YUL SERVO, DSWD WORKERS, JOEY SARMIENTO, NONIE NICASIO, TULFO BROTHERS, NORMITA & CHRISTIAN TY, AT GAWAD AMERIKA: MGA ANGHEL NA NAGTAWID SA AMIN SA COVID-19 PANDEMIC....


CONG. YUL

CHRISTIAN TY & MOM NORMITA

ERWIN & RAFFY TULFO


JOEY SARMIENTO AND GAWAD AMERIKA

MR. NONIE NICASIO and his 3 lovely angels

PRESIDENT RODRIGO DUTERTE


Congressman Yul Servo Nieto, the DSWD workers and volunteers, two angel-volunteers of a Senator, Joey Sarmiento, Nonie Nicasio and TEAM, the Tulfo brothers, Normita Ty and son Christian Ty and Gawad Amerika group of people....

Sila po ang mga buhay na ANGHEL na tumulong sa blogger na ito (AKO) para makatawid kami ng mahinahon at malumanay sa mga delikadong panahon na ito ng Covid-19 Pandemic and health crisis, na hindi lang naman sa Pilipinas nagaganap sa mga panahon na ito kundi maging sa buong mundo.

We all need one another, we must all protect each other, we must always be there for one another.

Pero kapag ang kapatid mo o kasamahan ay walang magawa at apektado talaga ng sitwasyon, hindi talaga ito makakakilos. Kailangan niya ng PANTAWID.

At sa muli, napatunayan namin na totoo nga ang kasabihang "No Man Is An Island". Na hindi ka mabubuhay sa mundong ito ng nag-iisa. Kakailanganin mo't kakailanganin talaga ang tulong at pagmamalasakit ng kapwa tao mo.

Hindi naman siguro ito panahon para mag-INARTE ka pa, o magpa-IMPORTANTE. Hindi darating ang tulong sa iyo kung hindi ka sisigaw, magpapa-alala o aabot-kamay sa iba. Huwag nang pairalin ang PRIDE o anumang CORPORATE NA KAEK-EKAN para sa mga tulad kong hindi naman 'Elitista' o mayaman. Kabilang ako sa MASA, sa mga ordinaryong Pilipino na kumakayod lamang sa pang-araw-araw.

Sina Joey Sarmiento at Nonie Nicasio, dalawa lamang sila sa mga kasamahan ko sa hanapbuhay na sobrang nag-coordinate at nakipag-kontakan sa isang Senador, at, kay Congressman Yul, sa DSWD at iba pa, para maipamahagi sa mga kapwa manunulat din nila ang mga 'package goods' at Ayuda.

Sa dalawang volunteer staff ng isang Senador na personal na nagpunta sa aming tahanan upang ibigay ang sampung kilong bigas at dalawang supot ng mga canned goods at noodles.

Kina Ma'm Janneth Lamera at Rommel Lachica na mga government workers/volunteers ng DSWD na personal ding nagtungo sa aming tahanan upang ibigay ang aming AYUDA.

Kay Congressman Yul Servo Nieto na isang Pm/text lang namin (dahil pinsan po namin si Cong. Yul), ay agad namang sumagot at hindi nagmaramot ng maitutulong niya sa amin.

Sa Tulfo brothers na sina Raffy Tulfo at Erwin Tulfo sa mga supot ng bigas.

Sa mag-inang sina Normita Sy at Christian Ty sa kaunting financial help na taos-puso nilang ipinarating.

At sa Gawad America group of people sa kanilang food package.

Pero higit sa lahat, kay PRESIDENTE RODRIGO 'DIGONG' DUTERTE dahil sa kanyang inisasyon at pagi-implemento sa Gobyerno ng pagbibigay Ayuda o tulong sa mga taong mas higit na naapektuhan ng Covid-19 Pandemic. Salamat po, DIGONG!

Sa muli't muli, SALAMAT PO.

Sa panahon ng krisis, naririyan pa rin ang mga BUHAY NA ANGHEL-, maglilingkod, mag-aagapay.

Mas gagaan ang buhay at mga pasanin nating lahat kapag naririyan sila.


Kaya mula sa kaibuturan ng aming puso, SALUDO KAMI SA INYO, PILIPINO!





(sinulat ni Robert Manuguid Silverio)


A TYPICAL "BAYANIHAN" SPIRIT/IMAGE




Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

RUDY JACKSON, MASKI NASA AMERIKA AY NAKAKATANGGAP PA RIN NG MGA BIYAYA NA IBINIBIGAY DIN NAMAN NIYA SA MGA KAIBIGAN NIYA SA PILIPINAS!

SIR RUDY (IN DRAG) WITH A FRIEND NAMED MANNY SIR RUDY WITH HIS MOST INTIMATE FRIENDS SIR RUDY IN HIS NEPHEW'S HOUSE IN THE U.S. EARLY CH...