yul speaks from the soul and the heart, and for all the MANILENYOS |
YUL WITH THE NAME "JUAN LUNA ST." AT THE BACKDROP: A VISION FOR THE "ARTS" IN MANILA. |
Ang bawat siyudad ay may KALULUWA. Aminin man natin o hindi, tayong lahat ay hindi basta lamang mga materyal na bagay na walang PUSO at DAMDAMIN. Maging nasa panahon man tayo ng METALLICA, o MILLENIAL o BAKAL, ang bawat nilalang na nabubuhay sa isang lugar,- mapa-Maynila man ito o Makati- ang siyudad na kinatitirikan nilang lahat ay may KALULUWA.
Mapa-anuman ang kaluluwang iyon, sabihin na nating ang kaluluwang iyon ay nagtataglay ng mga puso at iba't-ibang DAMDAMIN. Mga iba't-ibang kulay din, na hindi basta masasagot ng pang-araw-araw na buhay. O ng isang tinapay na kakainin sa hapag-kainan tuwing almusal o pagka-gising.
Nakakalungkot mang malaman, mismong sa bibig na ni Congressman Yul Servo Nieto nanggaling, na maski ano'ng gawin niyang pukpok na maiantas ang Sining sa Maynila, sadyang hindi na ito ang prayoridad sa pang-araw-araw na buhay ng mga tao doon. Pero inilaban pa rin ni Congressman Yul, at nagtayo pa rin siya ng mga sari-saring programa na maiuugnay ang Sining sa Puso at Diwa ng bawat taong nasa Maynila.
Marahil, kagagawan na rin 'yan ng mga kapus-palad na mga magulang ng bawat kabataan o tao sa Maynila. Dahil sa sentro ang Maynila ng Komersyalismo at Kapitalismo, ang Sining ay napasasa-walang-bahala na lang. Itinuro na ng mga magulang sa Maynila sa mga anak nila ang mas paboran ang kalusugan nila at iba pang mga "basic necessities" para mabuhay.
Pero alam ba nila na ang Maynila ay mananatiling Maynila? Na ang Maynila, opo, tunay pong may PUSO ito at KALULIUWA.
"Biruin mo, Kuya Robert, napag-Acting Workshop ko doon sa Maynila ang mga solvent boys at trouble makers?", pahayag ni Yul sa pinsan niyang blogger. "Na imbes na maging addicts sila, naipalabas ko ang mga talento nila sa pag-arte. Hehehe... Kaso lang nga, talagang mahina ang feedback kapag ukol sa Sining ang mga proyekto ko. Karamihan sa kanila, hindi pinapayagan ng mga magulang nila na umarte o magpinta o magsayaw o kumanta. Mas gusto nila, 'yung seguridad sa pang-araw-araw na pangangailangan ng isang tao.
"Pero hindi naman po ako tumitigil, Kuya Robert", dagdag na wika ni Yul. "Ipaglalaban ko pa rin po ang Sining para sa Maynila. Bilang isang aktor at taga-Sining din, siyempre naman, gusto ko ring ipaglaban 'yan talaga dahil iyan ang tininuro sa akin ng mentor kong si direk Maryo J. delos Reyes. Lumaki din po kasi ako sa Teatro at pelikula. Galing ako sa Gantimpala Theater Foundation bago ako nadiskubre at naging artista ni direk Maryo J. Tapos, nag-Tanghalang Pilipino din ako. Kaya nasa mga ugat ko na rin talaga ang pagmamahal sa Sining maski Congressman na ako ngayon.
"Hayaan mo, Kuya Robert, habang nakaupo ako sa pagiging isang Congressman, hindi ko pababayaan ang Sining sa Maynila", pagwawakas na sabi ni Yul. "Kasi, alam ko din po, na ang Sining ang puso at kaluluwa ng bawat Siyudad."
Naipangako nuon ni Yul sa mga naging kampanya niya, na ang Metropolitan Theater ay bubuhayin niyang muli kapag siya nakaupo na sa Kongreso. In fairness, ipinaglaban naman ni Yul ang Metropolitan Theatre. Kaya lamang, sa ngayon, ito'y napunta na sa ilalim ng pangangalaga ng NCCA (National Comission for Culture & the Arts).
"Nire-revive na po nila ngayon ang MET, Kuya Robert", pahabol na sabi ni Yul. "At ang NCCA na po ang bahala du'n. Nasa restoration process na po sila."
Si Yul, laking Maynila. Lumaki sa tabi ng Divisoria. Nagkamalay sa Tondo. Mananatiling mababa ang loob. Makatao.
Dahil si Yul at ang Maynila? Sila ay IISA.
At ang SINING ng Maynila ay mananatili rin...
sa
HABANG PANAHON.
(sinulat ni robert manuguid silverio)
PHOTOS ABOVE AND BELOW, COURTESY OF YUL SERVO'S FB PAGE AND OFFICIAL PHOTOGRAPHERS (credits goes to the real owners)***
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento