lance raymundo, may isang pelikula sa TOFARM film festival


lance: out to do a new film project

lance: quenches your thirst

lance: jumping for more


Since hindi na natuloy si Lance Raymundo papuntang Paris, France para samahan ang kanyang mga magulang sa actual Fatima shrine (Lance's parents are both deeply religious people), malamang na matuloy na siya sa gagawin niyang pelikula na isa sa mga film entries sa darating na 2nd TOFARM Film Festival sa buwan ng Hulyo. Nagkaroon kasi ng problema si Lance sa kanyang Visa papuntang Europe, kaya ang fallback position niya ay tanggapin na lang 'yung pelikulang inaalok sa kanya ng kanyang manager na si Shandii Bacolod- ito ngang pelikulang No Place Like Home, na isa sa mga finalists ng Tofarm Film Fest. Ang pelikulang ito ay mula sa direksyon at panulat ni Joseph Abello.

"The story of the film centers around two elder people", wika ni Lance sa isang blogger. "And I will play one of the important characters in the film. Malamang na any day now, magpunta ako sa Bicol region to shoot the film."

Hindi kasi matanggihan ni Lance ang manager niya na nuon pa nagsasabi sa kanya na gumawa na ulit ng pelikula. medyo nagkaroon kasi ng break si Lance sa paggawa ng mga indie films magmula nuong amg-portray siya sa isang Senakulo sa papel na Hesukristo. Maraming offers na kinailangang masakripisyo, lalo na mga film projects, when Lance opted to portray the role of Jesus. Pero ngayong matagal nang tapos ang Mahal na Araw, bumalik na rin si Lance sa mga ordinary showbiz activities niya like TV guestings, hostings, modelling, endorsing health products, and others.

Pati sa looks ni Lance, ibang-iba na rin.

"My hair is shorter now and my body went slim", dagdag na sabi ni Lance. "It went back to its original shape, hindi tulad nuong nagpo-portray ako ng kristo, nagulat ako sa katawan ko- parang bulky na bulky at iba ang form. I found it strange, Now, it went back sa pagiging lean and athletic lang,."

Plano din ni Lance na makagawa ng isang teleserye bago matapos ang taon. Gusto niyang maging very visible sa TV.

'Na- miss ko rin ang mga teleseryes", sey pa ni Lance. "They say that doing a teleserye is quite stressful and time-consuming. But I guess, nasa tamang time management lang 'yan. Me and my manager are now both working-out for my possible inclusion in a teleserye very soon."

The real Lance Raymundo naman kasi is an easy-going guy lang, and fun to be with. But he knows how to be serious when a situation calls for it.

"Yes, that's the real Lance Raymundo for me", pagtatapos na wika pa ni Lance.


(sinulat ni robert silverio)

PHOTOS COURTESY OF MR. LANCE RAYMUNDO

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

RUDY JACKSON, MASKI NASA AMERIKA AY NAKAKATANGGAP PA RIN NG MGA BIYAYA NA IBINIBIGAY DIN NAMAN NIYA SA MGA KAIBIGAN NIYA SA PILIPINAS!

SIR RUDY (IN DRAG) WITH A FRIEND NAMED MANNY SIR RUDY WITH HIS MOST INTIMATE FRIENDS SIR RUDY IN HIS NEPHEW'S HOUSE IN THE U.S. EARLY CH...