lance raymundo: perfect model for facial masks |
mrs. nina zaldua-raymundo arrives home |
lance observes social distancing with his mom, nina raymundo, as they watch a Sunday mass at home. |
THE RAYMUNDO FAMILY REUNITES FOR DINNER AT HOME |
"Dinner celebration for the end of Mom’s 14-Day Quarantine after arriving back from a nearly 6 Month long stay in California. Mom tested negative for COVID-19 less than 24 hours after arrival but our family still decided to honour the 14-day home quarantine. Mom limited her movement only between her bedroom and the prayer room the whole time. So happy to finally have her join us in the dining room tonight! Happy week ahead everyone! Stay safe and well always!"- (LANCE RAYMUNDO'S LATEST FB POST).***
Yes po, iyan ang mga binitiwang salita ni Lance Raymundo sa kanyang most-recent FB Post, kung saan ay makikita sa kalakip na larawan ng kanyang FB Post ang buong Raymundo family na magkakasama at nakahandang magsalo-salo na sa isang masaganang hapunan. Naroon sa larawan ang elder bro ni Lance na si Rannie, kasama ang mga anak niya at asawang si Charyl. Plus others more pa, including mom Nina Zaldua Raymundo na natapos na ang kanyang 14-day home quarantine pagkatapos ng kanyang anim na buwan na bakasyon sa California, U.S.A.
Hanga kami sa pamilya Raymundo, na isa sa mga tunay na nirerespeto na mga angkan sa showbiz. Dahil tunay na modelo sila ng health safety protocols, isang bagay na dapat sundin ng dalisay at wagas ng bawat ordinaryong Pilipino upang tuluyang malabanan ang Covid-19. Kasi, sino ba naman ang tutularan ng mga ordinaryong masang Pinoy kundi na rin ang mga artista at celebrities na hinahangaan nila, 'di ba? Kapag nakikita naming ganito ang mga angkan ng celebrities, aba eh, talagang gagayahin na rin namin.
Si Lance, naging modelo pa ng mga tribal facial masks at kung anu-ano pa dahil visible sa karamihan ng kanyang mga viral posts ang pagiging maingat niya. Gustong-gusto rin namin 'yung modelling shoot niya para sa Chancellor 200 na 'Suit Up, Mask On', kasama ang bro niyang si Rannie at si Cong. Yul Servo Nieto at isa pang aktor na si Christian Vasquez.
"How we missed our mom because of her long vacation", tanging nasabi na lamang ni Lance sa isang blogger-friend niya. "Lalo pa kaming nabitin na nu'ng nandito na sya, eh, hindi pa rin namin siya malapitan kasi very strict siya to follow the safety protocols. Nalapitan na lang namin siya nu'ng natapos na niya ang kanyang 14-day home quarantine. As ordinary citizens, hindi kasi kami nandadaya sa pagpapatupad ng mga health safety protocols na 'yan. Sana kayo rin."
Miss na miss na nga ng isang blogger si Lance na makaharap at muling makasalo sa isang dinner man lang o meryenda. Pero gustuhin man ni Lance, wala talaga siyang magawa kundi ang humindi muna sa pakiusap ng kanyang kaibigang blogger.
"Robert, sobrang higpit din kasi dito sa condo tower namin", pagtatapos na wika ni Lance. "At dito sa area o Barangay na kinalalagyan ng condo ko. Maski na sa bahay namin sa Greenhills located in a subdivision area, ang higpit din! Halos hindi na talaga kami lumalabas ng bahay o condo! Basta dapat ay maging maingat pa rin tayo. Konting tiis na lang, matatapos rin ang lahat ng ito."
Korek na korek ka diyan, Papa Lance!
(sinulat ni robert manuguid silverio)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento