QUESTION & ANSWER WITH REY COLOMA: FROM THEATER TO MODELLING


REY: MODEL ENDORSER FOR A SKIN CARE CLINIC

REY MODELS THIS TIME

REY: MANY MOODS

REY WITH HIS IDOLS- PAUL JAKE PAULE AND ROEDER CAMANAG

REY IN A COLLAGE PHOTO WITH THEATER ACTORS

Sa mundo ng showbiz, malawak ang dimensyon ng mga taong pumapasok dito. Hindi ka lang dapat mag-focus sa iisang aspeto lang, or else, mauunahan ka ng iba at masasayang ang iba pang mga pagkakataon na dapat ay naipagpunyagi mo na. Dapat sa showbiz, all-around ka- hindi mo dapat i-label ang sarili mo na pang-modelo lang, o pang-teatro lang, o dili kaya'y pang-pelikula't telebisyon lang.

Maaaring nag-lie-low ang career mo sa pelikula, gamitin mo 'yung pribelehiyo para pasukin ang iba pang mga mundo- tulad ng teatro, modelling, o kung anupaman. Marami ka pang puedeng gawin. Huwag mong limitahan ang sarili mo.

Dito namin nagustuhan ang estilo ng baguhang si REY COLOMA, isang theater actor na in-house resident artist ng ARTIST PLAYGROUND. Since naging abala siya sa ilang mga bagay at kinailangan muna niyang asikasuhin ang farm nila sa probinsya, medyo nag-lie-low muna siya lately sa paggawa ng stage plays. Pero habang nasa lull period naman ang career niya sa entablado, hayan at pumasok naman siya ngayon sa mundo ng modelling. SIYA ANG NAPILING MODEL/ENDORSER ng isang SKIN CARE CLINIC.

Anyway, sa isang Question & Answer na interbyuhan, we got to know Mr. REY COLOMA much better this time. Nasa ibaba ang aming Q & A sa kanya:

ROBERT: Rey, how did you start your acting career?

REY: I started with a prayer. Hindi ko pangarap noong ang pumasok sa industrya. Lalo na ang pag arte. Nagsimula lang akong nangarap noong natalo ako sa isang pageant.Sabi ko sa  sarili  ko. Hindi  ito ang End ng aking pangarap. Nagdasal lng ako ng taos puso na sana maranasan kung umarte. Isang  pagkakataon na nakita  ko ang post ni Tito Mario Hernando about sa  isang acting course  ng Talent Factory Inc.Doon nagsimula na  akong mag inquire about that
Nabigyan ako ng scholarship  ng ARTIST PLAYGROUND INC.Doon  ako nahubog ng magagaling  na  mentor

ROBERT: How passionate are you as an actor?

REY: Bilang  isang new comer / aktor. Naibibigay  mo yung puso mo sa pag  arte. Andun yung pagmamahal mo sa passion. Kaya I'm so proud na dami kong natutunan sa  Artist  Playground.I love how as an actor you’re able to embody different personalities and interpret them in your own way through your acting. I feel that this allows me to be more understanding and empathic to the people I come across in my everyday life.It has certainly given me more confidence and creativity in everything I do, and has put my talkative mouth to use.  Every time I perform, I love the feeling before you go on, that rush of nerves and excitement. It just gets me pumped up and perform the best I can.

ROBERT: Mas masarap bang umarte sa teatro keysa sa pelikula o telebisyon, Rey?

REY: Mas  enjoy umarte sa  entablado kasi nakikita mo yung reality at  damang dama mo bawat  linya. Lalo na kung entimate ang venue. Ang  sarap ihatid sa  audience ang mensahe ng isang play

ROBERT: How would you describe yourself more deeper as a person?

REY;  I would describe my self to be  as a bamboo tree.Kahit madaming bagyo hindi  sya natutumba. At  ganun  ako kahit madaming trials  sa  buhay. Eto  pa  rin  ako. Babangon ako dahil habang  may  araw may pag asa.

ROBERT: Can you elaborate the movies, stage plays, TV and movie appearances na nalabasan mo na?

REY: Movies : Second Chance, Love is  blind, Ang Guro  kong Di  marunong magbasa
Tv:  Juan Tamad  Season 1, Mmk, princess in  the palace,  passion de  amor, 700 club  asia, pepito manaloto, pangako sayo,

Stage play:  
walang iwanan, 
 Luna : isang  manunulat, 
Lagablab

ROBERT: Ano itong ini-endorse mo ngayong produkto? Is it a skin care clinic? Gaano ka-effective magpa-guwapo dito?

REY: Ito  ay  isang  Skin care  products 
" Blessed Essential  Skin  Care  "  
Rejuv  for men. Napaka effective po ito. Hindi  masakit  sa  mukha gamitin. Di gaya sa  iba kayong na nagbabalat at namumula.
By the way, sir Robert, I am also the ambassador for:  ZEAL FOR LIFE BY ZURVITA
PH AMBASSADOR

ROBERT: Sino-sino ang mga idolo mong actors?

REY:  Idolo  kong actors: Roeder Camanag, Paul Jake Paule,  John Arcilla, Lou Veleso,  at Mon  Confiado.

ROBERT: How sexy are you?

REY: How Sexy  I am?   Average lang ang pagka sexy  ko.  I  can  say  Butt  ang assets ko kahit walang abs.

ROBERT: Sino ang crush mo sa mga artistang babae?

REY: Pinaka crush  ko si  Rhian  Ramos.

ROBERT: And last question sa iyo, Rey, kailan ka ulit magbabalik sa teatro at sa pag-arte?

REY;  Babalik  ako  sa  pag  arte  anytime  kung  maganda  ang storya  at maganda  ang offer.



------------------------------- END---------------------------


1 komento:

RUDY JACKSON, MASKI NASA AMERIKA AY NAKAKATANGGAP PA RIN NG MGA BIYAYA NA IBINIBIGAY DIN NAMAN NIYA SA MGA KAIBIGAN NIYA SA PILIPINAS!

SIR RUDY (IN DRAG) WITH A FRIEND NAMED MANNY SIR RUDY WITH HIS MOST INTIMATE FRIENDS SIR RUDY IN HIS NEPHEW'S HOUSE IN THE U.S. EARLY CH...