Kapag nasa loob ako ng isang pampasaherong bus papuntang Probinsya, lagi akong namamangha sa mga tanawing nakikita ko sa labas ng bintana ng bus. Para bagang gusto ko siyang maakap sa malapitan, maamoy ng husto, at maramdaman ng higit pa.
Nagkaroon ng katuparan ang lahat ng iyon ng bisitahin ko nu'ng nagdaang taon ang Botanical Garden ni Sir Armando Giron, na isang advocate ng Culture and Arts sa buong lalawigan ng Bongabon, Nueva Ecija.
Kapag naroon ka sa Botanical Garden niya, ang lapit-lapit mo sa nature. Mahahawakan mo ang mga rare species of plants and flowers, makapamimitas ka ng mga masasarap na prutas at makakain ka ng mga sariwang gulay. Lahat ng iyon, galing mismo sa malawak na farm at Botanical Garden ni Mr. Giron.
Pero higit sa lahat, ang makapiling mo lamang si Mr. Giron, na hinahangaan ng mga kapwa advocates niya for the Arts na tulad nina Frank G. Rivera, Francis Musni, Sonny O Valencia, Armando Pilapil Sta Ana, Carlito Pocholo Malillin at Renato Soriano Bisquera- wow, ibang klase na ang pakiramdam mo sa sarili mo. Kasi, hindi basta-bastang tao si Mr. Giron. Napakadami na niyang accomplishements sa mundo ng Arts at iba pa. Truly, he is a valuable person and son of Bongabon, na isang first-class municipality sa probinsya ng Nueva Ecija.
At ang makapiling din for lunch or meryenda ang iba pang mga distinguished V.I.P.-guests ni Mr. Giron doon sa Giron Botanical Gardens niya, you will feel so elated also. Pawang mga taga-Alta de Sociedad lamang po kasi ang mga regular visitors doon ni Mr. Giron. Nu'ng magpunta kami doon last year, ang mga nakasalamuha namin ay mga Beauty Queens, Politicians, Historians, Balikbayans, Doctors, Industrialists, to name some. Ibang klase talaga.
Kaibigang matalik din ni Mr. Giron ang Mayor doon na si Mayor Ricardo Padilla. Kaibigan din ni Sir Armando ang dakilang Pintor na si Rafael "Popoy" Cusi. Oh, my.
Iyan ang magagandang mga ala-ala ko sa ilang mga araw na pagbisita ko sa Botanical garden ni Mr. Giron. Ang Sining, History at Kultura ay maaakap mo ng husto kapag naroon ka na.
Kaya naman, salamat, Mr. Giron, salamat.
Dahil sa muli, nakatanggap kami ng imbitasyon sa iyo na magpunta sa iyong Botanical Garden.... Ang "SECRET GARDEN ng buhay ko. Magpakailanman.
(sinulat ni robert manuguid silverio)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento