"buti naman at nabibigyan-pansin na muli ngayon ang kundiman songs"-- tessie lagman


tessie with her "4-S barkada"

tessie: ageless

tessie: from radio icon to film actress

tessie lagman: princess of kundiman songs



Tiyak niyan, may mga magre-react na naman kapag naisulat namin ngayon na kakanta ng mga Kundiman songs si Tessie Lagman, kasama ang kanyang '4-S' barkada sa ilang mga piling eksena sa pelikulang Sinandomeng, isa sa mga film entries sa padating nang TOFARM Film Festival.

Mayroon na namang mga "know-hows" ang kokontra kung bakit namin isinulat agad ito. Mga nagrurunung-runungan kuno at magagaling daw kuno sa STRATEGY, PLANNING at CONCEIVING. Pero tignan mo naman ang history ng mga nagawa nilang pelikula o mga pelikulang na-involve sila, puro FLOPS naman po.

Kaya huwag na kayong magrunung-runungan diyan. Hindi kasama sa formula ng isang succesful film in the making ang mga balitang kaparte o naging "spice" para maging kasabik-sabik ang pelikula ninyo. Hindi na kailangang hintayin pa ang "one week before the actual showing" bago isulat ang mga dapat isulat ukol sa pelikula! Sa Hollywood nga, eh,. one year ang promo period! Isang taon nang sinusulat ang mga detalye ukol sa pelikula at bago pa man mai-showing ang pelikula, naisulat na taaga nang matagal na ang mga exciting details ukol sa movie!!!!

SO, MANAHIMIK NA KAYONG LAHAT DIYAN, PLEASE.

Anyway, 'yun nga, si Tita Tessie, kasama ang kanyang '4-S' barkada ay nagkaroon ng two shooting days sa pelikulang Sinandomeng. Sila bale ang mga kakanta ng Kundiman songs sa pelikula. Una silang kumanta sa isang lamay scene ng movie kung saan namatay ang asawa ni Sue prado na si Julio Diaz sa pelikula. At panagalawa naman ay nu'ng libing na ni Julio Diaz, kumanta ule sina Tessie Lagman. In case you don't know kasi, ang pelikulang Sinandomeng ay ukol sa mga magsasaka. At si Sue ang babaeng magsasaka na bida sa pelikula na nging biyuda dahil namatayan ng asawa. Ang barkada nina Tessie Lagman ang magpapa-aliw kay Sue sa gitna ng pagluluksa via their Kundiman songs. Kundi man aliwin, lalong paiyakin.

"Buti naman at nabibigyan na nila ng pansin ngayon ang mga Kundiman songs", wika ni Tita Tessie sa isang blogger. "Bigla tuloy nabuhay ang 4-S barkada ko, para kaming nag-resurrect lahat. Ang saya-saya namin during the shooting as we all sang Kundiman songs altogether.

"It's high time, I think, na ma-appreciate na rin ng mga kabataan ngayon ang Kundiman songs", dugtong na sabi pa ni Tessie. "Actually, sa obserbasyon ko, feel na feel naman ng mga millenials ang Kundiman songs, eh. Kapag napapakinggan nila, sinasabayan nila. Gusto nilang matutunan kantahin. Siguro instinct na iyon para sa kanila. Kasi, lahat tayo ay Pilipino, may pagmamahal sa sarili nating musika, lupa at mga kababayan."

Napanood pa ng isang blogger ang isa sa shooting days nina Tita Tessie sa said film. Talagang binusisi iyon ni direk Byron Bryant na siyang direktor ng pelikula. May mga tight shots na overpowering ang dating, at may mga wide shots din na very artistic. Isa ito sa mga aabangan naming eksena sa pelikula.

Ang Sinandomeng ay mapapanood sa buwan ng Hulyo, kaalinsabay ng TOFARM Film Festival film screenings na kung saan ay isa ito sa mga film entries ng nabanggit na pestibal.


(sinulat ni robert manuguid silverio)

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

RUDY JACKSON, MASKI NASA AMERIKA AY NAKAKATANGGAP PA RIN NG MGA BIYAYA NA IBINIBIGAY DIN NAMAN NIYA SA MGA KAIBIGAN NIYA SA PILIPINAS!

SIR RUDY (IN DRAG) WITH A FRIEND NAMED MANNY SIR RUDY WITH HIS MOST INTIMATE FRIENDS SIR RUDY IN HIS NEPHEW'S HOUSE IN THE U.S. EARLY CH...