lance raymundo talks about the face of the year 2018 search...





Nakausap ng isang blogger si Lance Raymundo sa dalawang magkaibang okasyon kamakailan lang. Una, nuong mag-host siya sa Media Launch ng Face of the Year 2018 held at the Pacific Star Rooftop Building last October 14. Then, pangalawa nu'ng mag-host din siya sa Miss Tourism event held a couple of days ago.

Napakagaling pala sa hosting job ni Lance. Very clear and sharp kung mag-deliver siya ng lines na sasabihin at walang dull moment kapag nagsasalita na siya. Kaya pala nagiging suki na siyang kunin sa mga hosting events, tulad nitong Face of the Year search.

"Actually, when Face of the Year was revived last 2008, ako na ang kinuha nilang host", bungad na sabi ni Lance. "Then, after a gap of nine years, ngayong 2017 na, ako pa rin ang kinuha nila to host this event. Nakakataba ng puso.

"I heard pa nga, isasama din nila ako sa mga regional tours nila and all", dugtong na sabi pa ni Lance. "At hanggang sa final awarding night nila na gaganapin sa Tent City sa Eastwood by February next year, ako pa rin ang magiging host nu'ng event na iyon."

Ano ba ang masasabi ni Lance sa Face of the Year search ng Philmoda? 

"I am so glad na nagkaroon ito ngayon ng big comeback", sabi ni Lance. "Dito sa Face of the Year nanggaling sina Richard Gomez, Ina Raymundo, at marami pang iba. The search became the catalyst to start their own respective careers. At hanggang ngayon, nariyan pa rin sila, di ba?

"With me naman, I have been a friend to Mr. Jojo Veloso", dugtong ni Lance. "And I am thankful that he got me as the host of this personality search na mako-consider nang isang institusyon sa larangan ng modelling world."

Samantala, busy na ngayon si Lance sa sisimulan niyang pelikula sa Star Cinema, na kung saan ay makakasama niya ang mga alagang male talents ni Jojo Veloso na sina Victor Rosales, Vincent Amora at siyempre, si Xander Pineda.

"Para na rin kaming magkakapatid kung magturingan", nawika ni Lance. "We have bonded a lot at ready na kaming lahat na mag-shoot soon. It's a romantic comedy na parang Kita-Kita ang plot- yung movie nina Empoy at Assunta- tipong ganun. Maganda role ko dito, kami ni Xander."

Last question for Lance, ano ang masasabi niya sa magagandang sinasabi sa kanya ng mga baguhang artista na lagi daw niyang binu-boost ang morale?

"All I can say is, I am nice to everybody naman", patapos niyang sagot. "Dumating din ako kasi du'n sa stage nila na baguhan pa lang. Alam ko ang sitwasyon nila. That's why I lift-up their spirits kapag nakikita ko silang walang kausap sa set. In that way, nakakalma ko sila. Siguro, ganu'n na talaga ako. Part na yun ng nature ko na maging mabait sa mga baguhan pa lamang sa showbiz."

Very well said, Lance. 



(words by robert silverio)


lance with a past winner of face of the year

lance interviews the male contestants

lance asks a judge of the event his choices

lance holds a female contestant

lance poses with a female contestant no. 3

lance poses with male contestant number 9

lance in a selfie mode with a guest and other contestants

lance flunked by the female contestants


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

RUDY JACKSON, MASKI NASA AMERIKA AY NAKAKATANGGAP PA RIN NG MGA BIYAYA NA IBINIBIGAY DIN NAMAN NIYA SA MGA KAIBIGAN NIYA SA PILIPINAS!

SIR RUDY (IN DRAG) WITH A FRIEND NAMED MANNY SIR RUDY WITH HIS MOST INTIMATE FRIENDS SIR RUDY IN HIS NEPHEW'S HOUSE IN THE U.S. EARLY CH...