"kahit bata ako, i appreciate kundiman songs"-- reymond agbada

reymond: captivating in red

reymond: cute and handsome

reymond and his "4-S barkada"

reymond sings

reymond and his guitar: friends forever (SPECIAL PHOTO CREDITS FOR THIS PICTURE: MS. TRIXIE DAUZ)


Sobrang enjoy para kay Reymond Agbada ang Summer of 2017. Very memorable pa at the same time dahil sa Summer na ito ng 2017, dalawang beses siyang nag-shooting para sa indie film na Sinandomeng (isa sa mga film entries sa darating na TOFARM Film Festival).

"Kumanta po kami ng puro Kundiman songs doon sa two shooting days ko sa pelikulang iyon", bungad na kuwento sa amin ni Reymond nang minsang pasyalan namin siya sa radio program na Sama-Sama, Salo-Salo ni Tessie Lagman sa DZRM. "Pero suoer-enjoy naman ako! Ganun pala sa shooting, ang daming tao. Saka po, puyatan pala sa shooting. Buti na lang, kasama ko ang 4S barkada namin nina Tita Tessie. Wala kaming ginawa kundi ang kumanta at kumain at maglibot doon sa location area nila sa Laguna."

Hindi alam ni Reymond, may isang blogger na nago-obserba sa kanya du'n sa dalawang shooting days niya. Sa kamera pala, napaka-telegenic ni Reymond. Ang guwapo-guwapo ng mga shots niya sa nabanggit na pelikula habang nanggi-gitara siya at umaawit. Tipong artistahin talaga.

"Open din naman po kasi ang mind ko when it comes to acting", patuloy na wika ni Reymond. "Pero basically, ang first love ko po talaga ay singing. Nagkataon lang na napasama akod ito sa pelikulang Sinandomeng, hayang tuloy, medyo nag-enjoy din ako sa pag-arte. maski hindi naman po ako umarte dun sa pelelikula kundi kumanta lang. Hehehe."

In case you don't know, si reymond ay kumakanta na ngayon sa mga 5-star hotels, minsan nagpi-piano rin siya. He has his own name and following na rin. Pero mas lalo pa siyang nakikilala ngayon dahil sa inaabanagan na siya palagi ng mga tao sa programang Sama-Sama, Salo-Salo, tuwing Sabado ng gabi sa DZRM radio station. 

"Naririnig kasi nila akong kumakanta doon sa programang iyon ni Tita Tessie", wika ni Reymond. "Dalawang ulit na beses po akong pinapakanta roon. Kaya siguro, dahil doon, mas nakikilala ako. Kaya nagpapasalamat talaga ako kay Tita Tessie."

Ano naman ang masasabi ni Reymond sa mga Kundiman songs?

"Kahit bata pa ako, I appreciate Kundiman songs", sagot ni Reymond. "I find it very interesting. Ang rapa pang kantahin. Feeling ko, nagiging ganap na Pilipino ako kapag umaawit ng Kundiman song."

Abangan ang tuluyang pag-arangkada ni Reymond sa daigdig ng pagkanta, at malay mo, sa pelikula rin. May ibubuga naman kasi siya.


(sinulat ni robert siverio)


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

RUDY JACKSON, MASKI NASA AMERIKA AY NAKAKATANGGAP PA RIN NG MGA BIYAYA NA IBINIBIGAY DIN NAMAN NIYA SA MGA KAIBIGAN NIYA SA PILIPINAS!

SIR RUDY (IN DRAG) WITH A FRIEND NAMED MANNY SIR RUDY WITH HIS MOST INTIMATE FRIENDS SIR RUDY IN HIS NEPHEW'S HOUSE IN THE U.S. EARLY CH...