lance raymundo |
michael pangilinan |
gerald santos |
adriana agcaoili |
jobert sucaldito |
Si Lance Raymundo ay naging malaking bahagi ng Gantimpala Theater Foundation nu'ng lumabas siya sa play na "Romeo & Juliet" (na nagkaroon ng more than 70 performances) at naging katambal niya dito si Adriana Agacaoili....
Si Jobert Sucaldito ay naging very active sa Gantimpala last year nu'ng gumanap ang alaga niyang si Michael Pangilinan sa "Kanser@35: The Musical" bilang si Crisostomo Ibarra.
Si Gerald Santos ay lumabas na Dr. Jose Rizal sa huling play na idinirek ng yumaong si Tony Espejo- ang play na "Sino Ka Ba, Jose Rizal?"....
Lahat sila, napamahal na sa Gantimpala Theater Foundation. At lahat rin sila, magbibigay ng all-out support sa darating na benefit show ng Gantimpla Theater Foundation sa The Library music bar- na pinamagatang "FULL FORCE: UNITE, IGNITE FOR 40".
Ang kikitain ng nasabing benefit show ay ilalaan sa mga future projects ng GTF (Gantimpala Theater Foundation) at tutulungan din nila si direk Soxie Topacio (na naging malaking kaparte rin ng Gantimpala) sa pagpapagaling nito ngayon sa kanyang karamdaman.
Magkakaroon ng tatlong shows sa The Library para sa nabanggit na event- Oct. 5, Oct. 12 and Oct. 19 sa ganap na ika-pito ng gabi.
Sina Lance at Adriana ay magkakaroon ng isang segment na kung saan ay sila ang magiging hosts. Aawit rin sila pareho.
Si Gerald Santos ay nangakong aawit sa dalawang shows- sa Oct. 5 and Oct. 12....
At siyempre, pahuhuli ba naman sina Jobert at Michael? Si Michael, siyempre, aawit din. At si Jobert, magkakaroon din ng isang segment na siya ay magho-host.
Bale reunion na rin ito ng lahat ng Gantimpala theater artists magmula pa nuong ito'y buksan 40 years ago. Magkakaroon rin sila ng very special tribute to direk Tony Espejo (r.i.p.) na siyang naging Founder ng very prestigious na theater group na ito.
May mga audio visuals presentation or A.V.P.'s na tinatawag culminating the achievements and legacy of GTF.
Excitting, di ba? Kaya makisali na. Makinood at muling damhin ang kahalagaan ng performing arts sa ating bansa!!!
(sinulat ni robert silverio)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento