Sa more than 35 years ko na as a showbiz writer na naging blogger at publicist na rin ngayon, isa sa maipagmamalaki ko at isa rin sa greatest achievement ko ay ang pagkakaroon ko ng isang YUL SERVO (Yul Servo Nieto) sa buhay ko. Si Yul po ay aking PINSAN. Pero hindi lang 'yun, maski siguro bumalik sa mundo ang yumaong direktor na si Maryo J. Delos Reyes (R.I.P.) ay maga-attest siya mismo na hindi niya mapapansin ng husto ang potentials and promise ni Yul Servo kung hindi namin siya ginatungan at nag-insist sa kanya na mapapasikat niya nuon ang "mukhang bubwit o maliit na daga" na binatilyong naga-apply maging talent niya noon at nag-workshop na ng theater acting sa Gantimpala Productions nina direk Jun Pablo.
Sa una, hindi gaanong pinapansin ni direk Maryo si Yul. Pero later on, nakitaan niya ito ng tiyaga, kabaitan at kababaang-loob na tumusok sa puso ng yumaong veteran film master. At minsang nakita ni direk Maryo J. ang mga litrato ni Yul na ako mismo (yes, ako po) ang kumuha ng mga litrato na naka-pose si Yul sa swimming pool ni direk Maryo J. sa resthouse nito sa Pansol, Laguna ay namangha si direk Maryo at nalaman niyang photogenic ang batang Yul noon. Kakaiba ng karisma.
Nagpakita si Yul ng sipag at dedikasyon sa career niya bilang isang aktor, at doon lalong napabilib si direk Maryo. Kaya ng lumaon, nagbida na si Yul sa critically-acclaimed film ni Lav Diaz na "Batang Westside". Naging award-winning actor din si Yul.
Hanggang sa pumasok sa Politika si pinsan Yul. Naging Konsehal at ngayon ay isa nang Congressman.
Hindi nagbago si Yul. Kapag kausap namin siya, parang tulad lang nung dati. Walang pader, walang pagbabago. Personal siyang sumasagot sa mga text messages namin.
Proud ako na kadugo ko si Yul, mula kami sa probinsya ng Bulacan. At maski gaano man kababa o ka-humble ang pagiging isang manunulat ko, at tuwing maiisip ko na naging kaparte rin ako kahit papa'no sa buhay ni Yul, I feel so proud talaga.
Saludo ako sa iyo, pinsan Yul. Saludo, PILIPINO!
At.... salamat.
SINULAT NI ROBERT MANUGUID SILVERIO
CONGRESSMAN YUL SERVO: GOOD SERVANT OF THE PEOPLE |
captivating yul |
cong. yul with blogger robert |
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento