Pagkatapos na pagkatapos naming mapanood ang pelikulang "LUKAS" ni Avid Razukl, sobra kaming naging proud sa aming sarili. Dahil sa pelikulang iyon, nakita namin ang mga tamang moral values ng isang kabataan, ng isang maghirap at nagpupunyaging Pilipino, at ng isang kaluluwang naghahanap ng tunay niyang katuturan sa buhay at sa mundo.
Espirituwal ang dating ng pelikula. Malalim. Matalinghaga. At 'yung katauhan na LUKAS, sobrang pinahanga kami dahil nagampanan iyon ng buong husay at makatotohanan ni Avid Razul, na siyang title-roler ng pelikula.
Maihahambing namin si Avid sa Hollywood actor na si Keanu Reeves dahil sa istilo ng acting nila ay halos magkapareho. May dating din si Avid na parang Robin Padilla, pero mas subtle siyang umarte keysa kay Robin at hindi OA ang dating niya sa pagganap. Tunay namang kahanga-hanga.
Ito talaga ang pelikulang dapat panoorin ng bawat mag-aaral, o mga kabataang Pilipino. At salamat naman, kasama ang Comission on Higher Education at ang DepEd sa pakikipagtulungan na maipalabas ang pelikulang Lukas sa iba't-ibang parte ng bansa sa taong 2020. Maraming eskuwelahan ang makakapanood sa pelikulang LUKAS. At tinitiyak namin, hindi sila MADADAYA sa pelikulang ito. Sulit na sulit ang magiging oras o panahon na iuukol nila para sa pelikula!
"Pasalamatan natin ang mga eskuwelahan at ang mga estudyante ng mga eskuwelahan na iyon na manonood o nakapanood na ng pelikulang LUKAS", nasabi pa ni Avid Razul sa isang chat message. "Marami kami ngayong inaayos na iba't-ibang dako ng mga eskuwelahan all-over the Philippines. Lilibot talaga ang pelikula naming LUKAS!"
"Gusto ko ring pasalamatan ang mga kaibigan namin sa press at media, at ang Mother of Divine Grace Academy (MODGA), ang DepEd (Dept. of Educatiopn) , ang CHED (Comission on Higher Education), MTRCB, KAPPT, Film Academy of the Philippines at ang Magic Five Film Productions dahil sa pagsuportang ginawa nila sa pelikula kong LUKAS. Talagang nakakataba po ng puso!", naging masayang pahayag pa ni Avid.
Ang mga nasa likod ng pelikulang LUKAS ay ang mga ito: Producers: MS.CHERYL P. LUSAYA, ACE LUSAYA, KIM MADISON,JHERCEL LUSAYA AND AVID RAZUL.
Production Crew: RAUL RADAM AND RAYMOND QUINTANA.
With the partnership of MOTHER OF DIVINE GRACE ACADEMY
(MODGA).
Oo, patuloy na maglalakbay ang LUKAS. Hahayo, maglalayag, lilipad.
Dahil si Avid Razul ay isang tunay na AKTOR.
At ang pelikulang LUKAS ay isang pelikulang hindi namin malilimutan....
MAGPAKAILANMAN.
(sinulat ni robert manuguid silverio)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento