para huwag silang mamatay.
Tulad din ng CINEMALAYA, ng mga artista doon at mga direktor, at ang mga iba pa...
Dahil sa araw na ito, nakatago man ang mga bituin na iyon,
pasumandali silang lilitaw mamayang alas-dos ng hapon, bumisita ka lang sa official FB account ng Cultural Center of the Philippines...
at muli,
makikita mo silang lahat-
MAGPAKAILANMAN.
Tara na po. Kitakits. 🙂




"The Cultural Center of the Philippines and the Cinemalaya Foundation Inc. invite you to witness the virtual opening of the 16th Cinemalaya Philippine Independent Film Festival on August 7, 2020 at 2pm via the official CCP Facebook page and KUMU, followed by the premieres of the Short Films in Competition Set A and Set B on Vimeo and talkbacks after the screenings on Facebook and KUMU.

 

Also, join us on the Cinemalaya Awards program on August 12, at 2pm and the Closing Ceremony on August 16, 2pm.  Both events will stream live on CCP Facebook page, KUMU and Vimeo.   

 

There will be a mini press conference after the awarding ceremony. 

The media are invited to join us on Zoom.  



Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

RUDY JACKSON, MASKI NASA AMERIKA AY NAKAKATANGGAP PA RIN NG MGA BIYAYA NA IBINIBIGAY DIN NAMAN NIYA SA MGA KAIBIGAN NIYA SA PILIPINAS!

SIR RUDY (IN DRAG) WITH A FRIEND NAMED MANNY SIR RUDY WITH HIS MOST INTIMATE FRIENDS SIR RUDY IN HIS NEPHEW'S HOUSE IN THE U.S. EARLY CH...