Naroon siya sa gitna ng isang matinding "giyera'....
Pero kakaibang GIYERA ito.
Isang giyerang hindi mo nakikita ang kalaban mo.
Pero hayun ang isang aktor na nagngangalang RICHARD QUAN.
Tumutulong sa mga kapwa niya Pilipinong apektado ng isang Pandemic.
Hindi niya isina-alang-alang ang sarili niyang kapakanan, pagod, kalusugan at hirap.
Basta ang alam lang niya sa sarili niya- gusto niyang maibsan ang paghihirap ng kapwa-tao niya.
Isang tunay na ADVOCATE, An "Angel-Advocate".
Kung karamihan sa mga kapwa niya aktor ay sapat na sa pagbibigay lamang ng mga ayuda o relief goods,
Ang kaibahan ni Richard, siya pa mismo ang nag-volunteer para personal na ma-distribute ang mga tulong sa kanyang mga kababayan.
Kaya hayun, personal niya NAKITA, nasaksihan, nadama-
ang tunay na REALIDAD
Sa gitna ng Pandemic na ito- ang Corona Virus Pandemic.
Sana, marami pang Richard Quan sa mundong ito.
Sana, marami pang mga tulad niyang FRONTLINERS ang buong tapang na haharap sa mga giyera, sa mga krisis.
Mga 'Modern-Day Heroes', ika nga.
Si Richard, handang umalis sa kanyang "comfort zone".
Handang marumihan
Handang pagpawisan
handang magsakripisyo.
Like a true soldier of God's loving arms
"Totoong kay dami sa ating mga kababayan ngayon ang naghihirap, nakita ko iyon sa dalawang mga mata ko. nakita ko ang mga paghihirap nila. At nakita ko rin ang saya sa mga mata nila kapag naabutan na sila ng mga tulong. Talagang tutulo ang mga luha sa mga mata mo.", anya pa.
SALUDO KAMI SA IYO, RICHARD QUAN.
MAGPAKAILANMAN.
(sinulat ni robert manuguid silverio)/ PHOTOS COURTESY OF RICHARD QUAN (Grabbed without any auhtorization at his FB account).*
photos were not captioned to create a more dramatic feeling. thank you---rms.*
"hindi po nakikita sa social media at news ang totoong kalagayan ng mga kababayan natin... DESPERATE po ang karamihan...we are in a critical time...
encouraging everyone to please HELP IN WHATEVER CAPACITY you can...
stay home...spread the facts...
no to fake news... stay vigilant..
...stay safe ΓΌ."--- RICHARD QUAN.*
encouraging everyone to please HELP IN WHATEVER CAPACITY you can...
stay home...spread the facts...
no to fake news... stay vigilant..
...stay safe ΓΌ."--- RICHARD QUAN.*
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento