JAYMARK SANCHEZ: MALE CONTESTANT NUMBER 6 AT FACE OF THE YEAR 2018...

JAYMARK: MYSTERIOUS, DEEP...








Kanya-kanyang bet 'yan, eh. Sabi nga, "Beauty is in the eyes of the Beholder". Kung sino 'yung tumitingin at naguguwapuhan, 'yun ang pumipitas sa isang mala-bulaklak na kaguwapuhan ng isang nilalang.

Ganu'n ang impresyon na nilikha ni Jaymark sa karamihan. Very charming kasi siya on stage, laging nakangiti at very confident sa kanyang mga moves and ways. IKA NGA, HE MOVES LIKE JAGGER. Sabi rin yun sa kanta ng Maroon 5.

Jaymark is only 19 years of age, at tubong Marikina City siya. Matangkad siya- he's 5'9" tall- na akmang-akmang taas para maging isang MODEL.

"I have dreamt na of becoming a model since I was young", sabi pa ni Jaymark sa isang blogger na kumausap sa kanya right after their Media Launch. "Sa mga international male models po, ang idol ko ay si David Gandy, isang british model. I hope someday, I would be like him po."

Ayon sa may-ari ng PHILOMODA na si Mr. Jojo Veloso, tumaas daw ng husto ang scores o points ni Jaymark sa online voting ng kanilang contest right after the Media Launch event. Lumikha kasi ng alingasngas si Jaymark sa mga media people na nagpunta sa kanilang launching. Kaya naka-iskor bigla paitaas si Jaymark.

Pero hindi naman diyan natatapos ang kumpetisyon. Marami pang pagdadaanan si Jaymark- tulad ng talent portion, Q & A portion, at best in swimwear- mga points na magdadagdag pa ng husto upang manalo siya.

"So far naman po, enjoy ako sa mga napagdaanan ko na dito sa pagsali ko sa Face of the Year", sabing muli ni Jaymark. "I gained more friends din po. And it all added-up to what I am now as a person."

Kapag nanalo daw si Jaymark, unang-una niyang pasasalamatan si LORD, pangalawa, ang pamilya niya at third na lang ang mga taong sumuporta sa kanya.

"Basta I will do my best and God will do the rest", pagtatapos na wika pa ni Jaymark.

GOODLUCK, JAYMARK!




(sinulat ni robert manuguid silverio)



JAYMARK: INVITING...

JAYMARK: CAPTIVATING...

JAYMARK: LOVING...

JAYMARK ON THE RAMP

THE MODEL LOOK OF JAYMARK




JAYMARK (FAR RIGHT),  WITH FELLOW FACE OF THE YEAR 2018 MALE CANDIDATES

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

RUDY JACKSON, MASKI NASA AMERIKA AY NAKAKATANGGAP PA RIN NG MGA BIYAYA NA IBINIBIGAY DIN NAMAN NIYA SA MGA KAIBIGAN NIYA SA PILIPINAS!

SIR RUDY (IN DRAG) WITH A FRIEND NAMED MANNY SIR RUDY WITH HIS MOST INTIMATE FRIENDS SIR RUDY IN HIS NEPHEW'S HOUSE IN THE U.S. EARLY CH...