GUSTONG MAIDIREK NI LESTER DIMARANAN ANG DAKILANG SUPERSTAR NA SI NORA AUNOR!

DIREK LESTER: ONE MAN PROJECT

WILL THE REAL LESTER DIMARANAN PLEASE STAND UP?

LESTER: LET'S TAKE IT SLOW, HANDSOME
NORA AUNOR: TYPE NI DIREK LESTER



"Bagalan natin". 

Minsan, kapag binabagalan natin ang ating pakikisalamuha sa buhay, doon natin nakikita pa ang mga bagay-bagay na dapat nating madiskubre pa. Nariyan lang pala sila, kapag nag-ayos-ayos ka, biglang lilitaw, biglang susulpot.

"Bagalan natin".

Kadalasan kasi, sa sobrang pagmamadali natin sa buhay, hindi natin natitikman ang tunay na sarap at tamis ng buhay. Nakakaligtaan natin ang mga bagay-bagay na mas importante pala sa atin.

Kaya tara na, bagalan pa natin. Let's take it slow, handsome.


**********  **********  *********


Siguro, kung sobrang nagmamadali kami sa buhay, hindi namin mapapansin ang kakaibang talento at kagalingan ng direktor na si Lester Dimaranan, ang direktor ng advocacy film na "Lukas" (ipinapalabas sa mga sari-saring eskuwelahan sa kasalukuyan). O marahil din, dahil sa sobrang pagpapayaman ng ilan diyan, maski alam nilang magaling talaga sa pagdidirek si Lester, hindi na nila papansinin pa at magpapatuloy na lamang sila pagpapayaman pa.

Pero may mga taong tulad namin na saglit na titigil at hahanga sa mga tulad ni Lester Dimaranan.

"Actually, Sir Robert, hindi na po ako baguhan talaga sa pagdidirek", kuwento pa ni Lester. "Ilang taon na rin akong nagdidirek ng isang TV show sa PTV-4. Kaya hindi ako basta makatanggap ng outside film projects ay dahil may regular directing job nga ako. Baka po kasi mag-suffer. Puwede akong tumanggap basta ba maiayos maige ang schedules.

"Halos buong taon din ay naglalakbay ako sa Mindanao", dugtong na sabi pa ni Lester. "Nagdidirek ako doon ng isang TV show ukol sa mga cockpit fights. I am always on the road. I have been like that since I was young.

"Actually, I came from a Political and comfortable family sa probinsya namin", pagtatapos na deklarasyon pa ni direk Lester. "Pero hindi mo ako makikita sa loob ng bahay namin. Madalas ako sa labas, at ang mga kaibigan ko ay 'yung mga ordinaryong tao lamang. Minsan pa nga, napasabak ako sa mga gangs and street fights. May knowledge din kasi ako sa Martial Arts."

But basically, deep down inside direk Lester, he is a WRITER. Mas nananaig ang pagka-writer niya keysa sa pagka-direktor. Obvious naman 'yun nu'ng mapanood namin ang pelikulang LUKAS. Kasi hindi predictable ang pelikula. Maso-sorpresa ka sa mga twists and turns ng istorya. Plus the fact na ang hindi alam ni direk, mas na-enhance 'yung istorya ng pelikula dahil sa kakaibang eksekusyon niya sa pagdidirek.

"May naka-diskubre sa akin na isang Luminary sa Literature at sinabi niya na basta mag-submit lang ako ng mag-submit ng mga istorya sa Liwayway Magazine", kuwento pa ni Lester. "Basta nabasa lang niya sa computer laptop ang mga istoryang ginawa ko at pina-publish niya sa Liwayway Magazine. Nu'ng makipagkita siya sa akin, he encouraged me to write more."

At doon na nag-umpisa ang lahat. Since magka-konektado naman ang pagsusulat pagdidirek, soon after, direk Lester found himself directing short films, documentaries and indie films na. Mabilis ang growth ng kanyang artistic capabilities- nag-widen ng nag-widen ito many different horizons.

Pero naitanong namin kay direk Lester Dimaranan, sino ba ang pangarap niyang maidirek balang-araw?

"Si Nora Aunor po, Sir Robert", sagot ni direk Lester sa amin. "Kasi I can feel, ang lawak-lawak pa rin ng acting range na naibibigay ni Ms. Nora Aunor maski ba nagka-edad na siya. Parang hindi siya nauubusan ng mga emosyon at sari-saring dimensions ang napupuntahan ng pag-arte niya. Kaya nakaka-challenge talaga siyang maidirek someday.

"Bukod po kay Nora, gusto ko ring maidirek ang beteranong direktor na si Joel Lamangan. Minsan kasing mapanood ko siyang umaarte, na-challenge ako. Parang ang sarap niyang maidirek someday. At saka si Christopher de Leon din, hanep din sa galing. Kapag direktor ka, mas gugustuhin mo talaga ang mga artistang ganyan kagaling."


******   *******  ******


Tara na, handsome. Bagalan pa natin. Para mas mapansin pa nila ang kagalingan mo sa mga artistikong mga bagay-bagay. Mag-linger pa tayo ng matagal, dahil tulad ng isang direk Lester Dimaranan-

ang kinabukasan ng Philippine Cinema ay nakasalalay sa mga kamay at sa mga mata ng mga direktor na "next in line" na sa pagiging mga Masters.

Aabangan natin sila-



MAGPAKAILAN MAN.





(sinulat ni robert manuguiod silverio)

DIREK LESTER DIRECTS A REGULAR TV SHOW
DIREK LESTER DIRECTS AN IMPORTANT SCENE IN THE ADVOCACY FILM "LUKAS", WITH SEASONED ACTORS REZ CORTEZ  (IN GREEN SHIRT) AND JAO MAPA (IN YELLOW SHIRT) INTERACTING WITH HIM

DIREK LESTER INSTRUCTING AN ACTOR IN A SHOOT

ISANG PANTASYODORANG BLOGGER AT SI DIREK LESTER




Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

RUDY JACKSON, MASKI NASA AMERIKA AY NAKAKATANGGAP PA RIN NG MGA BIYAYA NA IBINIBIGAY DIN NAMAN NIYA SA MGA KAIBIGAN NIYA SA PILIPINAS!

SIR RUDY (IN DRAG) WITH A FRIEND NAMED MANNY SIR RUDY WITH HIS MOST INTIMATE FRIENDS SIR RUDY IN HIS NEPHEW'S HOUSE IN THE U.S. EARLY CH...