RODOLFO JACKSON: A SOFT HEART FOR FELLOW GAYS |
SIR RUDY IN THE U.S. |
SIR RUDY: PHILANTHROPIST |
SIR RUDY: FOREVER YOUNG |
FROM LEFT TO RIGHT: BLOGGER ROBERT, RODOLFO JACKSON, PEPITO ALBERTO AND FAMOUS FASHION DESIGNER DANNY DELA CUESTA |
Isa nang U.S. Citizen ang sikat na bar owner at kaibigan ng mga celebrities na si Rodolfo Jackson (si Mr. Jackson po ang pioneer ng mga Gay Bars dito sa Pilipinas nu'ng Dekada '70's, '80's hanggang '90's). Pero taon-taon naman, he sees to it na makabisita muli sa Pilipinas bilang isang Balikbayan.
"Last year, 10 months akong nagbakasyon dito sa Pilipinas", bungad na sabi pa ni Mr. Jackson habang kausap ang isang blogger sa isang masaganang dinner treat. "Pero this time naman, hanggang February 2020 lang ako dito. Mas makli ang bakasyon ko ngayon kasi kailangan kong bumalik na agad din sa Amerika.
"Maganda kasi ang health service sa Amerika kaya nagpasya na rin akong doon na lang manirahan", dagdag pang sabi ni Mr. Jackson. "Iba ang serbisyo doon ng Gobyerno para sa mga tao. I am now 67 years old, and I decided to enjoy na lang my life and slow down."
Pero kung titignan mo si Sir Rodolfo, Rudy in short, ni wala siyang ka-wrinkles-wrinkles sa mukha, buo pa rin ang set of teeth niya at napaka-baby face.
"Basta ang ginagawa ko, tawa lang ako ng tawa", sey pa ni Kuya Rudy. "Hindi ko iniisip ang mga problema ko. At saka, ang misyon ko ngayon, mai-uplift pa rin ang mood ng mga kaibigan kong gays din. Gusto ko, maging masaya pa rin sila. Iniisa-isa ko silang pasyalan, i-meet, i-treat ng dinner, sa ganu'ng paraan, mapasaya ko man lang sila ay masaya na rin ako."
Mahal ng karamihan sa mga taga-industriya si Sir Rudy dahil kaibigan niya ang karamihan sa mga ito. Ayaw na lang magbanggit pa ng mga panglan si Sir Rudy baka kasi lumabas na "name-dropper" siya. Maski na ang mga modelong natulungan niya at sumikat, iniingatan din niya daw ang mga pribadong buhay ng mga ito.
Heto lang naman po ang mga naging pag-aari na mga bars, clubs and gay bars ni Mr. Jackson: ABBEY BAR, GAS LIGHT BAR (na sikat na sikat nu'ng Dekada '70) sa may Dutch Inn Hotel, CARACHI BAR, Bistro Manille (sumikat naman nu'ng Dekada '90's) , Ricardo's Disco sa may Padre Faura, Gay '90's Gay Bar, JUG"s Bar sa may Ermita Hotel noon, ang pinakasikat at pinaka-daring na Gay Bar nuong 1990's na ADAM AND EVE Gay bar, INSIDE BAR at ang klasikong EL BODEGON Bar na kung saan pinagmulan ng napakaraming sikat na singers (ayaw na lang din naming i-mention).
"Nagsimula ang lahat nu'ng maging boyfriend ako ng isang gay performer noon na binansagan nilang Liza Minelli ng Pilipinas", kuwento ni Jackson sa isang blogger. "Hanggang sa later on, ako na ang pinag-manage sa mga bars, at nung lumaon, ako na mismo ang nagtayo na rin ng sarili kong mga bars.
"Ibang-iba noon keysa ngayon", dugtong na sabi pa ni Jackson. "Noon kasi, ay ART ang mga presentasyon sa mga gay bars, hindi basta kalaswaan lang. Saka noon, talagang puro bakla lang ang pumapasok sa isang gay bar. Ngayon, iba na. Nakakadismaya nang tignan kasi karamihan sa mga pumapasok na ngayon ng gay bars ay mga babae, mga japayuki's. Nakakailang nang tignan."
Kaya nga nag-desisyon na rin na manirahan na lang sa Amerika si Sir Rudy. Alam niya, nag-iba na ang takbo ng panahon at ang ihip ng hangin. Mas masaya na siya ngayon sa pagiging isang Pilantropo na lamang- ang pasayahin at ilibre ang mga kapwa bakla niya sa mga dinner-outs and night-outs.
"Wala na rin akong balak magtayo muli ng gay bars", pagtatapos na sabi ni Sir Rudy. "Kung sakaling mag-produce man ule ako ng shows, ido-donate ko sa Lola Divas ang proceeds ng shows. Advocacy ko na 'yan. Sobrang kay tagal din na panahon ang inukol ko sa entertainment industry, pero sa ngayon, mas mahalaga na sa akin ang mapasaya ko ang kapwa bakla ko", pagtatapos na wika pa ni Rodolfor Jackson.
MABUHAY KA, SIR RUDY!!!
(sinulat ni robert manuguid silverio)
RODOLFOR JACKSON WITH THE FABULOUS GAYS |
RODOLFO JACKSON WITH THE FABULOUS GAYS |
A GREAT DINNER, "EAT-ALL-YOU-CAN" STYLE WITH MR. JACKSON AND THE FABULOUS GAYS |
ROBERT, RODOLFO, PEPITO AND DANNY |
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento