renee garcia on board |
renee garcia with filmaker dexter macaraeg |
renee with students/ojt's |
renee with fellow radio announcers |
renee with friends |
Nagkaroon ng maraming changes and re-formatting sa PHILIPPINE BROADCASTING SYSTEM (PBS) since nu'ng umupo bilang Presidente si DIGONG. At gaya ng nasabi nito sa kanyang mga naging SONA, hindi niya pababayaan ang PBS, at pauunlarin niya ang mga government-owned Broadcasting System sa bansang Pilipinas. Na siya namang nasaksihan ng blogger na ito- FIRST-HAND.
Opo, hindi pinabayaan ni Digong ang Broadcasting Media. Kung dati-rati, nakakatakot magpunta sa building ng PBS sa may Visayas Avenue dahil madilim ang mga pasilyo, luma at napakaraming bats o paniking nagliliparan everywhere, ngayon po ay hindi na ganu'n katindi ang "nerve-wrecking" effect kapag pupunta ka sa PBS building. Gumanda na ang lobby, nag-install ng bagong elevator system, pinintahan ang mga pader at ceilings, at nabawasan na ang mga "kahindik-hindik" na 'bats' na naninirahan doon sa may gitnang espasyo ng building. Hindi na 'creepy' ang dating at maaliwalas na ang ambience. Salamat kay Digong at sa naatasan niyang mga tao sa PBS.
Anyway, kamakailan lang ay binisita ng isang blogger ang kanyang kaibigang radio host doon, kasama ang filmaker na si Dexter Macaraeg. At nagulat ang mga ito sa iba pang mga POSITIVE CHANGES sa mga radio stations ng PBS. Sobrang lamig na sa loob ng mga radio booths at napaka-"sozy" na ng ambience. Tingin nga ng isang blogger kay Mommy Renee that afternoon na pasyalan niya ito- isa siyang Diyosa ng Broadcasting world habang nakaupo sa loob ng radio booth niya.
Ang dating Youthalks radio program ni Mommy Renee ay nag-iba na. Ang titulo na ng kanyang radio program ngayon ay BUZZ MAGAZINE. At sa RADYO PILIPINAS DOS na ito, 918khz. Mula 6 pm hanggang 7 pm na siya every Mondays to Fridays. Kaya reynang-reyna talaga.
Bale si Dexter macaraeg ang "nagbinyag" sa programa dahil siya ang unang celebrity guest ng nasabing radio program- and it happened last October 13 nu'ng mag-promote siya dito ng docu film niyang i-screen sa 50th anniversary ni Nora Aunor sa Sampaguita Gardens.
Maraming na-discuss na topics sina Mommy Renee at Dexter nuong hapon na yaon at very entertaining talaga kung mag-host si Mommy Renee. Walang dull moments sa kanya.
"We will still set-up our grand launching very soon", pagtatapos na wika ni Mommy Renee. "I will invite many celebrity guests sa aming grand launching. May mga inaayos pa kasi kami ngayon kaya hindi agad-agaran naming magagawa ang grand launching ng bago naming istasyon dito sa PBS. But I am so happy and contented na here, I am very much satisfied with Digong's support on us."
Goodluck sa bago mong istasyon, Mommy Renee and see you again soon!
(sinulat ni robert silverio)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento