marcella gabrielle giron speaks for novo ecijanos |
marcella with his father- mr. armando c. giron (chairman, nueva ecija's council for history, culture & the arts).* |
MULA SA MGA SALITA NI MARCELLA GABRIELLE GIRON, ANAK NI GINOONG ARMANDO C. GIRON NG NUEVA ECIJA'S COUNCIL FOR HISTORY, CULTURE AND THE ARTS:
"Ang tunay at taos-pusong pagbibigay ay hindi kailanman masusukat o masusuklian. Hindi batayan ang ating pinagmulan o estado sa buhay upang matukoy ang ting kakayahang magbahagi ng kabutihan at malasakit sa ating kapwa. Nagbibigay tayo hindi upang makatanggap lamang ng pauri o kabayaran. Ang walang pag-iimbot na pag-aalay ay nagmumula sa puso, walang bahid ng lihim o makasariling adhikain at hindi humihingi ng anumang kapalit.
Ang pagsasama-sama ng mga bantog na pintor mula sa Nueva Ecija at Maynila ay sumisimbolo sa kakayanan ng sining na pagbuklurin ang bawat indibiduwal o komunidad. Magkakaiba man ang pananw o istilo sa paglilikha, lahat ay kumakatawan sa iisang larangan, sa iisang lalawigan at iisang bansa. Nais ng OBRA na isantabi muna ang mga pansariling hangarin at ibigay ang dangal at papuri sa mahal nating lalawigan.
Naniniwala ako na ang Sining ay isa sa pinakamaganda at wagas na paraan ng pagbabahagi ng damdamin at paghahayag ng mga katotohanang may kaugnayan sa iba't-ibang aspeto ng buhay. Ang sining ay hindi pasikatan o paligsahan, bagkos, isa itong dalisay na pag-aalay ng sarili, talento at pagmamahal sa mundo. Isa itong larangang walang hangganan at lugar para sa mapang-husga at saradong isipan. Isa itong daan tungo sa malayang pagsasalarawan at pagpapahayag ng mhahalagang istorya't mensaheng sumasalamin sa ating pakikiulayaw at pakikipagsapalaran sa mga reyalidad ng buhay.
Kung ating iisipin, ang buhay Novo Ecijano ay isang napakagandang OBRA ng Lumiha. Tayo rito ay pinagkalooban ng nakabibighaning mga tanawin tulad ng marilag na bulubundukin ng Sierra Madre at ang malalawak na bukiring pinagmumulan ng bigas, mais, sibuyas, at iba pang mga ani at produktong nagbibigay buhay at hanapbuhay, hindi lamang sa ating mga kababayan, kundi sa napakaraming Pilipino.
Ang OBRA ay nilikha bilang pasasalamat sa kabutihan at biyayang natatamasa natin bilang mga Novo Ecijano. Isa itong pagbibigay-pugay sa bawat taong bumubuo sa ating pamayanan. Sa pamamagitan ng mga larawang inialay ng mga tampok naming mga alagad ng sining, nais naming maiangat at mabigyang-puri ang ating pagkakakilanlan bilang isang lalawigan, mapukaw at mapsigla ang interes ng publiko sa kahalgahan ng turismo, kasaysayan, kultura at Sining ng Nueva Ecija; mahikayat ang lahat na isapuso ang kultura ng pag-aalay at malasakit, na nagbibigay-daan sa mas pinaigting na pagkakaisa at tuluyang pag-unlad ng ating lalawigang Nueva Ecija."
(SINULAT NI MARCELLA GABRIELLE GIRON)
(Ang OBRA ay isang Visual Art Exhibit for the benefit of Museo Novo Ecijano at kasalukuyang naka-display na sa nasabing Museo. Ang mga likha ng mga piling-piling pintor ay matatagpuan na ngayon at doon mismo sa Museo Novo Ecijano. Pasyalan na ninyo at saksihan ang OBRA!)
Ang Mga Pintor: Fredi Agunoy, Hermes Alegre, Felix Beltran, Dante Castillo, Elito Circa, Rafael Cusi, Jeff Dizon, Domilito Iquio, Ramon Lopez, Jun Martinez, Nik Masangkay, Lydia Nabong, Mario Parial, Roland Santos, Danilo Taiplacido at Edwin Wilwayco.*
mr. giron being interviewed by a cabanatuan tv fiield reporter during the launching of OBRA. |
A MUSICAL BREAK AT OBRA'S LAUNCH |
mr. armando c. giron with very special guests at the launching of OBRA early this year |
the paintings on display at the Museo Novo Ecijano |
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento