Ilang beses na naming nakita ang magandang INA ni Tita Fanny Serrano sa mga okasyon at events mismo ni TF (Tita Fanny). Pero mas madalas, nakikita namin siya sa beauty salon na pag-aari ni TF. Sosyal na sosyal ang hitsura niya at pananamit. Laging naka-postura at naka-ayos. Nakaupo lang siya kadalasan sa receiving area ng beauty salon ni TF. At ang presensya niya sa Salon, nakakapagpa-dagdag ng glamour, motherly feeling, warmth and affection sa "ambience" ng beauty salon ni TF.
Naisip namin, sa tuwing makikita namin ang INA ni TF sa beauty Salon niya, mas nagdadala ito ng suwerte sa buhay, pagibig at negosyong pagpapaganda ni TF. Ang mga ina kasi, sila talaga ang nagbibigay-suwerte sa atin sa tuwina. Sila din ang laging nag-aasikaso sa atin, nagbabantay, nagmamalasakit. Kaya ang presensya ng mga ina sa ating mga gawain, sadyang nagdudulot iyon ng kakaibang suwerte at pagmamahal.
Yes, it's Tita Fanny's greatest love for his mom that made us idolize him and adore him more. 'Yung magandang imahe na naipakita niya sa mga tao, masasabi naming hindi lang sa panlabas na pang-iimpress lamang, kundi mas higit mo siyang hahangaaan sa personal niyang buhay.
Kasi, hindi ba, CHARITY BEGINS AT HOME. Kung wala kang charity at pagmamahal sa mismong loob ng iyong tahanan, na dapat ay iyon ang mas unahin mo, paano mo masasabing isang ganap na mabuting nilalang ka?
Kaya sa pagmamahal na ibinigay ni Tita Fanny sa kanyang ina, doon namin mas na-assure na isa nga siyang napakabuting tao.
Kaya, HAPPY MOTHERS DAY SA IYO, GINANG ROSARIO "CHARING" FAUSTO!
Kung wala ka po, Ate Rosario, walang Tita Fanny ngayon na napakalaki ng naitulong at naiambag sa industriya ng pelikula, teatro, telebisyon at pagpapaganda.
Sa magandang pagpapalaki mo, Ate Rosario, naging magandang ehemplo rin si Tita Fanny sa lahat ng mga nasa third sex- sa mundo ng LGBT na sobrang tinitingala siya.
Bata pa kami, napanood na namin si Tita Fanny sa Teatro. Ito ay sa dulang "Hanggang Dito Na Lamang At Maraming Salamat", isang klasikong dula na sinulat ng yumao kong NINONG- si Orlando Nadres. Mula nuon, sobra na ang paghanga namin kay TF.
At mas lalo rin naming hinangaan si TF sa pagsuporta niya kay Presidente Rodrigo Duterte. Napatunayan namin ng husto, hindi nagkamali si TF para mag-endorso ng isang tunay na Presidente para sa bansang Pilipinas. Ipinaglaban niya ng husto ang ating Pangulo.
HAPPY MOTHER'S DAY, TF. Isa ka ring INA para sa akin. Kasi, tulad ko, napakarami mong inarugang mga "anak-anakan". Kaya kung wala ka, paano na kami?
INDEED, MOTHERS ARE THE BEST HUMAN BEINGS IN THE WHOLE WIDE WORLD. MABUHAY!!!!
(sinulat ni robert manuguid silverio)
PHOTOS COURTESY OF FANNY SERRANO.*
BONUS PICS BELOW, TF'S MOM WORKING AT THEIR HOUSE: ("Nagagalit Mom ko kapag sinasaway ko siyang huwag magtrabaho. She is now 87 years old."--TF*)
TF AND HIS MOM |
tf with blogger robert |
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento