direk Neal Tan and his forever Mark, poses in a series of photos beside the painting "Ang Bahay Na Luma", the new Masterpiece of direk Neal. |
Lahat ng mga nai-post ni direk Neal 'Buboy' Tan na mga likha niyang larawan (o paintings) sa Facebook ay SOLD-OUT lahat, lalo na nu'ng sobrang mahigpit pa ang lockdown sa NCR dahil sa Covid-19 Pandemic.
Pero dito sa pinakabago niyang likhang oil canvass painting na pinamagatan niyang ANG BAHAY NA LUMA, wala pa siyang nasabi sa amin kung ito ba ay nabili na o hindi pa. Marami yatang nagbe-bet o nagbi-"BID" sa larawan na iyon, and may the highest bidder win, ika nga. Hehehehe....
Ang "Bahay Na Luma" ay isang 2 1/2 feet x 3 feet na oil on canvass painting which makes it really pretty expensive dahil sa size pa lang nito ay malulula ka na. Pero bukod doon, napaka-descriptive kasi at napaka-nostalgic ng painting na iyon. May kaluluwa, may buhay, imortal na imortal. Pati ang mga kulay na ginamit ni direk Neal, kakaiba talaga.
The painting reminds us of our ancestors in the provinces. 'Yung mga lumang bahay sa probinsya na pinapasyalan mo nuong bata ka pa. Kaya talagang very precious ang larawang likha na ito ni direk Neal, which is also his latest creation!
Sa panahon ng Pandemya, tila ata bumabalik sa Sining ang hilig ng ating mga kababayan. Muli nilang inaakap ito at pinapahalagaan. Kasi naman, nawawala ang komersyalismo sa mga panahon na ito, bumabalik ang lalim ng ating mga pagkatao.
Mabuhay ka, direk Neal Tan, sa paglikha mo ng isa na namang bagong OBRA MAESTRA!
(SINULAT NI ROBERT MANUGUID SILVERIO)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento