orlando with the late jake tordesilla (R.I.P.) in black shirt, a friend and direk maryo j. in one of their last happy moments together in indonesia. |
Ang mga salita sa itaas ay nanggaling mismo sa FB Status ni Orlando Sol, more than one week ago. And obviously, isa iyon sa pinakahuling nai-post niya sa kanyang Facebook- dahil tunay na nagluluksa ngayon ang Star Music redording artist/singer-actor.
May nakapagsabi pa sa blogger na ito, panay daw ang iyak ni Orlando sa siyam na araw na burol ni tito Jake Tordesillas (R.I.P.), isa sa mga nirerespetong Creative geniuses ng movie industry. Si tito Jake (R.I.P.), napakalaki ng nai-share na artistry sa mundo ng telebisyon at pelikula. Kaibigan ni tito Jake (R.I.P.) ang premyadong direktor na si Maryo J. delos Reyes na siya namang manager ni Orlando Sol.
"He couldn't fully move-on", wika pa ng isa sa production staff ng Production 56 company ni direk Maryo. "Minsan, natutulala na lamang siya. Pero nare-regain niya ang momentum niya kapag nakikita niya ang manager niyang si direk Maryo J. na malungkot. Tatayo siya at aakapin si direk maryo. Ayaw niyang maging totally weak sa mga panahong ito na mas kailangan ni direk Maryo J. ng suporta at kalinga buhat sa mga kaibigan niya. Sina direk Maryo J. kasi at ang yumaong si tito Jake ay naging partners in life. At ngayon, nag-iisa na lang si direk Maryo J."
Pansamantala tuloy na na-move ng kaunti ang mga dates ng promo tours ni Orlando sa ilang key cities sa Visayas at Mindanao in line sa CD album niyang EMOSYON para sa Star Music records. Very emotional kasi pareho sina Orlando at direk Maryo J. lately, na tila bagang akmang-akma sa titulo ng CD album ni Orlando na may pamagat na EMOSYON.
PHOTO BY MR. WILSON FERNANDEZ (orlando stands beside james dean, his idol). |
orlando's new hair style. |
"Uunahin dapat ni Orlando ang Butuan City sa Agusan del Norte, na medyo na-move nga ang petsa ng pagpunta niya doon ngayon", sabi pa ng isang reliable source sa kampo nina Orlando. "Pagkatapos ng Butuan ay pupunta siya ng Iloilo City, Cebu City, pagkatapos ay Dumaguete City. Then, babalik ule siya ng Mindanao papuntang Davao City naman. Pinakahuli sa provincial tour ni Orlando ay ang Bohol province kung saan ay sa Tagbilaran City na lugar nina direk Maryo J. naman ang pupuntahan niya."
Pero in-assure ng source ng blogger na ito, tuloy na tuloy ang provincial tours ni Orlando.
Meanwhile, selling like hotcakes ngayon ang CD album na EMOSYON ni Orlando. At tuwang-tuwa ang mga taga-Star Music sa naging outcome ng first album sa kanila ng morenong singer-actor. Malamang daw na masundan pa ito.
Ire-release din yata muli theatrically ang isa pang pelikula ni Orlando- 'yung Bamboo Flowers na naipalabas na a few years back. May isa pang pelikulang ginawa si Orlando- 'yung The Sister, isang indie film na malapit nang ipalabas. Maganda pareho ang roles ni Orlando sa dalawang pelikulang nabanggit.
Sabi nga ni direk Maryo J.: "Orlando is both outstanding as a singer and as an actor. I won't gamble for him kung hindi ko nakita ang potensyal at mga kakayahan niya."
Keep it up, Orlando. Matatapos din ang pagluluksa nating lahat para kay tito Jake Tordesillas (R.I.P.). He is now in a better and safer place in heaven.
(sinulat ni robert silverio)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento